33: Bussiness Proposal

105 2 0
                                    

"Sino ba kasing tanga ang magpapaulan kahapon? Nagkalagnat ka tuloy."

"Sorry na. Gusto ko lang naman siyang kausapin eh."

"Pero wag mo namang pabayaan yung sarili mo. Tatanga tanga ka pa naman minsan."

"Ang hard mo naman Mikayla."

"Ikaw naman kasi Insan. Kung di ka sana nagpaulan kahapon edi sana wala kang lagnat ngayon. Grabe talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao no? Lahat gagawin mo." sabi niya.

"Kasi nga mahal mo." pagdugtong ko.

Back to work na naman. Buti naman at galing na ako. Makakatrabaho na ulit ako.

Dumating na ako sa office. Nakita ko agad sila Cass, Kat & Ellice.

"Guys!" sigaw ko.

Nagtaka naman sila. Lumapit sila sakin at niyakap nila ako.

"Gaga ka! Bakit ang bilis mo atang umuwi? Kakaalis mo lang nung isang araw a?" sabi ni Cass

"Bat di mo sinabing uuwi ka? Di kami prepare." -Kat

"Oo nga. Nagulat pa kami sayo, Lexie. Akala namin kung sino." sabi ni Ellice

"Ikaw lang? E si Kevin?" tanong ni Cass.

"Nandun sa Canada. Di pa sana ko uuwi eh kailangan kasi. Madaming problemang kailangang ayusin." sabi ko.

"Diba yung bussiness proposal mo na lang yung aasikasuhin dito? Anong madaming problema ka dyan, madali lang yon. Sige tutulungan ka namin. Kayang kaya yan ng Barney & Friends." sabi ni Kat.

"Hindi kasi 'yon guys-" naputol yung sasabihin ko ng magsalita si Ellice.

"Paniguradong matutuwa si Allen kapag nakita ka na niya ulit." masayang sabi niya.

"E ayun na nga yung problema ko guys e." sabi ko.

"WHY?! May dapat ba kaming malaman? Share naman dyan. Malay mo makatulong kami sa problema mo." sabi nila.

"Break na kami." nanggigilid na naman yung luha ko puñeta. Bat di maubos ubos 'tong lecheng luha ko? Nakakasawa na.

"Di bagay sayo maging joker. Promise. Nagjojoke ka lang diba?" sabi ni Cass.

"Nagpapatawa ka ba? Wag mo nga kaming lokohin teh." sabi ni Kat.

"Agang joke naman yan." sabi ni Ellice.

"Mukha ba akong nagbibiro? Guys, totoo nga. Break na kami ni Allen." seryosong sabi ko.

Natigilan sila sa sinabi ko.

"Dun nga tayo magusap usap sa office mo at baka may makakita pa satin dito." sabi ni Kat.

Pumasok na kami sa loob ng office ko.

"Tell us everything, Lexie. Nandito kami para makinig sayo. We're here for you." sabi ni Ellice.

Malapit na talagang tumulo 'tong traydor kong luha. Malapit na talaga, pinipigilan ko lang.

Sinabi ko sa kanila lahat lahat. Pinakita ko rin sa kanila yung text ni Allen para may pruweba akong totoo yung sinasabi ko.

"Sa unang storya, lalaki ang nanligaw. pero sa huling storya, lalaki ang nakipag-break. Bakit ganon?" sabi ni Cass.

"We understand you, girl. Pero ganun ba talaga si Erika ba kamo? Bakit naman niya ginawa yon? Baka kinain ng insecurity. Nakakainis yung mga ganyan. Sa harap, ang bait bait sayo. Pero kapag tumalikod na, demonyita pala ang ugali. Backstabber in short." sabi ni Kat.

SL 2: Complicated LoveWhere stories live. Discover now