25: New character

166 3 0
                                    

"Sa wakas." sabi nilang lahat. Halatang halata na ang saya saya nilang lahat dahil sa amin ni Allen.

"Ano, masaya na kayo?" sabi ni Allen.

"Masayang masaya. Eto lang naman yung hinihintay namin eh. Ang comeback niyong dalawa." sabi ni Marion.

"Finally Insan!!!" sabi ni Mikayla. Napaingay nitong si Mikayla. Akala mong nasa rides eh, sigaw ng sigaw.

"Tadhana o. Hahahahaha." -Jeremy

"Magpapaparty na ba 'ko?" sabi ko.

"Sayang, si Karlo na lang kulang a. Dapat magparty tayo, syempre dahil sa wakas nagkaaminan na ulit sila."

"Hoy ang OA niyo. Tandaan niyo, hindi pa kami ni Allen." sabi ko.

"Ehem. Nagpaparinig ata. Ligawan mo kasi bro." -Marion

"Pero Lexie, hayaan mo ako naman babawi sayo this time." sabi ni Allen.

"Grabe ang saya ko talaga. Sa wakas wala na kayong problema. Ano, sa altar na ba ang tuloy nito?" gaga nitong si Mikayla kahit kailan.

"Gaga." sabi ko sabay batok sa pinsan ko.

"Pupunta din tayo dyan guys. Pero eto lang promise ko sa inyong lahat. Sinisigurado ko sa inyo na siya lang yung mamahalin ko at sa kanya ko lang ibibigay yung apelido ko. Wala eh, first and last e." sabi ni Allen.

"Naks naman. Yun oh." sabi nilang lahat at sabay sabay na naman silang nagtawanan.

"Di ka man lang ba kikiligin?" sabi ni Allen.

"Gago wag ka ngang ganyan. Kinikilig ako." sabi ko.

"Ehem. Tara na kaya at makauwi na? Mukhang sagabal tayo dito e." sabi ni Dani.

"Hoy, mamaya na." sabi ko.

"Buti naman nakaramdam kayo. Sige umuwi na kayo. Mabuti pa nga. Hahahahahahaha. Joke." sabi ni Allen.

"Babalik na lang ulit kami dito, Insan!!! Tara na guys, alis na tayo."

"Oy mauuna na kame. Mukhang epal na lang kami dito eh. Ge bye, Lexie at Allen."

"Bilis niyo namang umalis." sabi ko.

"Nako, eh deep inside gusto mo na kong masolo. Kunyari ka pa." sabi ni Allen.

"Kapal talaga nito." sabi ko.

"Mahal mo naman." Naging seryoso agad yung boses eh. Abno talaga.

"PANES!" sabi nilang lahat.

"Aalis na talaga kami. Bye guys."

"Sige bye." sabi namin.

Pagkaalis nilang lahat, nagsalita agad tong si Allen.

"Ano, tara na ba sa kwarto?" sabi niya habang tumatawa.

Binatukan ko naman siya agad. "Gago. Umuwi ka na." sabi ko.

"Hahahahahaha. Joke lang uy." sabi niya.

"Sige tawa pa. Kabagan ka sana." sabi ko.

"De seryoso na. Ayoko na talaga." sabi niya at bigla na siyang tumigil sa kakatawa.

Wala kaming magawa dito kaya naglaptop na lang ako. Binuksan ko yung facebook ko at nashock ako sa nangyari. Ang daming comments, messages, likes, shares nung video namin ni Allen last night. Grabe, sikat na kami oh.

"Allen, Allen. Tingnan mo 'to. Bilis." sabi ko.

"Wait lang." kanina pa siya may katext sino ba 'yon?!

SL 2: Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon