CHAPTER FIFTHTEEN

1.7K 42 6
                                    

Chapter Fifthteen

Victoria's Point Of View



Dalawang araw matapos ang nangyaring iyon ay nanatili na lamang ako sa unit namin. Hindi kasi pinayagan si Miks na ipasok ako sa pinagtatrabahuhan niya kasi kumpleto pa naman daw sila kaya heto ako ngayon. Nagmumukmok sa kuwarto at walang maka-usap. Wala sa akin ang phone ko kasi hindi pa naiibalik ni Sir Perth.


Speaking of Sir Perth.


Kamusta na kaya siya? Nadischarged na kaya siya? Or hindi pa rin siya nagigising ngayon? Or nasa hospital pa siya? What if... bisitahin ko siya? Just to be sure? Aalis rin kaagad ako kapag nakita ko na siya. Hope na okay lang siya.


Nagbihis lang ako ng simple atsaka nagpabango. Pagkatapos ay lumabas na ako at naghintay ng masasakyan.


---


Nang sa wakas ay makarating na ako sa Hospital nina Sir. Tinungo ko 'yong front desk kung saan may dalawang nurse na nagbabantay.


"Ah, hello Miss. Nandito pa ba si Mr. Perth Xylan Quorex? Hindi pa ba siya nadidischarged?"tanong ko sa Nurse at napakunot-noo naman ito.


"Si Sir Perth po? Ahh, hindi pa po. Baka po mamaya na siya madidischarged dahil may aasikasuhin lang daw 'yong Mother niya. Bakit po?"tanong nito kaya napangiti ako at umiling-iling. "Ah, wala. Bibisitahin ko sana siya. Salamat nga pala."sabi ko kaya ngumiti ito at tumango-tango.



Mabibigat na hakbang na tinungo ko ang silid kung saan nando'n si Sir Perth. Nang marating ko iyon ay kinakabahang binuksan ko ang pintuan ng dahan-dahan at sinilip ang loob.



Nakita kong nakahiga si Sir Perth at mulat na mulat ang mga mata kaya malakas na kumabog ang dibdib ko. 'Walang nagbabantay sa kaniya ngayon? Bakit kaya?'



Papasok ba ako? O huwag na lang? Hindi ba ako puwedeng pumasok? What if, magalit siya sa akin at ipagtabuyan ako? What if, pagsalitaan niya rin ako ng masasama dahil sa ginawa ko? What if---



"Who are you? Come in!"



Naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi ni Sir Perth. Ano? Papasok ba talaga ako o hindi na lang siya papansinin? Shet! Sumasakit ang ulo ko!




"Victoria? Is that you?"rinig ko pang sabi nito kaya wala na akong nagawa kundi ang buksan ng malaki ang pinto at tumingin sa kaniya. 'Wala man lang akong dinala kahit prutas man lang... nakakahiya. Atsaka! Teka lang?! Tinawag niya ba ako sa pangalan ko? Parang oo eh?!'



"Miss Cortez!"wika pa ni Sir at dali-daling bumangon at lumapit sa akin. Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit na ikinagulat ko. 'Okay! What's wrong with him? Bakit parang... hinahanap niya ba ako?'




"I really miss you... Bakit ngayon mo lang ako dinalaw?"tanong nito na may pagtatampo kaya napakunot-noo ako. 'Bakit? Bakit ko naman siya dadalawin kung nandito 'yong bruha niyang nanay at kapatid?'



"Sorry, Mr. Quorex..."paumanhin ko at lumayo sa kaniya. Napansin ko naman ang biglang pagsasalubong ng kaniyang mga kilay. "I'm sorry, Mr. Quorex sa nagawa ko... H-Hindi ko sinasadya 'yon dahil, hindi ko alam na allergic kayo sa sili. I'm really sorry kung nailagay ko sa panganib ang buhay niyo. Sana mapatawad niyo ako, Mr. Quo---"



"Stop!... Stop calling me that! Bakit mo ako tinatawag na ganiyan? Hindi ba, ako ang boss mo? Atsaka, bakit ka ba nagsosorry? Ano bang kasalanan mo?"medyo may bahid ng inis na sabi niya kaya tiningnan ko siya at ngumiti nh mapait.



The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora