CHAPTER ONE

5.7K 99 8
                                    

Chapter 1: Work

Victoria's Point Of View

JIN, gising ka na!” rinig kong malakas na sigaw ng kaibigan ko. Well, ganiyan talaga siya. Crazy kaya nahawa rin ako. Naging crazy na din.

“Hmm.. Inaantok pa ako. 5 minutes more!” reply ko at nagtalukbong pa ng kumot. Ang sarap-sarap pa ng tulog ko eh. Takte namang bruha 'to! Epal talaga kahit kailan.

“EH,FIRST DAY MO SA TRABAHO DIBA? BUMANGON KA NA DIYAN!” bulyaw pa nito na ikinamulat ko. Narinig ko namang pumasok ito sa kuwarto ko at bigla akong hinampas sa braso. Ay, grabe. Parang hindi ako kaibigan ah? Mapanakit ka na ngayon?

“Oo na! Babangon na nga eh! Hindi mo ako kailangang hampasin. Ang sakit mo kaya manghampas. Atsaka, hindi pa ako natatanggap ano? Anong first day ka d'yan? Oy, girl wala pa akong trabaho, kung kailangan mo ng pera, 'wag ka sa akin humingi at wala rin ako. Pero, sana matanggap na nga ako ano?And siya nga pala, sa Hope Park ako pupunta ngayon, hindi sa kompanya ng Q.E.. May meet up kami ni Vexy. Gusto mo sumama?” mahabang sabi ko at tiningnan ito. Nakakunot ang noo nito at tahimik lang. Napalunok-lunok naman ako atsaka nag-peace sign. Hehe looks like napasobra na naman ako, lagot. Sorry na agad, Mikaela.

Hindi pa rin ito umimik pero napadaing nalang ako ng makatanggap ulit dito ng hampas. Ouch. Ang daldal mo kasi, self. Huhu.

Anyways, I'm Victoria Jin Cortez nga pala. Ang napakaganda, napakabait, napaka-cute, napakasexy, napakasipag, napakatakaw, napakaputi, napakadaldal, napakatali---

“Bumangon ka na kasi diyan!” inis na sigaw pa ni Mikaela bago lumabas ng kuwarto ko. 'At napakatamad bumangon. Haha.'

Wala na akong mga magulang. Kapatid meron. Dalawa sila, kaso yung isa nasa ibang bansa at ang isa nasa probinsiya namin. Then,nag-apply nga pala ako para sa inyong kaalaman--bilang Secretary sa isang SIKAT AT MAYAMANG KOMPANYA. ANG QUOREX EMPIRE. Oo, as in sobrang yaman, sila yata ang pinakamayaman sa buong mundo. Joke lang.

“Girl,ano ba?!” malakas na sigaw ni Mikaela sa mukha ko na ikinabalik ko sa ulirat. Bakit ba ang hilig-hilig nitong sumigaw? Nakalunok ba ito ng microphone? Ang ingay-ingay.

“Ay girl, hindi naman ako bingi. Pwede namang hindi sumigaw 'di ba?"sigaw ko at napahawak sa dibdib. Aatakihin na yata ako sa puso sa sobrang lakas ng sigaw niya. Pwede na siyang magtinda sa palengke.

“Wow! Nahiya naman ako sa kabingihan mo ano? Kanina pa ako imik ng imik dito, tapos kung saan-saan naman napapadpad 'yang tainga mo.” sabi nito at inirapan ako kaya napasimangot ako. 'Hmm, ikaw nga sigaw ng sigaw.'

“Baliw ka. Sige na nga, aalis na ako baka sigawan mo na naman ako.” sabi ko at tumayo na. Katatapos ko lang kumain at maligo. Pupunta na kasi ako doon sa Hope Park, may imi-meet lang ako, si Vexy.

“Naku, mag-iingat ka doon sa Hope Park ha? Tandaan mo, hindi mo ako kasama.” sambit pa nito na mabilis kong ikinatango-tango sabay irap. Binato pa ako nito ng unan bago sumigaw. 'See? Kailangan ko na talagang umalis. Bubulyawan na naman niya ako for sure. Ang arte-arte, hindi naman maganda. HAHAHA joke lang ssshhh lang kayo.'

“Yes, Madam!”sigaw ko rin at ibinato rin dito ang unan bago lumabas. 'HAHAHA! Ang arte talaga!'

-----

HOPE PARK

Nasaan na kaya si Vexy? Ang akala ko dito kami magkikita. Where is she na?

“Victoria! HERE!”

Mabilis na napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang boses na iyon. 'Yeah, so nandito na pala talaga siya.'

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang