17: Guilt

69 6 0
                                    

"Hey, saan ang restroom niyo? Naiihi ako," tanong ko kay Ren pagkatapos naming kumain.

Nagsisimula nang magligpit ang staff ng catering services dahil gagawing dance floor ito ng mga oldies.

Samantalang kaming nasa iisang table ay pupunta sa club ni Imil. Libre niya, e.

"Okay. Sabay na rin tayong pumunta sa club ni Imil," ani Ren.

Ibinaling niya ang atensiyon kay Archer. "Arch, dito ka lang. Sasamahan ko muna si Jarzaiah."

Tumango lang si Archer na nasa malayo ang tingin.

Inalalayan niya ako sa loob ng mansion nila. Medyo malayo rin ang nilakad namin. Masyadong malaki ang bahay nila, e. Mabuti nga at hindi siya naliligaw rito.

"Okay na ako rito, Ren. Hintayin mo nalang ako sa labas," sabi ko nang makarating kami sa labas ng restroom.

Tumango siya.

Pumasok ako sa restroom at umihi. Pagkatapos ay inayos ko ang aking sarili. Ilang minuto rin akong tumabay sa loob at nagko-contemplate sa buhay ko-kung tama ba itong desisyon kong umuwi ng Pinas.

Nagulat ako nang makalabas ako ng restroom at nakita si Franco.

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang. Malay ko ba at baka naiihi lang pala siya. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin.

"Jarzaiah..."

Nagsimulang manginig ang aking mga kamay.

His voice sent shivers down my spine. Damn! After all these years, I'm still scared. Humugot ako nang malalim na hininga upang magkaroon ng lakas na harapin siya.

"Are you going to hurt me again Franco? Are you going to lock me up?" matapang kong tanong sa kanya.

I saw pain in his eyes. "N-No. I just want to say sorry for what I did to you. I was mad at you for loving my brother that time kahit ako ang kasama mo but it won't justify my actions.

I know it was wrong. I know you don't want to see me but I really wanted to apologize to you in person. I'm sorry for abusing you. I'm sorry for forcing you."

"Ano pa bang magagawa ng sorry mo kung hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang sakit ng nakaraan?

Do you think I will forgive you when I'm still traumatized by your actions? Franco, kung hinayaan mo na lang sana ako.

Una pa lang, si Marcus na talaga ang gusto ko. Ikaw 'tong mapilit! Alam kong hindi ako mahal ni Marcus pero hindi mo naman ako kailangang pilitin," tinuyo ko ang aking pisngi.

Dammit! Umiiyak pa rin ako sa pamilyang 'to.

"Ang selfish niyo! Si Marcus pinagtatabuyan ako. Si Serene, nakailang sampal na sa akin. Ni hindi niya man lang pinakinggan ang side ko kasi ang pinaniniwalaan niya ay ang nilandi ko kayong dalawa.

And you-hindi mo ako nirespeto. Ang iniisip niyong tatlo ay ang kasiyahan niyo pero paano naman ako? Ni minsan ba naisip niyo ako? Naisip niyo ba kung saan ako sasaya?

Tangina niyo rin, e! Pinakinggan niyo ba ako? Para akong laruan na pinamimigay at inaangkin. Pasalamat kayo at pinsan niyo si Ren dahil kung hindi... kamumuhian ko ang pamilya niyo," dugtong ko.

Tinalikuran ko siya. Nakita ko si Serene at Marcus na parang napako sa kinatatayuan nila.

I saw the guilt in their eyes.

Marcus took a step back while Serene did the opposite. She was crying.

I did what I had to do-I slapped her twice.

The Man of My Dreams (Fitzmael 2)Where stories live. Discover now