Chapter 7

88 9 0
                                    





"Talaga?!?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Justin dahil nagtataka siya kung bakit hindi pa nakakatikim si Zero ng ganong pagkain.

Nagsimulang maging curious si Justin kay Zero kaya pinapanood niya itong kumain, bawat subo nito sa pagkain at tila parang first time niya lang nagawa s abuong buhay niya kaya mas lalong gustong malaman ni Justin kung saan ito galing.

Nangalumbaba si Justin at patuloy pinagmamasdan si Zero, natawa pa ito ng may kaning dumikit sa kanyang pisngi, natigilan si Zero dahil sa pagtawa si Justin at tiningnan ito kung bakit tumatawa, pero tumawa lang lalo si Justin at inabot ang kanin sa kanyang mukha.

"Alam mo nagsisimula na akong magisip na hindi ka talaga taga dito hahaha" sambit ni Justin na tila nakapagpakaba kay Zero, nalaman kaya nito na galing siya sa future?

Hindi nakaimik si Zero at pinanood lang tumawa si Justin bago ito magsalita at sinabi, "Taga ibang bansa ka ba? Taga mindanao? O galing ka sa bundok?" tanong ni Justin at nakangiting tinitigan si Zero.

Hindi na tuloy ni Zero ang isusubong pagkain ng titigan siya ni Justin, hindi niya rin alam kung anong isasagot niya sa tanong ni Justin.

"I'm not from here that's it" iyon ang kanyang sagot kaya kumunot ang noo ni Justin, "Kung hindi ka galing dito, taga saan ka?" tanong nito, bago lumapit ng konti at pinatong ang dalawang braso sa lamesa upang tingnan si Zero ng mabuti.

"I think it's not for you to know" kalmadong sambit ni Zero at pilit binabago ang usapan at inuubos ng mabilis ang pagkain.

"Bakit kakaiba ang damit mo? Galing ka ba sa costume party tapos nawalan ka ng wallet at naisipan mo nakawan ako?" tanong ni Justin na nagpapakita ng interest kay Zero.

Zero look at Justin and sigh before he speak, "I'm not trying to steal things from you, I'm trying to get MY watch from you" pagtatama ni Zero sa sinabi ni Justin, umupo ng maayos si Justin at tumango tango.

"Mabait naman akong tao ibabalik ko naman ang relo mo pero hindi pa ngayon dahil kailangan ko talaga ng tulong mo, at isa pa kaya mo ba akong iwan dito ng alam mong ano mang oras ay mapapalayas ako pagwala akong pambayad?" pagpapaawa ni Justin dito habang hinahawakan ang kanyang bigote.

"Will you give me my watch back if I tell you that I don't care?" pilosopong sagot ni Zero sa kanya kaya napasimangot nalang si Justin bago tumayo at iniligpit ang pinagkainan.

"Ikaw maghugas ng plato" Utos niya kay Zero bago umakyat sa itaas at nagpahinga, naiwan si Zero sa ibaba na inuubos ang pagkain at tila napapaisip kung paano siya makakabalik sa future.

Malalim na pagbuntong hininga ang kanyang pinakawalan ng maisip ang tyansang hindi na siya makabalik, o may mga nabago na siya sa future dahil sa kanyang ginagawa.

Matapos kumain, gaya ng sabi ni Justin nilinis ni Zero ang pinagkainan at pagkatapos at siniguradong tulog na si Justin bago maghaloghog ng buong bahay upang mahanap kung saan ni Justin inilagay ang kanyang relo.

Pero halos magmamadaling araw na ay hindi niya pa rin makita kung saan ito nilagay ni Justin, hanggang sa hindi na niya na namalayang nakatulog na siya sa pagod kakahanap.

Nagising na lamang siya sa maingay na boses ni Justin na tila kumakanta habang naghahanda ng umagahan, dahan-dahang umupo si Zero at tinignan si Justin na kumakendeng-kendeng pa habang nagluluto ng tuyo at sinangag.

Malakas ang amoy ang tuyo sa buong bahay kaya hindi maiwasan nni Zero ngumiwi dahil sa hindi magandang amoy nito, tila bago ito sa kanyang pang amoy kaya hindi siya kumportableng tumayo at tinakpan ang kanyang ilong habang naglalakad papalapit kay Justin.

Hello, LiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon