1

551 11 0
                                    

"Nakatulala ka na naman.."

Inangat ko ang tingin para tignan ang nagsalita. Nakita ko si Aileen na papalapit, bago ito tumabi sakin. Hindi ako nagsalita, bagkus, pinakiramdaman ko lang ang simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha at katawan.

Ano bang dapat kong sabihin?

"Siya na naman ba iniisip mo?"

Hindi ako sumagot. Alam ko namang ayaw nilang iniisip ko siya, kaya hindi na lang ako sasagot. Bigla lang rin naman siyang sumagi sa isip ko.

Kamusta na kaya siya? May bago na ba siyang boyfriend? Girlfriend? Masaya na kaya siya? Kilala niya pa kaya ako?

Minsan ba, sumagi sa isip niyang mahalin ako?

Kaso mukhang hindi ko na ata malalaman ang sagot. Hindi ko na rin naman siya makikita eh. Ayaw na ako pauwiin ng magulang ko sa Pilipinas pagkatapos ng aksidente. Nagtataka nga ako bakit nabuhay pa ako.

May guardian angel ba ako sa likod? Hehe.

Pero sana wala na lang. Gusto ko na rin makasama si Missy at makaalis na mundong 'to. Namimiss ko na yung ate ko. Kwento sakin nina mommy at manang, lagi niya akong binibilhan ng favorite kong chocolate cake, lalo na't tuwing may stars ako from my teacher.

I know this sounds silly, but they told me that every time I got even one star by my teacher, she would immediately buy me one as my reward. Kahit na everyday daw, as long as I show her one, I'd automatically get it. Napakalakas ko siguro sa sister ko, sobrang mahal niya ako.

I wonder sometimes if I made her feel loved enough, or the same amount she made me feel when she was still here in this world.

Wala na kasi akong ibang ideya bukod sa mga kinekwento nila sakin, and only from vague memories I could sometimes remember. Siguro dahil napakabata ko pa nun kaya 'di ko na lahat maalala.

But I've always known that I love her. I don't want to think that I'm loving her just because of so much memories I could barely remember, I love her because she's my sister.

The other thing is, that accident, and the reason she died and left me here in this world. Why was I not brought along with her?

Bakit nga ba ako nabuhay? Do I still need to prove myself to get myself a chance to get to heaven? And that otherwise, I'd be in hell right now?

"Alam mo ikaw, minsan naiinis na ako sa'yo."

"H-Ha?" Napatingin na lang ako ulit sa kanya, wala akong naiintindihan.

"Kanina pa ako nagsasalita dito, tapos ha-ha ka lang sakin?" Inirapan ako nito pagtapos, tsaka siya humalukipkip. Tignan mo 'tong babaeng 'to. Nag-iinarte na naman.

"Teka, asan yung dalawa?" Tanong ko rito at inikot ang tingin sa paligid.

Kakaunti lang ang tao dito sa park sa Bukit Batok. Lahat kasi may mga pasok. Nag-cutting lang naman kami. Kaya patay na naman ako kay mommy nito.

"Hindi makaalis ng classroom nila. Takot sa teacher eh." Sagot lang ni Aileen sakin, bago ako abutan ng ice cream. "Lagot na naman ako kay tita nito. Ikaw kasi Nica eh."

Nica.

"Bawi na lang ako sa'yo, okay?" Nginitian ko siya, pero inirapan niya lang ako, kaya 'di ko naiwasan mapasimangot. "Sus, para namang kaya mo ako tiisin."

"Eh kung tayo na lang kaya?"

Naibaba ko ang hawak na ice cream sa narinig. Masyadong seryoso ang boses niya para i-take ko 'to as biro. Totoo ba 'to? 'Di ko alam ngayon kung paano ko siya tatanggihan, kahit na ilang beses niya na sakin sinabi yan. Madalas kasi tunog biro lang.

Ayoko magsalita, hangga't 'di pa gumagaan pakiramdam ko.

"Eto naman. Masyado kang seryoso. Biro lang yun." Tinulak niya ang balikat ko, dahilan para malaglag yung ice cream ko. "Hindi na kita gusto, matagal na."

Hindi ko na narinig yung susunod niyang sinabi, dahil sobrang hina ng boses niya, tsaka pinulot ko yung ice cream na nalaglag, baka kasi mahuli kami ng matanda dito at pagbayarin pa kami.

"Yuck. Kakain mo pa yan?"

"Hindi 'no. Kadiri ka naman." Tinapon ko 'to sa basura kasama ang supot nito, tsaka naman hinila ni Aileen ang kamay ko at pinunasan ng tissue.

Aangal pa sana ako kundi ko natitigan kung gaano kaseryoso ang mukha niya. Para bang nakatutok siya sa ginagawa niya, kahit na napaka-simple lang nito at kaya ko namang gawin ng sarili ko.

"Ayan, tapos na." Ngumiti siya nang matamis, bago binato ang tissue, narinig ko na lang na pumasok ito sa basurahan.

Pagbalik ng tingin niya'y nakakunot na ang noo niya sakin, tsaka ko lang napagtanto na nakatulala na pala ako. Tumikhim na lang ako para 'di niya ako mahalata, bago tinuro ang bibig niya. "May ice cream ka pa sa bibig. Ano ka, bata?"

"Kanina ka pa nakatingin sa mukha ko, ngayon mo lang sinabi." Pinunasan niya ang labi, kahit na wala naman talaga itong dumi. Palusot ko lang, sakaling maniwala siya. "Bwisit ka talaga."

III: RequitedOnde histórias criam vida. Descubra agora