Kabanata 18

616 31 9
                                    


Kabanata 18
Meet




Masyado pang maaga para tumunganga pero dahil sa naging panaginip ay hindi ko na mahila ang sarili pabalik sa mahimbing na tulog. Sa balkonahe na ng kwarto ni Freesia ako tumambay kahit pa medjo madilim at ang tanging nakikita ko lang ay ang kakahuyan sa malapit.

Nasa dulo na ito ng kakahuyan. Ilang hakbang malapit sa sapa. Tanaw mula rito ang kalahati ng kabuuan ng Altaguirre dahil nasa pangalawang palapag ako. Maganda ang tanawin at malamig ang pang-umagang hangin.

Namangha ako sa nasaksihang pagsikat ng araw na hindi ko gaanong naaabutan sa mansyon. Late na akong nagigising kapag sa kwarto ako natutulog!

"Kape ka muna..."

Bumaling ako sa kakarating na si Freesia dala ang kape ko. She put it on the wooden table of her veranda.

Ngumiti ako. "Salamat..."

She occupied the seat in front of me. Ngayon ay pareho kaming nakatanaw sa kakahuyan at tumatagos ang tingin sa tanawin ng Altaguirre.

Ramdam ko ang init ng kape nang sikupin ko ang tasa. Sandali ko itong hinipan bago sumimsim.

"Masakit ba ang ulo mo?" si Freesia sabay sulyap sa akin.

Umiling ako.

"Hindi naman. Bakit?"

"Lasing ka kagabi. Baka may hangover ka kaya masakit ang ulo mo..."

Napaismid ako. Ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi nga ako lasing?

Muli akong sumimsim sa kape at hindi na tumugon pa. Bigla ko atang naalala ang nangyari kagabi. Ang matalim na tingin ni Rayo at ang may diing mga salita, bakit biglang naging gano'n?

Galit siya dahil uminom ako?

Hindi ko maintindihan. Ano bang masama kung uminom nga ako? Kasama ko naman si Martin! May maghahatid sa akin pauwi kung kailangan kaya ano bang problema niya?

Thinking about it irks me for some reason. Lalo na sa tuwing naaalala ko ang walang humpay na sigawan ng mga tao para sa kanila nung Gwen. Hindi matanggap na pumunta ako ro'n, sumigaw, at naghanda para lang makita ang lahat ng 'yon!

"Susunduin ka ni Rayo ngayong umaga. Maaga 'yon kaya maghanda ka na."

Namilog ang mga mata ko at kaagad na nilingon ang kaibigan. Freesia gave me a confused look. Ibinaba ko sa mesa ang kape.

"Pwede bang dito na muna ako? Kahit mga ilang araw lang? May pera naman ako kaya tutulong ako sa mga gastusin dito. Magdadala rin ako ng pagkain ko sapat sa mga araw na ilalagi ko rito. And about my clothes, kay Terrell ako magpapasundo para kunin iyon sa mansyon," sambit ko na ikinakunot ng noo niya.

"Ha?" she sounded hesitant. "Okay lang naman sa akin kung dito ka muna ng mga ilang araw. Kung tungkol naman sa gastusin at pagkain ang inaalala mo, tingin ko'y wala naman 'yong kaso kay Lolo. Pero kasi..."

Before she could even continue her concern, I knew it already. Si Rayo ang inaalala ni Freesia. She doesn't want to go against him, samantalang ako naman ay todo iwas at halos magrebelde na sa kanya!

Pinanghinaan ako. Napasandal ako sa likod ng silya at napatitig sa kalangitan na unti unti nang nagliliwanag. The sun is rising up. At isa lang ang ibig sabihin no'n...susunduin na ako ni Rayo!

"Tapatin mo nga ako, Syda. Ano ba ang rason mo para iwasan si Rayo? Okay ka pa naman kagabi, ah? Umalis ka nalang bigla nung lumabas na si Gwen sa stage. Tapos uminom ka pa kasama si Martin e halos itaboy mo na 'to noon. Ano bang..."

Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon