Kabanata 7

911 45 9
                                    


Kabanata 7
Ended




Hiyang hiya pa rin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari noong nakaraan. Ang hirap tanggapin na natakot at kinabahan ako sa isang asong umuuwang!

Isa pa 'tong si Terrell na tuwang tuwa pa sa reaksyon ko habang kinukwento ni Rayo kung gaano ako ka natakot. I'm just glad that he contained some part of what happened. Baka nabatukan ko na siya kung sinabi niyang nagbangayan pa kami!

"Your papers are ready for the enrolment, ija. Naibigay ko na kay Rayo..."

Tumango ako at tipid na ngumiti kay Senyora Celeda.

Nuong nakaraang araw lang sila dumating ng asawa kasama ang apong si Alani. It was a sudden homecoming kaya hindi na kami nakapaghanda pa para sa pagdating nila.

"Bakit nga po pala napaaga ang uwi ninyo, La? Akala ko sa susunod na linggo pa?" Terrell asked that made Senyora turned to him.

Ngumiti ito sa apo.

"We can't miss Rayo's performance tonight, Terrell," makahulugang tugon ng Senyora sa apo na animo'y nagtataka sa tanong nito.

Tahimik lang akong kumakain habang nag-uusap silang magpamilya. I don't want to interrupt their conversation since I am not part of the Fidallegos. Ipinagtataka ko nga kung bakit tahimik lang itong si Rayo sa tabi ko at hindi na nakikisali sa usapan nila.

"Right," si Terrell nang naalala ang tungkol sa celebrasyon mamaya.

"Girls will fall for Rayo once again tonight," sinundan iyon ng nang-aasar na tawa.

Finally, Rayo countered his cousin's remark. Maingat niyang ibinaba ang baso ng tubig matapos uminom do'n.

"They won't. Boses lang naman ang gusto nila tungkol sa akin," sagot niya sabay sulyap sa akin.

Muntik ko nang malunok ng diretso ang kinakain matapos tamaan ng kanyang nanghahamong tingin.

Wait, was that for me? Sa tingin ko ay parang binabato niya sa akin ang mga salitang nasabi ko noon sa kanya!

"And what I do is just a fan service..."

Pairap ko siyang binalingan. Naging peke ang ngiti ko kay Rayo dahil sa inis na unti unting nabubuhay sa dibdib ko.

"A fan service?" nagtatakang sambit ni Senyor.

Terrell chuckled. "Yes, Lolo...A fan service, it is."

Kaagad kong sinamaan ng tingin si Terrell na nagkibit balikat lang.

"Who said so?" pakikisali ni Alani na ngayon lang binasag ang sariling pananahimik.

I flinched a little when she glanced at me, with all the humour in her eyes. Napayuko ako at hindi na tinuloy ang pagkain.

I can feel the tension slowly eating me. Masyado ko atang minamaliit si Rayo. Maybe because there are only two Fidallegos living with me here, in their grand mansion. Plus the fact that I am in control of some things in this premises just like how the Fidallegos control it.

Sa sobrang kapanatagan ko tungkol sa buhay na meron ako ngayon ay nakalimutan ko na kung saan ang lugar ko. Fidallegos are stern and fierce. They are respected by the people in Altaguirre. Tapos heto ako, nagtataray pa at nagfe-feeling donya rito.

Now I'm wondering what the maids think of me too. Alam kong dati pa man ay naiinis na sila sa akin dahil isa akong Alazora, pero kung ganito ko sila pakitunguhan ay baka mas hinila ko pa sila sa inis nila sa akin.

And if I continue how I treat Rayo, the Fidallegos might get back at me. Worst, they will throw me outside this life.

Mas lalo kong napagtanto ang ginagawa nang malaman kong inaasikaso nila ang papeles tungkol sa mana ko. Since I am not yet in the legal age to process it my own, I need their help. Malaking tulong ang ginagawa nila para sa pagpo-proseso ng mga kailangan ko.

Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)Where stories live. Discover now