PART 45

35 5 7
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakayakap kay Tristan basta ang alam ko lang ay mahigpit na mahigpit ang yakap ko sa kaniya.

Ng mahimasmasan na ako ay agad akong napabitaw kay Tristan.

Hindi ko alam pero nakaramrdam ako ng hiya. Nakayuko lang ako at pinahiran ang mga luha ko.

Napaatras ako ng bigla nalang iangat ni Tristan ang mukha ko.
Nag tagpo ang mga mata namin hindi ko mabasa ang emotion sa muka niya. Hindi ko alam pero bumuhos na naman ang mga luha ko. Shocks! Lagi nalang bang ganito? Lagi nalang ba akong umiiyak dahil sa lalaki? Ganito nalang ba talaga ang buhay ko? Ang masaktan?

Hinagod niya ang likuran ko trying to comfort me pero alam ko na kahit anong gawin niya ay hindi niya parin niya mapapawi ang mga nararamdaman ko. Alam ko kung sino lang ang pweding makapag pagaan nito at walang iba kundi ang lalaking nag taboy sa akin palabas ng hospital room niya. Gustuhin ko mang bumalik sa loob at yakapin si Jose para mawala ang bigat  na nararamdaman ng puso ko pero hindi ko magawa dahil alam ko na mas lalo lang bibigat ang nararamdaman ko dahil papaalisin na naman niya ako.
Papaalisin na naman ako ng lalaking mahal na mahal ko.

"Let's go. I will drive you home." Bulong niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. 

Tumango nalang ako at bumitiw na sa pagkakayakap sa kaniya ng magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang pilit na ngiti sa kaniyang mukha ngunit hindi abot sa kaniyang mga mata.

Aalis na sana kami ng biglang bumukas ang pintuan ng room ni Jose. Kaya sabay kaming napalingon ni Tristan dito.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Jose'ng nakatayo sa may pintuan at walang emotion na nakatingin sa amin ni Tristan. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin sa kaniya ang mga nararamdaman ko pero hindi pwedi dahil alam kong ipagtatabuyan na naman niya ako.

Hindi siya nag salita at pa balik balik lang ang tingin niya sa aming dalawa ni Tristan.

Magsasalita na sana ako ng bigla nalang niya akong hilahin papunta sa kaniya! Kaya ang resulta ay napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
Nanlaki ang mga ko dahil sa ginawa niya! Mygad paano kung nasaktan ko siya?
Naramdaman kong mahigpit niya akong niyakap. Kaya mas lalo lang nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ba galit siya sa akin? Akala ko ba hindi niya ako gusto? Akala ko ba may mahal na siyang iba? Akala ko ba  ayaw na niya akong makita?

Aalis na sana ako sa pagkakayap niya ng mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Pilit ko siyang tinutulak hindi dahil sa galit ako sa kaniya, ayaw ko lang na baka makakasama na naman ako sa sakaniya.

"Let's stay like this...let ne hug you for just a second... Hayaan mo akong pawiin kahit papaano ang mga nararamdaman mo." Bulong niya habang yakap yakap ako.

Napatigil ako sa pagtutulak sa kaniya at hinayaan nalang siyang yakapin ako. Siguro ito ang pamamaalam niya sa akin?

"J-Jose baka masaktan k-kita." Sabi ko pero umiling lang siya.

"H-hindi Kahit kailan hindi ka nakakasakit sa akin.. kahit kailan ay hindi ka naging pabigat sa akin..  lagi mo lang tandaan na mahal na mahal kita." Bulong niya.

Mas lalo akong naguluhan mag sasalita na sana ako ng mag salita na naman siya.

"I'm sorry.. I'm sorry..  I didn't mean to hurt you Love.. I didn't.. I'm sorry.. iyon lang ang tanging paraan para hindi kita mas lalong masaktan." Bulong niya ulit.

Mabilis akong umiling at niyakap siya pabalik.

"Huwag kana ulit  magsisinungaling sa akin.. huwag kana ulit magalit sa akin.. huwag muna ulit akong pagtaasan ng boses..kasi.. kasi .. hindi ako sanay Jose.. hindi ako sanay na galit ka.. hindi ako sanay na tinataasan mo ako ng boses..hindi ako sanay.... Okay lang na sabihin mo sa akin na may mahal kang iba..okay lang sa akin na sabihin mong ginagamit mo lang ako..okay lang sa akin na hindi mo ako gusto at sinusubukan mo lang ako. Okay lang sa akin. Pero sana Jose huwag mo akong pag bawalan na dalawin ka.. huwag mo akong pagbawalan na makita ka--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nag salita na naman siya!

Mr. Hugutera meets Mr. Pikon (On Going)Where stories live. Discover now