CHAPTER 18

17.4K 498 100
                                    


Napakurap-kurap ako ng tuluyan kong maalala kung sino siya. Sabi na nga ba, nakita ko na siya no’n. Inisip kong mabuti ang mga nangyari no’n sa Cebu hanggang sa rumihestro sa utak ko ang pangalan niya, “Connor?”


“You already remember me, my future wife,” puna niya sa akin na siyang ikinataas ng kilay ko.


“Future wife? Ang kapal naman ng pagmumukha mo! Kung makatawag ka sa akin niyan, anong akala mo sa akin? papayag na gan’yan-gan’yan lang? Hindi kita aasawahin.”


“Pero ‘yon ang napag-usapan namin ng tatay mo,” katwiran niya sa akin.


“Eh bakit hindi kayong dalawa ang magpakasal tutal kayo naman pala ang nagkasundo tungkol d’yan?” sarkastikong sagot ko rito na napailing naman siya ng ilang beses. “Isa pa, hindi siya nagpaalam sa akin bago kayo magkasundo, kaya walang kasal-sakalan na magaganap!” mariing tanggi ko pa.


“But the fact that your child's life depends on it, can you refuse it?” tanong niya sa akin na awtomatiko akong napatingin kay Ali. Mugtong-mugto ang mata nito na bagsak ang balikat, kitang-kita sa mukha niya ang hirap sa sitwasyon niya ngayon.


Hindi niya dapat ito nararanasan sa ganiyang edad, hindi niya dapat pinagdadaanan ang ganitong klaseng paghihirap. Bilang isang nanay, sobrang sakit nito para sa akin. Sobra-sobrang panlulumo, at doble-dobleng sakit ang katumbas nito sa akin na makita ang kalagayan ng anak ko.


Nanlaki ang mata ko ng umilaw ulit ang harap ng sasakyan kasunod ang pagpupumiglas ko ng may humawak sa akin na dalawang lalaki.


“P-please, p-pakawalan n’yo na ak-” nagmamakaawang pagpupumiglas ko, kahit anong subok ko ay ‘di ko magawang makawala dahil sa laki ba naman ng mga katawan nito ay talong-talo ako.


“Kahit anong gawin mo, Gianna. Hindi ka na makakatakas sa amin,”  kahit nahihirapan ako ay nagawa ko pang lingunin si Connor matapos n’yang sabihin ‘yon.


Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa akin ng paulit-ulit na rumihestro sa utak ko ang sinabi niyang ‘yon.


“Kahit anong gawin mo, Gianna—miss. Hindi ka na makakatakas sa amin.


“...kahit anong gawin mo, Miss. Hindi ka na makakatakas sa amin.


“...kahit anong gawin mo, Gianna. Hindi ka na makakatakas sa amin.”


Napayuko ako ng maramdaman ko ang biglang pananakit ng ulo ko. H’wag naman ngayon.


Pagod na ako sa pagpupumiglas habang hinihila ako ng dalawang lalaki paalis sa harap ng dalawang sasakyan dahil nakaharang ako sa daanan nito na papunta sa pader kung saan may mga steel bars habang mas lalo kung nararamdaman ang pagsakit ng ulo na ka parang unti-unting pinipiga. Lumalaylay na rin ang katawan ko, buti na lang at nahahawakan ako ng dalawa, kung hindi ay baka tuluyan na akong luminagapak sa sahig.


“Kahit anong gawin mo, Miss. Hindi ka na makakatakas sa amin.

“...kahit anong gawin mo, Miss. Hindi ka na makakatakas sa amin.”


“P-parang awa n’yo n-na.”


“P-please, p-p-palabasin niyo na ako.”


“Shit! You smell good! Lalo akong ginanahan.”


“Gan’yan pa naman ang gusto ko sa babae, ‘yong palaban.”


Unti-unti akong nanghina hanggang sa maramdaman ko ang pagrupok ng mga tuhod ko.  Parang bigla akong nawawalan ng lakas habang bumabalik sa isip ko ang mga memoryang iyan na binaon ko na sa limot noon pa man. Hindi ka p’wedeng sumabay ngayon, please, h’wag naman ngayon.


Her Pleasuring Game (His Innocent Secretary Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon