Kabanata 6

117 13 2
                                    

Kabanata 6

PANGHIHINA. Iyon ang nararamdaman ni Caroline ngayon. Buong araw ay hindi niya magawang kumilos ng maayos. Kahit bampira siya ay nakakaramdam rin siya ng pagod. Kailan ba siya huling uminom ng dugo? Dalawang araw na ang nakalipas. Kahit na kumain siya ng biniling pagkain no Deacon para sa kaniya, hindi niyon maiibsan ang pagkauhaw niya sa dugo.

Alam niyang alam ni Deacon na pagod siya kaya hindi siya nitong kinulit buong maghapon. Hindi rin siya naipakilala sa kaibigan nito. Masyadong maingay ang kaibigan nitong si Lawrence at magkabaliktad ang ugali nilang dalawa. Kahit siya ay nagtataka kung paanong naging magkaibigan ang dalawa.

Nais niyang sabihin kay Deacon na labis siyang natutuwa dahil hindi siya nito iniwan kanina. Dinala rin siya nito sa kaniyang silid-aralan. Marami siyang makakasalamuha kapag ganoon araw-araw. Pero ayaw niya namang maging pabigat kay Deacon, dahil natatakot siya na baka mapagod ito sa kaniya at pabayaan na siya sa huli.

"Binibini, maari ko bang malaman ang iyong pangalan? Ikaw ba ay mayroon ng kabiyak? Sapagkat nais kong mapangasawa ka—"

Hindi niya na lamang pinansin ang pagtatalo ng dalawa dahil mas naiisip niya kung paano maiibsan ang ubaw niya. Alam niyang hindi sila magkauri ni Deacon. Ramdam niya ito. Hanggang ngayon ay wala siyang ideya kung nasaang lupalop na siya ng mundo.

"Caroline..." tawag sa kaniya ni Deacon sa mahinang boses. Nanuyo ang lalamunan niya dahil sa ginawa nito. Gusto niyang ipagtulakan palayo si Deacon dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at sunggaban niya ito bigla sa leeg.

Pinakiramdamam niya and marahang paghawi ni Deacon sa buhok na tumatabing sa kaniyang mukha. Maging ang paglaro ng daliri nito sa kaniyang pisngi ay sobrang banayad. Gusto niyang pumikit na lang at itulog ang uhaw na nararamdaman. Takot, dahil baka layuan siya ng lalaki. Gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya dahil sa ginawa nito.

Dumilat siya ng kaunti upang silipin ito. Nasa mukha nito ang pag-aalala para sa kaniya. Pero hindi niya magawang ngumiti rito kagaya ng palagi niyang ginagawa sa tuwing tatawagin nito ang pangalan niya. Gusto niyang ngumiti kay Deacon at sabihin na ayos lang siya pero ayaw magpaawat ng pagkauhaw niya nang masulyapan niya ang leeg nito.

"Caroline, I'll drive you home. Wake up now..."

Muli niyang ipinikit ang mga mata upang iiwas ang paningin sa leeg nito. Pakiramdam niya ay may bumara sa lalamunan niya nang makita ito. Gusto niyang idiin ang kaniyang pangil roon at sipsipin ang dugo ni Deacon. Pero dahil ayaw niyang matakot ang lalaki sa kaniya ay pinilit niya ang sarili na umiwas.

Pakiramdam niya ay lumutang siya bigla. Doon niya napagtanto na binuhat siya ng lalaki. Muli niyang ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sarili na mahulog sa kung saang dimensiyon.

"Anghel ba 'yan?" rinig niyang tanong ni Lawrence kay Deacon. Gusto niyang ngumiti dahil sa tanong nito pero masyadong masama ang pakiramdam niya dahil sa labis na pagkauhaw.

No. I am a vampire. Gusto niyang isagot rito.

Kapag nalaman ba nitong isa siyang bampira ay nanaisin pa rin ba nitong makipagkilala sa kaniya? Nanaisin pa rin ba nitong maging kabiyak siya kapag nagkataon? Hindi niya alam. At kung sakali man ay hindi rin siya papayag, tanging si Deacon lamang ang nais niyang maging kabiyak. Ang lalaking inilaan ng diyosa ng buwan para sa kaniya.

NAGISING na lamang siyang nakahiga sa malambot na kama. Iginalaw niya ng kaunti ang daliri at nagpapasalamat siyang nagawa niya iyon. Mabagal ang pagkilos niya nang bumangon siya mula sa pagkakahiga. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang silid kung nasaan siya ngayon.

Panlalaking silid. Iyon kaagad ang reyalisasyon niya. Hindi naman siya nakaramdam ng kaba dahil sa amoy pa lang ng silid ay kilala na niya iyon. Iyon ay ang silid ni Deacon. Maliit siyang napangiti nang makita kung gaano kalinis ang kuwarto nito at maayos ring nakasalansan ang mga gamit. Parang babae ang may-ari ng kuwarto dahil sa sobrang ligpit nito.

The Vampire's Cursed QueenWhere stories live. Discover now