Chapter 5

90 7 0
                                    





"What?!" hindi makapaniwalang sambit ni Zero ng malamang wala pang balak ibalik ni Justin ang kanyang relo. Pano na siya makakabalik nito sa future.

"But I ne---" hindi natapos ni Zero ang sasabihin ng biglang may narinig silang malakas na kalabog ng pinto, kaya mabilis na tumayo si Justin at lumapit sa pinto. Pinanood ni Zero si Justin silipin ang pinto.

"Ay palaka" sambit ni Justin ng biglang kumatok ang taong nasa labas habang siya ay sumisilip, "JUSTIN LUMABAS KA DYAN!!!" isang malakas na sigaw mula sa labas ang sumunod nilang narinig pagkatapos ng malakas nakalabog.

"Patay" bulong ni Justin at sumandal sa likod ng pinto, "Bakit ngayon pa" patuloy niyang pagbulong bago ginuro ang buhok at hindi alam kung paano haharapin ang tao sa labas.

"Isa Justin!!!" pagbabanta nito, Nanatili si Zero sa isang gilid habang pinapanood si Justin na halos maglupasay na sa sahig para taguan ang taong nasa labas.

"JUS----" bago pa natapos ng tao sa labas ang pagsigaw sa pangalan ni Justin ay labag sa loob niya itong pinagbuksan ng pinto ang ang malaking mata nito agad ang sumalubong sa kanya.

"ILANG BESES KO BA DAPAT TAWAGIN ANG PANGALAN MO PARA PAGBUKSAN MO AKO KAAGAD!! TINATAGUAN MO BA AKO!?" sigaw ng matandang si Aling Vida, ang may ari ng tinitirhan niyang bahay.

"Hindi naman po Aling Vida, may ginagawa lang po ako sa itaas kaya hindi ako agad nakababa" kumakamot sa batok na sambit ni Justin.

"KAILAN KA MAGBABAYAD?! PANGALAWANG BALIK KO NA DITO, KUNG WALA KANG MAIBABAYAD NGAYONG MAGIMPAKE AT LUMAYAS KANA DITO!!!!" napapikit si Justin at Zero sa sobrang lakas ng sigaw nito. Ngayon lang nakarinig si Zero ng ganito kalakasa na boses mula sa tao.

Dahil sa future hindi madalas sumigaw ang mga tao, kadalasan ay busy ito sa trabaho, gadgets at sa ano pang bagay na wala na silang oras mag ingay pa.

"Magbabayad po ako pero....hindi pa ngayon hehe" hinanda ni Justin ang tenga pagkatapos iyon sabihin dahil alam niya na ang susunod, "ANOOOOO BA NAMAN JUSTIN!!!!! LUMAYAS KA NA LANG KUNG HINDI KA MAKAKAPAGBAYA----" hindi natapos ni Aling Vida ang sasabihin ng mapansin si Zero na nakatayo sa likuran ni Justin. Tila nabighani ito sa kagwapuhan ni Zero.

"Aling Vida bigyan nyo lang po ako ng konting araw pa makakapagbayad ako pro---aray" itinulak ni Aling Vida si Justin bago tiningnan si Zero, halos wala siyang makitang pinagbasakan ng pimple ang mukha ni Zero kaya mas lalo siyang namangha.

Ang matanda ay 58 years old pero hindi nito maiwasang hangaan ang mukha ni Zero, "Pogi anong pangalan mo?" tanong nito kay Zero, "Pogi?" tanong naman ni Zero pabalik, sapagkat hindi pamilyar sa kanya ang salitang pogi.

"Sino ito Justin?" tanong ni Aling Vida kay Justin habang patuloy pa rin ang pagtingin kay Zero. hinawakan pa nito ang kamay ni Zero kaya nanigas si Zero at hindi agad nakaiwas.

Biglang nakaisip ng paraan si Justin para sa kanyang problema, mabilis niyang nilapitan sila Aling Vida at tinabihan si Zero. "Kaibigan ko siya simula ngayon dito siya manunuluyan sa akin Aling Vida, kapagpinaalis mo ako ngayon wala siyang matitirhan, galing kasi siya sa probinsya at sobrang hirap din siya sa buhay at walang makain, kawawa naman siya hindi ba aling Vida?" sambit niya.

Bakas sa mukha ng matanda na nadadal ito sa awa ng mga sinasabi ni Justin kaya tiningnan pa lalo si Zero at hinaplos ang munti nitong mukha, "Dalawang buwan na panugit, pagtapos ng dalawang buwan babalik ako at kailangan may pambayad kana ng buo, pasalamat ka at may pogi kang kasama" sambit ni Aling Vida bago nginitian si Zero ng pagkatamis tamis bago tuluyang umalis at inismidan pa si Justin bago sumakay sa kanyang tricycle.

"TANDA!" sigaw ni Justin pagkaalis nito, pabagsak na umupo ito sa sofa pagkatapos isara ang pinto habang nanatiling nakatayo si Zero sa gilid at nakatingin sa relo niyang hawak pa rin ni Justin.

"Oh bat nakatingin ka dyan?!" singhal na sambit ni Justin kay Zero at tumayo, "I need my watch--" hindi pinatapos ni Justin ang sasabihin ni Zero at agad siyang nagsalita.

"Narinig mo ang sinabi ni Aling Vida? Dalawang buwan daw. Ibig Sabihin may dalawang buwan tayo upang makaipon" aniya, agad kumunot ang noo ni Zero dahil sa sinabi ni Justin.

"Tayo?" he ask, hinarap siya muli ni Justin at sinabi, "Oo tayong dalawa, dahil gusto mong makuha ito kailangan mo akong tulungan mabayaran ang bahay na ito bago ko ibigay sayo ng tuluyan ang relong ito" sambit ni Justin.

"NO!" sagot ni Zero, hindi siya pwedeng magtagal dito sa past, nangangamba si Zero na baka pag hindi pa siya nakaalis dito ay mabago niya ng tuluyan ang future.

"Anong NO no ka dyan, nek nek mo kung gusto mo ito," sabay pakita ng relo, "Maghirap ka din gaya ko, alam mo sa buhay hindi mo makukuha ang isang bagay ng ganong kadali lang" sambit ni Justin at hinimas ang bigote bago umakyat sa pangalawang palapag ng bahay.

Naiwan si Zero na bagsak balikat sa ibaba, isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa bago umupo sa isang upuan at nanatiling nakatulala sa bintana kung saan tanaw nito ang mga bituin at buwan sa langit.

"I'm in trouble" he whisper before he keep staring and when teh clock hit 12 am, mulat pa rin ang mata ni Zero, dahan-dahan siyang naglakad paakyat at nakitang mahibig na natutulog si Justin sa ilalim ng kumot nito kaya kinuha niya ang tyansang iyon upang hanapin kung saan inilagay nito ang relo.

Kinalkal niya ang bag nito na puno ng mga takip ng bote pero wala doon, ang damitan nito na puno naman ng mga lumang damit. Pero kahit saan ay hindi niya parin ito makita.

Hihilahin na sana nito ang kumot upang tignan kung nasa kamay ni Justin ang relo ng biglang gumalaw ito at nagsalita habang natutulog, "Anong ginagawa mong gago ka?" natutulog na sambit ni Justin, sa pagaakalang nagising ito ni Zero agad siyang lumayo at bumababa.

Pabagsak siyang umupo sa sofa dito sa ibaba ng hindi makita ang relo, "Where did he put that?" he whispered but suddenly felt tired and quickly fell asleep.

Nagising na lang siya sa isang malakas na tunog ng kaldero na ginagawa ni Justin, "GISING NA MGA KAPATID TAYO'Y BINIGYAN NG PANIBAGONG MISYON AHHHHHHHHHH RAAAAAAAAAAA!" agad napaupo sa gulat si Zero dahil sa malakas na boses nito, nang tingnan niya si Justin agad siyang hinila papatayo nito at sinabi,

"HANDA KA NA BA SA TRABAHO NATIN NGAYONG ARAW?!" masiglang tanong niya kay Zero sabay tapik sa balikat nito, hindi nakasagot si Zero sa pagkat wala itong alam sa mga sinasabi niya.

"AY SLOW! Tara na nga!" sambit ni Justin at hinila si Zero habang may dalang malalaking eco bag, "What are we going to fo he---" Zero was cut because Justin answer him.

"ANO PA BA EDI MAGHAHANAP NG MAY PAKINABANG NA BASURA" sagot niya at nagsimula nang isuot ang gloves bago nangalkal ng basura, "Bakal bote sana ang magandang makuha pero maganda din pag may mga appliances" Sambit niya habang nagkakanda hulog hulog ang mag hinahakot na basura.

"This is your job?" hindi makapaniwalang sambit ni Zero, hianrap siya ni Justin at sinabi, "Bakit may problema ka?!" maangas na tanong ni Justin na tila parang ready na sa suntukan.

"So this is why you can't pay for your house" bulong niya.

"Anong sabi mo?!" Singhal ni Justin.



"Nothing"  

Hello, LiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon