Chapter 5

405 27 0
                                    

Premiere ngayon ng movie nami nina Dexon, may mga kasama rin kami syempre, pero kami ang main lead.
May mga partners rin mga kasama namin. Pero yung kwento ng movie ay sa amin naka tutok.

As usual, ang daming nag aabang sa labas ng cinehan

"Hello :)"

"Hi po :)"

"Kamusta po kayo?"

"Nood po kayo ha?"

"Mag iingat po kayo"

"Wag po kayo mag tutulakan"

"Sobrang salamat sainyo"

Yan ang ilan sa mga sinabi ko sa mga fans ko. Kahit anong manyari ay hindi ko sila susungitan, dahil wala ako dito sa kinatatayuan ko kung wala sila na sumusuporta sa akin

Nag aabang si Dexon sa akin sa may pinto at inilahad ang kamay upang alalayan ako papasok. Yung simpleng gesture niya na yon ang siya na namang nag paingay sa mga fans namin

Nag beso sina mommy at Dexon pati na rin si Daddy. Na meet na nila ang isat isa noong taping namin sa movie na to.

Bago ipalabas ang movie ay nag kamustahan at pansinan muna kami ng mga tao sa loob.

"Kween, picture daw" sabi ni Leo na kasama namin sa movie, lilingon na sana ako kaso may pumansin sa akin na nas mid 50's yata na lalake.

Sumulpot bigla si Dexon at sinabi niyang daddy niya.

"Ay hello po tito" bati ko dito at saka nakipag kamay.

Nag pakilala rin ako sa mommy niya at saka bumeso. Wala masyadong time para makipag kilala dahil hinila na ako ni Dexon dahil may picture taking ang grupo namin.

Pansin ko ang kamay ni Dexon na naka patong sa balikat ko.

At ganoon naman ang ibang co-actor/actress, kaya umakbay rin ako sa may left side ko, kay Leo.

Lumingon sa akin si Dexon at hinila konti sakanya kaya natanggal ang kamay ko sa pag kaka patong sa braso ni Leo dahil hindi ko na abot.

Pag katapos ng group picture ay naupo na kami at pinanood ang movie.

Inilapit ni Dexon sa akin ang mukha niya sa kalagitnaan ng panood ko sa eksena namin, at saka bumulong.

"Ang cute mo diyan"

Tumingin ako sakanya at nagulat ako sa sobrang lapit ng mukha namin.

"Thank you!" Naka ngiti kong sabi at saka itinuon ulit ang atensyon ko sa movie.

Matapos panoorin ay nag palakpakan kami.

"Congrats team!" Sabi ng direktor at isa isa na ang lumapit sakanya para mag congrats rin.

Napag usapan pala na may lunch kami ngayon ng family ko at family ni Dexon, super excited akong makilala sila, makasama.

Hinawakan ni Dexon ang bewang ko para alalayan lumabas dahil ang daming tao.

Nag simula silang mag sigawan noong lumabas kami.

Tanggap naman ako ng tanggap ng mga inaabot nila at nakikipag kamay.

Ganoon rin si Dexon, kaya tinatanggal niya ang kamay niya na nakahawak sa bewang ko at maya't maya, ibabalik niya ulit.

"Kween, sa sasakyan ko ka na sumakay, may dala ako" bulong nito sa akin.

"Ha? Eh kasama ko sina daddy at mommy eh" sagot ko.

"Sige, teka. Ipapaalam kita"

"Hala wag na, makikisabay nalang ako sakanila. Sila kasi kasama kong pumunta dito eh"

Nagulat nalang ako dahil nasa harapan na pala kami ng parents ko.

"Tita, tito...isasabay ko po sana si Kween sa sasakyan ko. Papunta lang naman po sa restaurant, hehe."

"Hala sira, wag na nga! Maluwag naman sasakyan namin. Kasya kami" sita ko dito.

"Sige anak, basta ingatan mo siya ha?" Sabi ni daddy.

"Sure po tito, iingatan ko po anak niyo. Hehe" sabi nito saka bumeso kay daddy at mommy para mag pa alam.

Yumakap rin ako sakanila para mag pa alam.

"Alam mo ang cute mo" sabi nito bigla pag pasok niya sa sasakyan. Nauna akong sumakay dahil pinag buksan at saraduhan ako ng pinto

"Why naman?" Tanong ko na natatawa

"Kasi todo yakap ka sa parents mo, eh iisa lang naman destination natin. Mga minutes nga lang ata kayo mag hihiwalay e"

"Hmm, it's not bad naman diba na ganun ako? Minu-minuto ko kasi sila na a-appreciate kaya siguro ganoon. The fact na only child pa ako, kaya gusto ko talaga iparamdam na mahal na mahal ko sila"

"Hmm sabagay" sabi nito

"Isa pa, wala ako dito kung wala sila no. Kaya kahit saan tayo mag punta, mabilis man tayong babalik/uuwi, kailangan nating iparamdam na mahal na mahal natin sila. Kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari diba? At least, wala kang pag sisisihan dahil naiparamdam mo sa mga nag palaki sayo, sa bumuhay sayo...na mahal mo sila" nakangiti kong sinabi

"Isa yan sa mga nagustuhan ko sayo. Kaya pumayag akong ka loveteam ka, kasi napapanood ko mga interviews mo...hindi mo nakakalimutan na banggitin ang parents mo. Napaka family oriented mo" sabi nito na nakangiti pero sa kalsada naka tingin.

"Awww, thank you" sabi ko at pinisil ang pisngi.

"Hmmm" sabi niya at ngumiti.

"Andito na tayo" sabi niya

"Ha? Ang bilis naman?" Sagot ko

"Gusto mo ba mag ikot pa tayo para tumagal?" Biro nito

"Sira! Haha hindi nga, parang ang bilis kasi" sagot ko

"Sa haba ba naman ng sinabi mo hahahahha" pang aasar niya kaya pinalo ko sa braso.

Bumaba siya at saka pinag buksan ako ng pintuan.

Hindi namin sinabi sa mga fans namin na may lunch date ang family ko at family ni Dexon, dahil private matter na ito.

Pero hindi ko inaasahan na unang hakbang palang namin ay nag silingunan na ang mga tao at nag tiliian.

"Mukhang ang laki ng fan base natin ha" sabi ni Dexon

"Oo nga eh, nakakakilig tuloy. Ang sarap sa feeling na gustuhin ka ng mga tao" sabi ko at ngumiti naman siya

May mga nag papicture na pinag bigyan namin. Hindi namin sila lahat napag bigyan dahil anong oras na at sobrang dami nila. Humingi nalang ako ng pasensya sakanila at naiintindihan rin naman daw nila

Ito ang isang gusto ko sa mga fans namin, maintindihin at hindi kami prine-pressure.

I was or should I say, I am still a fan of some of the biggest loveteam in our industry, kaya alam ko ang feelings nila.

End Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now