30: We have something to tell you

76 3 0
                                    


Hindi parin ako makaget-over sa nangyari kagabi. Ay este kaninang madaling araw. Hindi parin nagsisink-in sakin na girlfriend ko na si Lexie. Totoo ba 'to?! Girlfriend ko na ulit siya. Sa 2 years na nagdaan.. aaminin kong wala akong nagustuhan o natype-an man lang sa kahit kanino. Siguro kahit paglayuin pa kami ni Lexie ng tadhana, hahanap hanapin ko parin siya. Wala eh, sobra kong mahal e. Bat kasi kahit ang daming bumabalandra na babae dyan sa harapan ko makalipas ang dalawang taon, hindi man lang ako ma-attach sa kanila. Paano ba naman kasi, hindi nila malalamangan yung pagkalunod ko kay Lexie.

"Anak, gisingin mo na si Lexie. Kakain na kamo. Pati pala yung mga kaibigan mo." sabi ni Mommy

"Sige po." sabi ko.

Nga pala, dito na sila nag overnight. Pati yung barkada. Sa guest room. Si Lexie saka si Mikayla, sa kama. Yung ibang boys naman, syempre no choice sa lapag.

"Guys, gising na. Kakain na." Pinuntuhan ko sila isa isa para yugyugin. Pumunta naman ako sa kama para gisingin ang tulog mantika kong girlfriend.

Naks. Girlfriend. Sarap pakinggan. Anak ng.

"Goodmorning mylove!" tumingin lang siya sakin saglit saka natulog ulit. Aba't! Nagtalukbong pa ng kumot.

Nagising na sila Caloy. "Kuys, kain na kayo sa baba. Gisingin ko lang si Lexie." sabi ko.

"Goodmorning mga pare." bati ni Jeremy.

"Ang lamig p*ta!" sabi ni Joey.

"Halata nga sayo kuys eh. Kung makayakap ka sakin kagabi." -Jethro

Nagising na rin sila Mikayla at sila Karlo. Pwera na nga lang kay Lexie.

"Tulog parin 'to? Grabe. Napuyat naman masyado si Insan." -Mikayla

Maya maya pagkatapos nilang ayusin lahat ng tinulugan nila, bumaba na sila. E ayaw paring gumising ni Lexie, bumaba na rin ako. Tulog mantika talaga eh.

"Si Lexie?" tanong ni Mommy.

"Ayun, tulog mantika pa." sabi ko.

"Nako 'Ta, ganun talaga yung batang 'yon. Mamaya pa gigising." sabi ni Mikayla.

"Paskong pasko, tinanghali ng gising." sabi ni Marion.

"Mukhang hindi naman pasko dito. Ang tahimik sa subdivision natin e." -Caloy

"Kaya nga e."

Sa kalagitnaan ng kasiyahan naming lahat, parang may kumakatok sa labas.

"Mi, ang aga naman ng inaanak mo." natatawa kong sabi.

"Bueno mano, kuys." nakangiting sabi ni Karlo.

"Baliw. Pakitingnan nga nak kung sino ba yung nagdodoorbell." utos ng nanay ko.

Wala naman akong nagawa kaya sinunod ko yung utos ng nanay ko.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Tita Venice saka yung anak niya. Ever since, lagi silang bueno mano tuwing pasko. Ewan ko ba kung bakit.

"Hi po." sabay mano ko.

"Hello Allen. Nandyan ba yung mommy mo?" tanong niya.

"Opo. Tara, pasok po kayo," sabi ko

"Laki na ni Joshua a? Dati ang liit liit mo. Ngayon big boy ka na." sabi ko kay Joshua habang pumapasok sa bahay namin. Hindi man lang sumagot sakin. Tingnan lang daw ba ko. Nagwapuhan siguro.

"Mars!" bati ni Tita Ven.

"O, Mars ang aga mo naman ata. Kain ka muna!" -Mommy

"Like always. Di wag na, busog pa ko." -Tita Venice

SL 2: Complicated LoveWhere stories live. Discover now