CHAPTER 04

27.5K 838 549
                                    


"Depending on the basis platelet count, his platelets already drop to 31,670 microliters, and it's a moderate risk. If it continues to be lowered to 20,000 microliters, he may already have a high-risk platelet count that will result in severe dengue." muli kaming nagkatitigan ni Cali matapos iyong sabihin ng doctor.



"Se-severe dengue po?" muli kong tanong sa kaniya, nagbaka-sakali akong mali ang pagkakarinig ko sa sinabi niya.



"Yes po, Mommy! When a patient enters what is called the critical phase normally about 3-7 days after illness onset. Severe dengue is a potentially fatal complication, due to plasma leaking, fluid accumulation, respiratory distress, severe bleeding, or organ impairment..."



"The warning signs are, severe abdominal pain, persistent vomiting, rapid breathing, bleeding gums, fatigue, restlessness,and blood in vomit." pagpapaliwanag pa nito sa amin.




"Anong dapat nating gawin, Doc? Parang-awa niyo na po, gawin niyo po ang lahat para makaligtas ang anak ko. Please po, pagalingin niyo po s'ya," muli kong pagmamakaawa, kaunti na lang ay luluhod na ako sa harap ng doctor para lang ipagpilitan sa kaniya na pagalingin ang anak ko.




"If the patient manifest these symptoms during the critical phase, close observation for the next 24–48 hours is essential so that proper medical care can be provided, to avoid complications and risk of death." natulos ako sa kinatatayuan ko matapos kong marinig ang huling sinabi niya.




"D-death?... hindi pwede, doc! Hindi siya pwedeng mamatay, pagalingin niyo ang anak ko! Don't let that happen, doc! Please... do all possible solutions just to save my son!" mas lalo kong pagpupumilit sa kaniya, desperada na akong gumaling si Ali.




"Don't worry, Mommy. Hindi po namin pababayaan ang anak niyo, the only thing we can promise is that we will do our best for him to get through it." Sagot naman nito sa akin, matapos 'yon ay nag-excuse siya sa amin para puntahan si Ali na kasalukuyang ino-obserbahan ng mga nurse.




"Your child's platelet count is getting lower and lower, and if it continues to drop, your child needs a blood and platelet transfusion. When it comes to platelet transfusion, we will not have a problem. But..."




"But?" singit ko kaagad kahit hindi pa tapos magsalita ang doctor.



"If your blood type and your child's blood are compatible, we will not have difficulty transfusing red blood. What is your blood type, Mommy?"  pagpapaliwanag nito at kasunod ang pagtatanong sa akin.



"A po, doc!" agad-agad kong sagot rito. "Samantalang B positive po ang blood type ng anak ko," dagdag ko pa.



"That will be our problem, Mommy. Your blood type is not compatible with your child's blood type so you can't donate to him," pag-amin nito sa akin. "And we don’t have stock in the Blood bank of a blood type your child has."




"Wala na po ba Doc ibang paraan?" tanong ko pa.



"Well, kung may kilala po kayo na maaaring magdonate sa anak niyo na katulad niya ang blood type ay hindi po tayo mahihirapan. How about your husband, Mommy? Sigurado po akong compatible ang blood type nila, Where's the father of your son?" nagkatinginan kaming dalawa ni Cali matapos iyon. Isa ito sa kinakatakotan ko na kakailangin namin ang tulong ni Zayne.




"Uhm..."



"Susubukan po naming papuntahin siya dito, doc!" hindi pa ako tapos magsalita ng unahan ako ni Cali.



Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon