Kabanata 30

762 22 5
                                    


Kabanata 30
Sea





"Alam ko namang magkikita kayo. Nagulat lang ako na ganito pala kaaga."

Plano agad ang umagahan ko sa sumunod na araw. Nabanggit ko na kay Freesia ang nangyari at gaya ko, maging siya ay nagulat din sa biglang nangyari.

The turn of events got us unprepared and now, we are making a plan in a short span of time.

"Hindi ko rin alam, Freesia. Plano ko lang naman na tumigil na sa training at tumanggap na ng offers. Ang unang offer ko pala ay 'yong project na pinag-uusapan nila!" bahagya akong nataranta.

"I feel like a kitten being thrown in the den of lions! Sino ba ang mga makakasama ko? Si Gwen, si Alani, at si..." hindi ko kayang ituloy ang sinasabi dahil ayaw kong banggitin ang pangalan niya.

"Si Rayo," si Freesia na ang nagtuloy.

Tumango ako ngunit hindi na makatingin sa kanya.

"Okay ka lang ba sa set up na 'to? Tatlong araw ka ro'n kasama ang dalawang Fidallego. Mag-isa ka dahil hindi kami makakalapit sa'yo," ngayon ay nahimigan ko na ang pag-aalala sa boses niya.

Naisip ko na rin 'yon. I was forced to stay during the meeting so I heard of the plans they have for that project. It is for a famous brand of swimwear. Parehong kinuha ang dalawang malalaking modeling agency sa bansa para ro'n kaya naman ay pinaghandaan ito ng Aureus at Feroce.

They will rent a resort for three days. Dahil kanya kanya naman kami ng agency, ang Feroce na ang bahala sa lahat ng kakailanganin ko. Mula sa pagkain, damit, make up artist, personal assistant, lahat lahat na. Kasama ko rin si Sam dahil siya ang manager ko. Aurues' models have their own staffs for their needs, too. At sa pagkakaintindi ko, hindi na kailangan ang presensya ng mga presidente ng dalawang agency kaya...

Tumango ako kay Freesia, medjo napanatag na dahil sa naalala.

"Okay lang. I only have to deal with Alani. Wala naman sa shoot si...Rayo...dahil president siya ng Aureus at hindi rin kailangan ang presensya niya. Si Sam ang makakasama ko at ang personal assistant kaya I'm fine."

Bahagyang kumunot ang noo ni Freesia. Kinukompirma ata ang kung anong naisip.

"Paano kung mag-apply akong personal assistant mo? In that way, I can make sure you are safe cuz I'm with you!"

Ayaw ko sanang basagin ang pag-asa niya pero sa tingin ko'y maling ideya ang isinuhestyon niya. And Solovino finds it wrong too! Siya na ang nagsatinig ng ideya kong hindi ko nasabi sa kaibigan.

"Mahahalata si Syda kapag kasama ka niya," aniya at lumapit na sa amin. "Pareho nating alam na hindi gaanong nag-iba ang itsura ni Syda. Maswerte lang tayo at mukhang hindi naman namukhaan ni Rayo si Syda kaya lusot sa meeting. Pero kung sasama ka Freesia at makikita kang kasama ni Daciana, magtataka sila."

Saglit na natahimik si Freesia. Hindi rin ako umimik kaya nagpatuloy si Solovino.

"We need to be more careful. Alani knows you so she'll be suspicious about your presence," pagpupunto niya.

"I can hire a trusted person to be your personal assistan, Syda," sabat ni Cozen.

Nilingon ko siya at marahang inilingan.

"No need for a trusted person, Cozen. Baka maghinala na si Mrs. Zalderial kapag nalaman niya ang tungkol dito. It might cause an issue too."

"So...what's the plan?" tanong ni Freesia.

Nang naghapon ay nagpalamig ako sa mall kasama si Sam. He is exhausted and frustrated at me. Siyempre, hindi niya alam na kinuha pala ako ni Mrs. Zalderial para sa malaking project ng Feroce at Aureus. Heto ngayon, tinatalakan na naman ako ng manager ko.

Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)Where stories live. Discover now