Special Chapter: Special Delivery

56 4 2
                                    

MARCUS JACE FITZMAEL

"Dad, are you going to school?" tanong sa 'kin ni Vandre habang nakikipag-sparring siya kay Andreige, our youngest.

"Yes, son."

"Kuya, you're only hurting Andreige! Patpatin pa naman ang katawan niyan," sabi ni Andrea habang nakaupo katabi ng asawa kong maganda. "Mom, hindi mo ba sila pipigilan?" she was worried sick. "Anytime, pwede nang makalas ang buto niya!"

"Hayaan mo na lang ang dalawa, baby. Malakas ang trip ng mga 'yan," natatawa niyang sabi saka sumimsim ng banana shake. Napatingin siya sa 'kin at kinawayan ako. "Mahal! Aalis ka na?" she pouted.

"Hindi pa, mahal," saka ako lumapit sa kanya. Andrea scoot over to gave me some space beside my wife. "Dito ka muna," tinapik niya ang space sa tabi niya.

Sinunod ko siya. Nang makaupo ako ay agad niya akong niyakap at naglalambing. Mahigpit din akong yumakap sa kanya then I heard Andrea cleared her throat.

"Yuck!" she uttered saka siya uma-acting na para bang nasusuka.

Nagkatinginan kami ni Jarzaiah at mahinang natawa. "Kanino ba nagmana 'yang anak nating bitter?" she asked.

"Naririnig ko kaya kayo!"

"Anak ba natin 'yan? Sa pagkakaalam ko, hindi naman bitter sina Vandre at Andreige. Si Andrea? Manang-mana kay Vengeance. Ewan ko ba! Anak yata 'yan ni Attorney Adorn at Franco, e!" pagbibiro ko.

"Isumbong kaya kita kay Uncle Franco?" masungit niyang sabi. "Inaasar mo na naman ako, Dad!"

"Sus! Na-basted ka lang ng crush mo, bitter ka na agad?" pang-aasar ni Jarzaiah sa kanya.

My brows furrowed. "Huh? Crush? Bakit hindi ko 'to alam?"

"Anong crush?" seryosong tanong ni Vandre. Lagot!

"W-Wala 'yon. Girls talk lang namin 'yon ni Mommy, 'no!"

"Anong binasted ka?" hindi pa rin tinatantanan ni Vandre ang topic. Si Andreige naman wala lang imik pero nakikita ko siyang umiiling-iling sa tabi.

"Hindi naman sa binasted ako. Hello? Hindi niya lang ako type. Magkaiba 'yon," paliwanag niya.

"Sino 'yan?" agad na tugon ni Vandre. Hindi ko na yata kailangang magsalita dahil nauunahan niya ako. Para kasing ang mature na ng utak niya, dahil na rin siguro sa madalas niyang kasama ang mga kapatid niya kaya ganito siya kung maka-react.

Lahat kami ay nakatingin lang kay Andrea. She gulped then looked away. "A-Ano ba? A-Ang awkward naman! Hina-hotseat niyo ako!" nakanguso niyang sabi.

"Sino nga?"

"S-Si Sage!" she hissed.

"Oh," sumeryoso ang kanyang mukha. "You mean Sage Konstantin?"

She slowly nodded. "Yes... but it's not that serious. Hindi naman ako broken-hearted. Sa ganda kong 'to?"

Natawa kami sa kanya. Tumango-tango kami. "That's good. Always know your worth."

"Saka it's not his fault either. Sadyang hindi niya talaga ako gusto. Hindi niya rin naman ako pinaasa. Ni hindi nga niya ako pinapansin sa school."

The Man of My Dreams (Fitzmael 2)Where stories live. Discover now