16: Amelie

63 6 0
                                    

Pagkatapos naming magkuwentuhan ay tinawagan ko ang pamilya ko na nasa Canada.

Bumisita kami roon ilang buwan na ang nakakaraan. I told them about Franco and all the stuff that happened.

At first they were mad but agad nila iyong iwinakli nang makita nila si Vandre. Ang habilin nila sa akin ay huwag lalapit kay Franco.

Malaki na rin si Kali-ang aking nakababatang kapatid. Apat na taon ang agwat namin. Nandoon siya sa Canada.

Dalawang oras din kaming nag-usap ng pamilya ko. Pagkatapos no'n ay nakita ko si Ren na umiinom sa countertop.

Gusto kong uminom.

Si Archer ang nagbabantay kay Vandre ngayon kaya okay lang sa aking uminom.

Kumuha ako ng shotglass at nagsalin ng Tequila.

"Hindi ako magpapakalasing. Walang mag-aalaga sa 'yo, e," sabi ni Ren sa akin.

Tumango ako.

Iginiya niya ako sa living room. Binuksan iya ang TV at namili ng panunuorin namin.

Kumuha naman ako ng chips dahil napapaitan ako sa lasa ng iniinom namin.

"Jarz, anong ini-expect mo pag-uwi?" Tanong ni Ren bago uminom ng isang shot ng Tequila.

"Wala. Kasi ang importante sa akin ay si Vandre. Kung galit sila sa akin o kung ano man, wala akong pakialam."

He patted my back. "Kung ano man ang magyari, nandito lang ako. Sasamahan ka namin palagi ni Archer."

Ngumiti ako sa kanya. Ininom ko ang Tequila na bigay niya. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya humilig ako sa braso ni Ren.

"I'm scared, Ren. I'm still scared na baka pag-uwi ko, may mananakit sa akin at ikulong ako sa kwarto. It's not true that time heals all wounds. Marahil ay nakakalimutan ko lang ang mga mga alaalang iyon dahil nakafocus ako kay baby.

But the trauma will always be there. Kailangan ko lang tanggapin sa sarili ko na hinding-hindi na iyon mawawala sa sistema ko.

Ang magagawa ko lang ay magpatuloy sa buhay... for me and for Vandre. Kasi kung magpapadala ako sa nangyari noon, malulunod lang ako ulit," pag-aamin ko sa kanya.

Ilang oras din kaming nag-usap ni Ren nang maramdaman kong nalalasing na ako.

"Nahihilo na ako," pinilit kong tumawa nang bigla akong nasuka sa harap niya. "S-Sorry, Ren. Naparami yata ang inom ko."

Tumawa lang siya sa akin. "Okay lang."

Inalalayan niya ako sa pagtayo at dumiretso kami sa bathroom.

Sumuka ako at pagkatapos ay naligo.

Hindi agad nakaligo si Ren dahil lilinisin niya pa ang kalat at suka ko sa living room. Nakita ko naman kinuhanan niya pala ako ng robe.

Pagkalabas ko ay malinis na ang living room. Maingat akong umakyat at dumiretso sa kwarto. Nahiga ako ro'n nang nakaroba pa.

Si Archer naman ay nakakunot ang noo.

"Huwag kang maingay!" masungit niyang bulong sa akin.

Natawa ako nang bahagya.

Sinara niya ang kwarto ni Vandre na nakakonekta sa kwarto ko.

Bigla namang pumasok si Ren na mukhang kaliligo lang.

Nilapitan ni Archer si Ren.

"Patahimikin mo nga si Jarzaiah. Bihisan mo na rin. Ayokong nagigising si baby. Katatapos ko lang siyang patulugin, e!" ani Archer habang nakanguso.

The Man of My Dreams (Fitzmael 2) Where stories live. Discover now