Chapter 9

87 10 4
                                    



Past,

"AHA!!!!" malakas na sambit ni Justin ng tuluyang mapuno ang sakong dala ng mga bakal at bote. Agad siyang tumakbo papunta sa lugar kung nasaan si Zero at excited na pinakita ang sako.

"Panalo ako!!!" Sigaw niya at nakangiting iniharap ang sako kay Zero, hinarap siya ni Zero bago ito ngumiti at pinunasan ang pawis sa mukha bago ipinakita ang sako na na mas punong-puno kesa kay Justin.

Justin lips parted, sa pagaakalang panalo siya sa pustahan nila. Mali pala dahil halatang mas maraming nakuha si Zero. "Ok talo ako, anong gusto mong gawin ko?" tanong niya kay Zero.

Ngumiti si Zero at sabay silang naglalakad papunta sa junkshop, nang mapalingon si Zero sa nagtitinda ng fishball kinalabit si Justin. "Ano?" tanong ni Justin at tumigil silang dalawa sa paglalakad.

"Gusto kong tikman iyon" bulong niya sabay turo sa vendor ng fishball, natawa si Justin sa kanya dahil para siyang bata kung humiling pero tumango ito at sinabi, "Sige makakatikim ka nyan pagkatapos natin itong i-benta" Sambit niya at agad hinila si Zero sa junkshop at binenta ang mga nakalap nilang basura.

Dahil marami silang nakuha 280 ang kinita nila at agad itinabi ni Justin ang 200 at pinambili ang 30 pesos ng fishball ni Zero sabay bili ng dalawang itlog at sibuyas, at isang kilong bigas.

Habang naglalakad pauwi hindi maipaliwanag ni Zero ang saya ng matikman ang fishball, kikiam, at kwek-kwek, iba-iba ang lasa nito kaya mas lalo siyang natutuwa.

Hindi niya inaasahan na magugustuhan niya ng tuluyan ang mga pagkain sa past, to the point na parang gusto niya nalang mag stay dito kasama si Justin.

He was enjoying his life here more than he did at the future, habang naglalakad nasa unahan niya si Justin at hindi maiwasan ni Zero na panoorin itong maglakad na tila buhat nito ang buong mundo sa sobrang daming problema.

Pero hindi siya makapaniwala na nagagawa pa rin nitong ngumiti at maging kontento sa buhay, "Oy!" tumigil si Justin ng makakita ng isang batang nadapa at tinulungan ito, umiyak ang bata ng masira ang laruan niya kaya inayos ni Justin ang laruan.

Biglang tumibok ang puso ni Zero habang pinagmamasdan si Justin na nakangiti at kausap ang bata, napawak siya sa kanyang dibdib ng makaramdam ng hindi pamilyar na damdamin.

"Ok na diba, wag kana umiyak" sambit ni Justin sa bata at pinunasan ang luha nito, ngumiti ang bata bago tumakbo papauwi, napalingon si Justin kay Zero bago ngumiti na lalong nagbigay ng kakaibang pakiramdam kay Zero.

"Tara na bilisan mong maglakad mukhang uulan" sambit ni Justin at nilapitan si Zero bago hinila, tumakbo sila papauwi bago pa maabutan ng ulan.

At saktong pagpasok nila sa loob ay ang malakas na pagbagsak ng ulan, "Sabi ko sayo eh" sambit ni Justin bago tumuloy ng kusina at nagsimulang magluto.

Sinundan siya ni Zero at pinanood magluto, hanggang sa matapos niya ang unang itlog at hinarap si Zero, "Gusto mong subukan?" tanong niya dito, dahan-dahang tumayo si Zero at lumapit sa kanya, tila pinapakita na gusto niyang matuto.

Ngumiti si Justin bago itinuro sa kanya ang gagawin, "Hsss" Zero groan when oil splash on his arms, agad itong lumayo sa kalan at hinimas ang braso, natawa si Justin sa ginawa niya bago hinila siya ulit papalapit.

"Wag kang matakot, talsik lang ng mantika yan" sambit niya at hinawakan ang kamay ni Zero bago ito tinulungan sa pagluluto, tila may electricity sa katawan ni Zero ng tingnan niya ang kamay ni Justin sa kanyang kamay.

"Ayan tapos na" sambit ni Justin at tinulungan si Zero ihanda ang pagkain nila bago sila nagsalo sa hapunan at napuno ng tawanan at kwentuhan ang isat-isa.

Hanggang sa makatulog na si Justin sa sala at hindi maiwasan ni Zero na pagmasdan ito habang natutulog, mula sa mahaba nitong kulot na buhok,pilik mata, matangos na ilong at maliliit nitong bigote.

Hindi alam ni Zero ang nararamdaman pero isa lang ang alam niya, ayaw niya munang iwan si Justin at ang lugar na ito.

Kinabukasan ay maaga muli silang pumasok pero sa kasamaang palad, hinakot na ang dump truck ang mag basurang hinahanapan nila ng bakal bote. Kaya nakaupo lang silang dalawa ngayon sa tabi ng ulog at tulala.

"Pano na tayo ngayong araw? Walang basura" bulong ni Justin na puno ng panghihinayang sa araw na ito, dapat kikita siya ng pera ngayon upang madagdagan ang ipon pero hindi.

Tiningnan siya ni Zero at biglang tinanong ito, "What's your dream?" he ask, napakunot ang noo ni Justin dahil sa sinabi nito pero sumagot siya.

"Gusto kong maging photographer or camera man basta lahat ng propesyon na ang hahawak ng camera at nagrerecord ng mga magagandang bagay na nangyayari sa mundo, pangarap ko yon dahil hindi ko iyon nagawa sa magulang ko, ni litrato na maayos at video namin ay wala akong naitabi dahil mahirap lang kami. Gusto kong irecord sila kung maibabalik ko lang ang oras gusto kong irecord lahat ng mga ginagawa nila, gusto ko silang kuhanan ng picture pero huli na" he said and shook his head out of sadness.

"Why is recording them important?" tanong ni Zero sa kanya.

"Kasi natatakot ako na baka pagdating ng araw makalimutan ko na ang itsura nila at boses nila" Justin said and wipe his tears.

Then suddenly Zero realized that he didn't even remember what his mother and father's voices were like, he forgot about it all, and pain ran all over his body.

"I wish I recorded my moment with my parents too" he whispered and tears fell from his eyes.

They just remain silent for a moment and Zero suddenly realizes something that could help them earn money.

"Justin" sambit niya at hinawakan ang balikat ni Justin dahilan upang harapin siya nito ng nakakunot ang noo.

"Bakit?" tanong ni Justin sa kanya, "We can earn money by selling arts" he said and stand up, pull Justin back home and they started making art craft since Justin is good at view and art and Zero are good at craft they make a great numbers of arts like heat stand made by wires, flower vase made by strings and plenty more.

Then they just when to the market and sell it, hindi inaasahan na pinuntahan ito ng mga tao at binili ang kanilang artworks sa halagang 100-200 pesos ang isa.

Hindi makapaniwala si Justin na kikitain niya ng triple ang kita niya sa isang araw, at isa din sa dahilan bakit sila dinudumog ay dahil sa aking kagwapuhan ni Zero na humahatak ng mga kababaihan.

Natapos ang araw na kumita sila ng triple sa inaasahan at pagod silang napaupo sa sofa. "Mukang mapapabilsi ang pagiipon ko nito ah, ang galing mo Zero" sambit niya at tinignan si Zero, "Apir!" aniya at itinaas ang kamay.

Tinignan siya ni Zero at imbis na makipagapir ay hinawakan nito ang kanyang kamay at hinalikan siya sa labi.

Nanlaki ang mata ni Justin sa ginawa ni Zero at nang ito'y lumayo, they look into each other's eye with their heart both racing.

"A-ahm a-akyat n-na ako" Sambit ni Justin at agad tumayo at tumakbo sa hagdan, nadapa pa siya kaya agad napatayo si Zero pero pinigilan niya ito sa paglapit sa kanya.

"Dyan ka lang! Ahhaa o-ok l-lang a-ako" sambit niya bago tumayo muli na parang walang nangyari at umakyat sa itaas.

Napangiti si Zero...

At napatanong sa kanyang sarili, nais niay pa bang bumalik sa future.

O magstay nalamang dito sa past kasama si Justin?

Hello, LiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon