CHAPTER 23

20.6K 505 203
                                    


This part was dedicated to @lexanngg27.  Thank you for the support and always being here patiently waiting for my updates. Keep safe!

•••

WARNING: R18+

Mas lalo akong lumapit sa kaniya at bahagya akong tumingkayad para maabot ko ang tenga nito. “When you need someone to talk to, just call me at this number,” matapos kong sabihin ‘yon ay inabot ko sa kaniya ang isang business card.


Naramdaman ko ang mabilis niyang paghinga, nasilayan ko pa ang sunod-sunod niyang paglunok, at ang pagdadalawang-isip niya kung aabutin niya ba mula sa kamay ko ang business card.


“Ayaw mo ba?” tanong kong muli sa kaniya na nasa dating posisyon pa rin.


“N-nagtataka lang ako kung bakit ganiyan ang kinikilos mo,” katwiran naman niya sa akin.


“Oh? Kung iniisip mo pa rin ang nangyari sa atin no’n, matagal na akong naka-move on do’n. Kaya kung ako sa ’yo kalimutan mo na lang din ‘yon. Sige na, kunin mo na.” Paliwanag at utos ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin at kinuha na niya ang business card mula sa akin.



“Thanks for this,” saad nito na tinutukoy ang business card. Muli kong pinaglakbay ang kamay ko sa dibdib niya, at tuluyan na akong umalis pabalik sa Supreme Court.


“Ba’t antagal mo?” tanong sa akin ni Zayne pagbalik ko sa sasakyan kung saan niya ako hinintay.


“Uhm... Marami kasing tao ro’n sa loob ng convenience store at mahaba ang pila,” paliwanag ko sa kaniya habang umiinom ako ng tubig.


“Gano’n ba? Oh sige pasok na tayo.” Pumasok na kami sa Supreme Court. Ngayon na mangyayari ang hinihintay namin which is the verdict, wala pa man ay alam ko na magiging pabor sa amin ang batas dahil sa mga ebidensiyang hawak namin lalong-lalo na si Sabrina na siya mismong isa na naging witness namin.


Pagkatapos ng mga proseso ay kinuha ng clerk ang verdict form sa foreperson at inabot niya ito sa judge. Binasa iyon ng judge nang tahimik pagkatapos ay muling inabot sa clerk.  “The jury finds the defendant. . .guilty!” pagbasa ng clerk sa nilalaman ng verdict.


‘Yon naman talaga ang inaasahin namn sa magiging kalalabasan ng resulta pagkatapos ng ilang mga piraso.


“The jury is thanked and excused. Court is adjourned.” Pagkatapos no’n ay ang judge naman ang nagsalita. Napalingon naman ako kay Connor na masama ang tingin sa akin. Pilit lang akong ngumiti sa kaniya, pagkatapos no’n ay muli na s'yang kinuha ng mga pulis, at kami naman ay tuluyan ng umuwi.


“The case is finally close. Wala na tayong alalahanin pa,” wika ni Zayne habang naglalakad kami palabas ng korte.


“Siguro naman last na ‘to, at wala ng problema na kagaya no’n ang darating sa buhay natin,” tugon ko naman sa kaniya, pumasok na ako sa shotgun seat ng sasakyan at tumungo na ito sa driver’s seat.


“We can’t predict the future. Para sa akin ay sana h’wag na ulit mangyari, pero kung mangyayari man ‘yon nasisigurado ko na mas handa na tayo. May karanasan na tayo kaya mas matatag na tayo sa mga kakaharapin nating mga problema, ‘di ba?" sagot naman niya sa akin pagkapasok niya ng sasakyan, at nagsimula na nga itong magmaneho.


Katulad ng nakagawian, tumungo kami kaagad sa bahay ni Cali para sunduin namin si Ali. Buti ay palaging natutugma na walang pasok si Cali sa t’wing dadalhin namin do’n si Ali kaya hindi kami nagkakaproblema kung saan ito iiwanan.


Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora