2

463 8 2
                                    

Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, palagi ko na lang kinekwestyon kung bakit pa ako nabuhay.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dito sa Singapore. Gustong-gusto ko na umuwi ng Pilipinas, pero tuwing binabanggit ko yon kina mommy hindi nila ako kinikibo. Wala na daw naman akong babalikan duon kundi sila, dahil nandito naman ang mga matalik na kaibigan ko.

Ayoko rin naman silang suwayin, baka kasi maging pabigat lang din ako. Baka sobrang busy na nila sa trabaho nila at naisip nilang hindi na nila ako maaasikaso 'di tulad nung dating nasa Pilipinas pa ako.

Baka may tinatago sila sakin.

Mali. Wala naman silang itatago sakin, 'di ba?

Pero bakit pakiramdam ko may kulang sa buhay ko? Dahil ba kay Julia?

Baka nga. Wala akong ni isang knowledge sa nangyayari sa kanya.

Baka talagang gusto ko lang siya masilayan kahit isang beses lang, tapos okay na.

Apat na taon, pero tingin ko baliw pa rin ako sa kanya. Tingin ko mahal ko pa rin siya, pero makukumpirma ko lang yon kung makikita ko siya ulit. I guess?

Ang alam ko lang, dito ako nagpagaling after suffering from a 3-month comatose. Pinadala kaming apat dito nina mommy at daddy. Ako, si Aileen, si Klang, at si Troy. Nalaman ko lang rin sa kanila na gastos ng magulang ko lahat, pati na rin ang pagpapagamot ng tatay ni Troy na nakakapagtrabaho na rin daw kasama nina mommy sa Pilipinas dalawang taon na rin ang nakakalipas.

Gumaling ang daddy ni Troy from some type of cancer I couldn't remember. Not that it matters now, though. His father is completely healthy according to him, and I think he's happy to stay here as a varsity player ng university namin.

Oo nga pala, may laro sila ngayon, kailangan ko na tapusin 'tong schoolworks ko.

"Napakatagal mo naman." Sabi ni Klang nang makalapit ako sa kanila. Hindi pa sila pumapasok sa loob ng venue, at rinig na rinig mo yung ingay sa loob dahil sa hiyawan from both teams.

"Sorry. Tinapos ko muna kasi yung kailangan para hindi na ako mag-alala mamaya." Paliwanag ko. "Malamang kasi niyan, late na naman tayo uuwi."

"Ay oo nga pala!" Napalaki ng mata si Klang. "Bakit kasi 'di tayo magkaklase eh."

Si Klang at Troy pala magkaklase due to their same choice of courses. Sila na rin pala, nagkaaminan sila two years ago. Akala kasi ni Klang sakin may gusto si Troy dati, sa kanya pala.

And Aileen? Wala siyang boyfriend. Or girlfriend. Anyone that I know of, wala. She decided to stick with me kaya siya nag-enroll with same course as mine, pero mukhang 'di naman siya napipilitan. Marami na nga rin siyang kaibigan sa college namin kaya hindi ko siya laging kasama.

Okay lang din naman. May oras akong mag-isa.

"Natahimik ka diyan, Aileen?" Sabi ko. Kanina pa kasi siya 'di nagsasalita mula nung dumating ako.

"Wala." Nasambit niya lang bago napangiti.

"Hay nako, anong wala?" Hinampas ni Klang si Aileen sa braso, bago napairap. "Ang sabihin mo, type mo yung muse ng opponent team."

"Nica, mukhang may papalit na sa'yo sa puso nitong babaeng 'to."

"Ha?"

III: RequitedWhere stories live. Discover now