Kabanata 12

705 32 5
                                    


Kabanata 12
Equestrian




Pinagmasdan ko si Rayo mula sa maliit na distansyang nakapagitna sa amin. Nakaupo sa bermuda, sa lilim ng malaking puno ay tanaw ko siya kasama ang mga kaibigan. Paikot silang naka-upo para makagawa ng malaking bilog. Mukhang hindi naman nagpa-practice at nag-uusap lang tungkol sa ibang bagay.

I've seen him smiling earlier. Tumatawa naman kapag nagbibiro ang kausap. Panay ang pagsulyap niya sa gawi ko kaya sa tuwing nagkakasalubong ang aming tingin ay kaagad kong iniiwas ang mga mata.

Ilang minuto na rin akong tulala sa kanila at tahimik. Wala naman akong kaibigan na pwedeng kausapin at ilap din sa akin ang mga kasama ni Rayo. May iilang nagtatangkang magpakilala pero binabawi rin naman kaagad ang kagustuhan sa bawat tingin ni Rayo sa kanila.

I sighed my boredom and rerouted my eyes to see the vast sky. It was so clear and peaceful. Sa sobrang payapa ay iisipin mong mag-isa nalang ang araw at iniwan na ng mga ulap. Malawak na para bang may kulang, at hindi alam kung ano ito at kung saan mo hahanapin.

The sun is lonely at some point. Sa mga pagkakataong matingkad at marahas ang sinag nito ay naiiwan siyang mag-isa sa itaas. Umaalis ang mga ulap na animo'y nasasaktan ito ng kanyang liwanag.

"Ayos ka lang? Gusto mo na bang umuwi?"

Bumaba ang tingin ko para silayan si Rayo na nakalapit na pala sa akin. His left foot was folded to touch the ground while he's on his right knee.

Sumulyap ako sa likuran niya at nadatnan ang nang-uusyusong tingin ng mga kasama niya sa amin. Ibinalik ko ang tingin sa kanya saka tipid na umiling.

"Ayos lang ako," inginuso ko ang banda nila. "Bumalik ka na. Magpapractice na ata kayo."

He smiled at me a little. "Wala naman kaming practice. Nagmeeting lang para sa susunod na gig."

Hindi ako naniniwala kaya nagtaas ako ng kilay.

"Pwede na tayong umuwi kung gusto mo," dagdag niya para pangunahan ang kuryusidad ko.

"Why? Akala ko ba may gusto kang puntahan? Sumama ako sa 'yo kasi akala ko may pupuntahan tayo," naghalo ang pait at pagtataka sa boses ko.

Suddenly, the playful emotion on his eyes flickered as his smile widened. Hindi kalauna'y naging ngisi na para bang natutuwa dahil naalala ko iyong sinabi niya noong nakaraan.

Come on! Gusto kong gumala naman kahit isang beses lang sa buong bakasyon. Hinahanda ko na nga ang sarili para sa gagawing pagkukulong sa kwarto para sa mga susunod na araw. Itong lakad nalang ni Rayo ang inaasahan ko sa ngayon.

"Akala ko ba ayaw mo, Syda? Bigla ka atang nagka-interes sa lugar na sinasabi ko?" he managed to tease even if my eyes were becoming slits.

"Huling gala ko na kasi ngayon bago ako tuluyang magkulong sa kwarto! Did you lie to me, Rayo? Totoo bang may gusto kang puntahan o pinaglalaruan mo lang ako?"

I am not mad. I am just disappointed. At mas lalong manghihinayang pag sinagot ako nitong si Rayo na kasinungalingan lang lahat ng 'yon!

"Magkukulong ka sa kwarto?" nangingiting tanong niya.

Matagal pa bago ako nakasagot. Iniisip kung kaya ko nga bang panindigan ang sinabi. Kaya ko nga ba?

I am being so impulsive right now. Nagdedesisyon base sa nararamdaman at hindi base sa nakikitang posibleng mangyari.

"Hindi ko pa sigurado..." mahinang tugon ko.

Saglit kaming nagkatinginan. Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo ito at bumalik sa mga kasama. I stared at him, confused. Nadagdagan pa ang kuryusidad nang nakita kong medjo inasar pa siya ng mga kaibigan.

Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)Where stories live. Discover now