Kabanata 10

55 3 0
                                    

Kabanata 10

Hearing that from Caroline, Deacon could feel his heart constricting. It feels like it was being stabbed, the pain he’s feeling while seeing Caroline smile despite the distress she may have felt while staying inside her room all day long, for so many years.

Hinawakan niya ang dulo ng buhok nito at inikot iyon sa daliri niya. Her hair is so soft and shiny, far from what it was last time.

Lumingon ito sa kaniya at napatingin sa ginagawa niya.

“I like your hair…” naiusal niya habang nakatingin rito.

There it is again, that smile on her face which causes his heart to somersault.

“Salamat,” hinawakan rin nito ang buhok at narahang hinaplos. He looked at her reaction, slowly her smile faded. Para bang may naaalala ito habang nasa buhok nito ang atensyon.

“Caroline… Are you okay? Why are you sad?” nag-aalala niyang tanong rito.

Doon ito natigilan, tila natauhan sa biglang pagbabago ng emosyon.

“Wala naman… naaalala ko lamang ang aking ina.” Binitiwan nito ang buhok at hinaplos na lamang iyon ng isang beses bago ipinirmi ang kamay sa kandungan. “Palagi niya kasing hinahaplos ang buhok ko at sinusuklay iyon tuwing gabi, kapag bibisitahin niya ako sa aking silid. Ginagawa niya iyon para mabilis akong makatulog…”

Ngumiti siya sa sinabi nito. So she’s fond of her mother… that small information from Caroline is making him feel giddy, he wants to know more of her. He wants to do whatever she likes… whatever she hasn’t experienced yet.

“Don’t worry, I will comb your hair every night so you would not miss her that much…  I will take care of you just like your mother does… so don’t be sad, okay?”

Tumango ito sa sinabi niya bago malawak na ngumiti sa kaniya. That’s it, Caroline. Smile. I don’t want to see you upset over anything. If I could do something for you, then I would.

AFTER the class, they went to the cafeteria. Caroline was also with Lawrence and Deacon.

Hindi pa rin napapawi ang pagkamanghang nararamdaman niya habang nakatingin sa paligid. Ang iilang mga istruktura ay hindi na bago sa kaniya, katulad rin ito ng nga nakikita niya sa mga larawang nasa aklat na binabasa niya.

Ang kaibahan lamang sa mga ito ay ang pagiging moderno ng mga estalisyemento na naririto. Abg nga nakita niya ay pawang malalaking palasyo ng bawat kaharian. Ngunit nauunawaan niyang maaring magkaiba talaga ang mga ito dahil siguro sa iba rin ang mundo pinagmulan nila.

Nasa gitna siya nang pagkamangha nang may mabangga siya. Napaingit siya at napahawak sa balikat. Ang nabunggo niya ay natumba sa sahig dahilan para maglingunan ang mga taong nasa cafeteria.

“Paumanhin… hindi ko sinasadya…” naiusal niya at umambang tutulungan ang babae pero sinamaan lamang siya nito ng tingin bago hinawi ang nakalahad niyang kamay.

Napasinghap siya sa pagkabigla. Ang sama ng ugali ng babaeng nasa harapan niya. Hindi niya maatim isipin na isa siyang maharlika ngunit kung umasta ang babae ay tila ba mas nakakaangat ito.

Agad na hinila siya ni Deacon papunta sa likuran nito dahil sa nakita. Ramdam niya ang galit ng lalaki kung kaya ay hinawakan niya braso nito para pigilan sa kung man ang maaari nitong magawa sa babae.

Hindi siya galit sa babae, may pagkakamali rin naman siya at inaamin niya iyon. Nakalimutan niyang tumingin sa daan habang lunod sa pagkanangha sa mga nakikita.

“What the hell do you think you’re doing?” inis na sikmat nito sa babae na agad na bumakas ang takot sa mukha.

Tumingin ito saglit sa kaniya at umiling kay Deacon.

The Vampire's Cursed QueenWhere stories live. Discover now