27: Airport Scene

133 2 0
                                    

Gumising na ako. Pagtingin ko sa cellphone ko, walang text mula kay Allen. At nataranta naman ako dahil shemay late na naman ako. 9:30 na naman.

Dali dali kong kinuha yung towel sabay pasok sa CR. Gahd, ang lamig ng tubig. Kaya sigaw ako ng sigaw dine.

Nagmamadali na talaga ko. Hindi na ko kumain at sa kotse nalang ako nagsuklay. Paniguradong magagalit na naman sakin si Mr. Andrada nito.

Malas ko naman!!! Ngayon pa sumabay 'tong lecheng traffic. Aba't ang aga aga may traffic?! Iba ren.

Ilang minutes ang nagdaan, sa wakas nakarating narin ako sa building. Muntik pa nga ako matisod kakamadali e.

Napasecond look pa nga si Kat sakin e tapos bigla akong nilapitan.

Kat: Hoy gaga ka. Late ka na naman.

Lexie: Natanghali lang ng gising.

Kat: Nagpuyat ka ba girl? Ay nako lagot ka kay President. Hinahanap ka kanina pa. Pumunta ka sa office niya, now na!!!

Lexie: Okay okay. Eto na.

Kat: Osige. Bye girl. Ingat.

•••

Akala ko naman papagalitan ako. Buti naman at hindi ako pinagalitan. Ay nga pala. Nakita ko sa hallway si Allen kaso hindi niya ko pinapansin. Bat ganon? Kahapon e todo sorry pa siya. Ano 'to?! Pataasan na naman ng pride?? O edi sige.

Nagpameeting ulit si President dahil sa wedding next week. Nakatabi ko si Allen kaso hindi man lang ako nililingon. Galit nga 'to panigurado. Ako nga nawala na yung galit ko sa kanya tapos siya naman yung magagalit? Asan yung hustisya?!?! Patigasan pala a. O edi sige ulit.

Sinisiko naman ako nung nasa kaliwa ko. Si Cass. Nginunguso niya si Allen.

"May problema ba kayo?" bulong niya sakin.

Umiling lang ako.

"Weh? Bat di na naman kayo nagpapansinan?" bulong niya ulit.

"Ewan ko." sabi ko.

"Gusto mo kausapin namin siya para sayo?"

"Wag na. Okay lang ako."

"Hindi halata teh." sabi niya.

Paglabas namin sa Meeting Room.. hinila agad ako ni Kevin.

"Uy, Lexie!! Samahan mo ko sa mall." sabi niya.

"Bakit? Ano gagawin natin dun?" sabi ko.

"Teka. Parang ang tahimik mo ata ngayon. Ayos ka lang par?" -Kevin

"Oo naman." -Ako

"Hindi halata."

"Ano ba.. sabi ko ngang okay lang ako. Kanina pa kayo nila Cass, kainis!!" sabi ko.

"Hahahaha. Sige nga o, kung okay ka lang, smile nga dyan o." sabi niya.

Nagfake smile naman ako. "Okay na?"

"Aw. Halatang pilit."

"Ay ewan ko sayo." -Ako

"Smile na dyan, Miss!!!" bigla naman siyang nagwacky na ikinatawa ko naman ng malakas.

"Inamo. Ang funny mo! Ang panget!😂" sabi ko.

"Sa wakas, ngumiti rin. Ayan, ganyan sana. Ice na?" sabi niya sabay thumbs up.

Tumango ako. Ng bigla akong napalingon sa direksyon ni Allen. Ang sama ng tingin samin ni Kevin.

Pagkatingin ko, bigla naman siyang umalis with a cold look.

SL 2: Complicated LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin