CHAPTER TWENTY-SEVEN

127 9 3
                                    

Chapter 27

Kinabukasan, maaga akong bumangon dahil naalala kong may pupuntahan pala kami ngayon ni Sir Perth. Maayos na naman ang aking pakiramdam at mukhang kaya ko na talagang magtrabaho.

Hindi ko alam kung saan kami ngayon pupunta pero sa schedule niya ay may business trip siya papuntang South Korea at hindi ako kasama roon.

Nang matapos ko ng mailigpit ang aking mga gamit ay lumabas na ako ng kuwarto namin at nakita ko si Miks na tahimik na nanonood.

"Oh, saan ka pupunta Jin? Trabaho?" tanong nito sa akin. Tumango-tango naman ako at nagpunta sa kusina.

"May pupuntahan daw kami ni Sir Perth, hindi ko alam kung saan. Baka trabaho rin." sabi ko naman at kumuha ng plato at kutsara. Nagsimula naman na akong kumain.

"Okay na ba pakiramdam mo? Baka mahilo ka na naman ha, naku. Inumin mo 'yang mga gamot mo." paalala nito sa akin kaya tumango-tango ako habang nakain. I know naman. Lagi na lang akong nahihilo kapag hindi nakakainom ng gamot. Kapag wala ring kain o kaya naman ay puyat. Talagang nakakaramdam ako ng matinding hilo.

"Tapos na ako. Mauuna na ako, Miks. Bye!" sabi ko at nagpaalam na nga dito. Nang makalabas ako ng unit ay tinawagan ko na si Sir Perth. Sabi niya kasi susunduin na lang niya ako so tawagan ko raw siya kung magpapasundo na hehe.

Ilang minuto rin akong naghintay at dumating na nga si Sir Perth. Agad na rin akong sumakay sa kotse niya at tiningnan ko siya. Mukha siyang masaya. Anong meron? Birthday niya ba ngayon?

"Sir Perth, birthday mo ba ngayon?" tanong ko sa kaniya na hindi pa rin inaalis ang tingin. Wala, ang saya niya lang kasi. Nakangiti siya ng wagas habang nagmamaneho. Birthday kaya niya ngayon? Pero sa pagkakaalam ko sa April pa birthday niya. So, anong nginingiti-ngiti niya?

"Ha? No. You know my birthday, right?" sabi niya ng may ngiti. What the? Eh, anong meron nga sa ngiti niya? Mukha talaga siyang masayang-masaya.

"Yeah, i know. So, nanalo ka sa lotto?" tanong ko pa na ikinakunot-noo niya pero nakangiti pa rin. Ay, wala. Ang tindi ng ngiti niya. Hindi naglalaho talaga.

"Hahaha, you're funny, Victoria. Me? Nanalo sa lotto? Mukha ba akong tumataya sa lotto?" tanong nito at tumawa habang iniling-iling ang kaniyang ulo. So, hindi siya nanalo sa lotto? At mas lalong hindi pala siya tumataya sa lotto. Eh, anong nginingiti-ngiti niya?

"Ikakasal ka na, Sir?" tanong ko pa pero tinawanan niya lang ako at pinisil ang isa kong pisngi. Ano kayang dahilan at pangiti-ngiti siya?

"Birthday ko ba ngayon, Sir?"

"Tumaas na ba sales natin?"

"Nakabili ka ng bagong kotse?"

"Magkakaanak ka na ba, Sir?"

"Maganda ba ako?" patuloy na tanong ko na mas lalong ikinangiti niya. Mukhang nasisiraan na siya ng ulo. I-umpog ko kaya siya sa manibela ng kotse baka sakaling mawala ang ngiti niya. Nagiging kamukha na niya kasi si Joker eh.

"Yes, ofcourse. You're so beautiful." nakangiting sabi niya at inihinto ang kotse. Mabilis niya akong hinalikan sa noo at bumaba sa kotse. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa buksan niya ang pintuan sa gilid ko.

Bumaba naman ako at nakita ko ang isang bahay na malaki. Nagtataka kong tiningnan si Sir Perth na naglakad palapit sa gate ng bahay.

"Kaninong bahay ito, Sir Perth? Hindi ka naman siguro magnanakaw dito ano?" tanong ko na ikinatawa niya. Tiningnan ko lang siya at binuksan niya ang gate. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok. Pagkapasok namin ay tumambad sa akin ang nakapagandang garden nito. Maraming bulaklak, may maliit na fountain pa at may mga istatuwang naka-display sa paligid. Napakaganda. Napakalinis.

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant