Kabanata 3

153 20 9
                                    

Kabanata 3

THE happiness he felt when he was with Caroline was inexplicable. It was something foreign that he couldn't comprehend. It was a new feeling for him. Hindi niya alam na mapapangiti siya habang pinapanuod si Caroline na kumakain.

He suddenly remembered what he told her earlier. Para bang may sariling isip ang mga labi niya at sinabi iyon sa babae. Even him, he was shocked of himself for doing things that he wasn't used of. He was caught by her innocent smile, her gestures that make him blush profusely.

What is he? A girl? Damn.

Naaalala niya ang paghawak nito sa tainga niya kanina. Parang may kung anong kuryente ang gumapang roon. Maging ang hawak nito sa kaniya ay masyadong mahinhin. Ang bawat galaw nito ay napakapino na parang bang ipinanganak siya upang pagsilbihan.

"Uh... B-Bakit ganiyan ka kung makatingin?"

Nagising siya mula sa pagkakatulala nang marinig ang mala-anghel nitong boses. Nakita na naman niya ang maganda nitong mukha, ang mga mata nitong inosente kung makatingin pero parang inaarok ang kabuuan niya sa tuwing dadapo sa kaniya ang tingin nito.

His gaze went to her lips. That red luscious lips, it was like her lips was inviting him to have a taste but then he tortured himself secretly with that thought.

Wala sa sariling bumuka ang labi niya at tulalang sumagot sa babae. "You're really pretty." Huli na nang mapagtanto niya ang sinabi. Napapikit na lang siya dahil doon at sekretong kinastigo ang sarili.

What was that, Deacon?! Singhal niya sa sarili.

Namula ang pisngi nito at natulala na naman siya sa ganda nito. "M-maraming s-salamat, Deacon." Mahina nitong sambit at napayuko. "Maging ikaw ay napakakisig at napakagandang lalaki."

He tilted his head back and then gripped the edge of the table. This woman doesn't know what her words are doing to him. His jaw clenched, like he was restraining himself to get a hold of Caroline.

She's innocent. She's like a baby. She doesn't know what she's doing to you, Deacon.

"A-ayos ka lang na, Deacon?" mahina nitong tanong. Wala talaga itong alam sa epekto niya sa lalaki.

He breathed before looking at her. "I... I am fine, Caroline." Ngumiti ang babae sa kaniya na halos ikaluwa ng puso niya mula sa kaniyang dibdib. This woman will be the death of him. "Tapos ka na bang kumain?"

"Tapos na, Deacon." Ngumiti ito at kumislap ang mata sa tuwa. "Ngayon ko lamang natikman ang pagkain na ito."

"I am glad that you liked it."

Tumayo na siya at pinagpag ang damit bago ito tinignan. Iyon na naman ang mga nitong tila kumikislap sa tuwing nakatingin sa kaniya. Tila ba tuwang-tuwa ito kahit na pinagmamasdan lang siya.

Hinawakan niya ito sa kamay at ramdam niya ang lambot nito. Parang wala itong trabaho at hindi nagbubuhat ng mabigat.

"May klase pa ako, Caroline, at hindi ko nagawang pumasok kanina. I missed two of my classes earlier." Doon niya lang napagtanto iyon. Masyado siyang nawili sa kapapanood sa babae.

Agad itong napayuko. Tila ba nahihiya dahil nakaperwisyo siya. "P-paumanhin kung ako'y nakaabala. Uh... Maaari mo na lamang akong iwanan rito."

He doesn't know why his heart was aching at the sight of Caroline. Pinipisil nito ang palad niya at nanatiling nakayuko na parang nahihiya dahil sa nagawa nito.

He sighed and then blew a loud breath. He has rules for himself but then one word from Caroline and the he is. Bending his own rules for a girl he just met a while ago.

The Vampire's Cursed QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon