CHAPTER THIRTY

129 10 3
                                    

Chapter 30: New

Phoenix's Point Of View

Mabilis akong napatingin sa pintuan ng bumukas iyon at nakita ko si Miss Victoria na papasok. Napatayo naman ako at nilapitan siya.

"Oh? Miss Victoria, nandito ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay." sabi ko at agad na kinuha ang kamay niya at hinalikan. Napatingin naman ako kay Perth ng marinig kong tumikhim siya sa likuran ni Miss Victoria. What the?! He's here!

"Boss, hinalikan ni Phoenix ang kamay ni Miss V." sabi naman ni Fourth kaya gulat na natatawa akong napatingin kay Perth na masama ang tingin sa akin. Lumapit siya sa kinatatayuan ni Miss Victoria at inakbayan ito.

"Do that again or i'll kill you." sabi ni Perth kaya napa-kamot na lang ako sa ulo at bumalik sa kina-uupuan ko. Yabang. Magkaka-girlfriend din ako. Akala ninyo kayo lang ang may babae ha.

Tahimik naman na naglakad papunta sa kaniyang upuan si Perth. Nakatingin lang kami sa kaniya at hinihintay na magsalita siya.

Kanina kasi, tinawagan niya kami at sinabing pumunta raw kami sa office niya. So, we are here now at iniisip ko kung ano ba ang pag-uusapan namin. Tungkol kanino naman kaya.

"Come here. We need to talk about some business." sabi ni Perth at pina-palapit kami sa kaniyang table. Lumapit naman kami. Napaka-seryoso ng mukha niya na para bang malaki ang problemang kina-kaharap niya.

"It's about Knox Main Inc." seryosong sabi niya na ikinagulat ko. Knox Main Inc.? Hindi ba sila yung...

"Who?" tanong ni Miss Victoria na nakikinig rin pala. Tiningnan siya ni Perth at sinenyasang lumipat sa may tabi niya. Agad namang lumapit si Miss Victoria.

"Knox Main Inc. is a new company that has a lot of branches here. Maraming kompaniya ang gustong makipag-partner sa kanila pero namimili sila ng gusto nila. And isa sa mga napili nila is our company." seryosong sabi ni Perth na ikinataka ko.

"Oh? Iyon naman pala, Sir. Why not tanggapin natin ang offer nila? Mas maganda kung--" mabilis na pinutol ni Perth si Victoria sa pagsasalita ng pigilan niya at tiningnan ng seryoso.

"You don't understand, Victoria. Let me explain." sabi ni Perth.

"May problema ba, Perth?" takang tanong ko. Hindi niya kami ipapatawag kung walang problema, hindi ba? Ano naman kayang gagawin ng Knox Main?

"Yes, it is. We need to cancel their offer for us." sabi lang ni Perth. Yeah, problema nga.

"So, what we need to do? Investigate?" tanong naman ni Cloud kaya tumango si Perth.

"Yeah. Investigate them for now. Let me talk to their CEO." sabi ni Perth at tumayo. Napatingin ako kay Fourth na tahimik lang na nakatingin kay Cloud na para bang may gustong sabihin dito. Hmm, ano kayang problema niya?

"Victoria, make an appointment with Knox Company. I have to attend some meeting in Charland, a business trip. After 3 days, i'm gonna talk to them for their offer." sabi pa ni Perth atsaka tumingin sa suot na relo.

"Perth, bakit gusto mong i-cancel ang offer? May problema ba?" tanong ko dito at sinundan itong maglakad palabas ng office. Nakasunod naman sina Fourth at Cloud sa amin.

"Don't worry, i can handle this. Just do what i told you. Investigate them and you will know why i'm cancelling their offer." sabi ni Perth at naiwan na kaming tatlo nina Cloud. Napatingin ako sa kanila at mukhang nagtataka rin sila.

"So? What are we gonna do now? Let's start." sabi ko kaya napa-iling-iling na lang sila at tumango-tango.

Ano kayang meron? Bakit kailangan pa naming imbestigahan ang Knox Main? May mali ba sa company na iyon?

The Possessive Mafia Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon