PART 36

19 3 0
                                    

Napakurap kurap nalang ako habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakatingala na, nakita ko ang pag taas baba ng adam's apple niya.

"I tried to understand. Yeah i tried. But damn--" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil hinawakan ko ang kamay niya. Mabilis siyang napamulat ng mata at nag tataka akong tiningnan but i only shook may head while holding his hand.

"I-i'm sorry." Iyan lang ang nasabi ko habang marahang hinawakan ang kamay niyang nakakuyom.

"I-i-i'm sorry." Maliit ang boses na sabi ko hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na nagseselos ako. Na nagagalit ako kapag may iba siyang kasamang babae. Shocks! Baka sabihin niyang masasakal ko siya, na baka napaka paranoid kong babae at napaka posessive ko!

Hindi agad siya nag salita pero hinawakan niya rin ang kamay ko.

Mygoshh nagwawala na naman ang puso ko.

"Nagseselos lang kasi ako." Halos hindi ko marinig ang boses ko dahil sa sobrang liit nito pero nagulat ako ng bigla niyang inangat ang mukha ko para magpantay ang mukha naming dalawa.

Our eyes meet kaya agad akong nag iwas ng tingin for sure namumula na ang mukha ko ngayon mygad! First time kong umamin na nagseselos ako! Ngayon lang as in ngayon lang talaga! Yeah crush na crush ko si Tristan but hindi ako umamin sa kaniya na nagseselos ako kapag nakikita ko siyang may kasamang iba!

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Wala lang dapat na ika selos dahil ikaw lang naman ang mahal ko at wala ng iba." Sabi niya at habang hinahawakan ang mukha ko.

Feeling ko nalunok ko ang dila ko.

"Damn, mas lalo lang ata akong nahulog sayo."bulong niya bago inangkin ang mga labi ko!

Halos manigas ako sa kinauupuan ko dahil sa biglaang paghalik niya sa akin, feeling ko nanlambot ako bigla he slightly bite my lips kaya napaawang nalang ako dahil sa ginawa niya but he didn't stop kissing me he taste every bit of my lips na para bang sinasabi niyang siya lang ang may kakayahang halikan ako.

Halos kapusin ako ng hininga ng binitiwan niya ang mga labi ko! Yong totoo papatayin niya ba ako sa pamagitan ng mga halik niya?!

Nang tinginan ko siya ay nakangisi na siya sa akin.

"That's your punishment for making me jealous."sabi niya at hinaplos ang labi ko. Kaya napaiwas nalang ulit ako ng tingin hindi ako makapaniwala na halos malunod na ako sa mga halik niya, hindi man lang ako nagreklamo! At talagang gustong-gusto ko pa iyon!

"Ikaw lang ang mamahalin ko, pangako." Sabi niya kaya napatingin agad ako sa kaniya.

"Huwag kang magsalita kung makikipag landian ka lang naman sa iba kapag wala ako." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay niya.

"Sino sa atin ang may kalandian at least ako nakikipag tawanan lang sa kaklase ko, e ikaw nakipag yakapan sa Crush mo. Bakit ang unfair mo Baby ko? Hindi porket mahal kita ay sasaktan mo nalang ako, mahal kita, Oo pero sana isipin mo rin naman ako. Ako na nag mamahal sayo." Sabi niya sa malungkot na boses.

I rolled my eyes at him pero hindi ko napigilan ang pag ngiti ko.

"At ikinatutuwa mo pa talaga kapag nakikita mo akong nagseselos. Ang sama mo talaga sa akin Baby ko." Sabi niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi tumawa at hawakan nag muka niya.

Para siyang bata na inaway ng kalaro niya at pinag damutan ng candy ng mommy niya.

Nakita kong bahagya siyang nagulat sa ginawa ko kaya mas lalo lang akong ngumiti sa kaniya.

Mr. Hugutera meets Mr. Pikon (On Going)Where stories live. Discover now