3

465 9 4
                                    

Nagka-ayaan kaming uminom pagkatapos namin mag-dinner. Nag-celebrate kaming apat sa simpleng kainan lang with Western cuisine, which suits our taste buds the best and is our favorite place to go to. Dun lang din kasi kami naga-agree by choices, bukod sa puro fast food na lang na araw-araw naming pinupuntahan.

Pauwi na kami, at may nadaanan kaming convenient store on the way. 'Di na kasi kami umabot sa grocery dahil napagsarhan na. Si Troy na rin daw ang bahala bumili, kaya kami nakaupo dito sa labas.

Hindi ko alam kung anong meron pero parang madikit ulit si Aileen sakin, at kung bakit gusto ko itong nangyayari.

Wala namang kung ano, mag-kaibigan pa rin kami. Siguro gusto ko lang din ng skin-ship, ewan. Pero mula nung napagpasyahan na namin magkatabi sa buong gabi, hindi niya na ako hiniwalayan, ultimo ang pagkapit niya sa braso ko. Humiwalay lang ang mga kamay niya sakin nung kakain na.

"Nabusog ako.." bulong nito bigla, at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Baka masuka agad ako nito mamaya."

"Hindi yan." Sabi ko naman at ginulo ang buhok niya. Totoo naman kasi. 'Di ba mas okay na busog ka bago ka uminom? Kesa yung walang laman ang tiyan? "Kesa yung gutom ka, mas madali ka malalasing, baka sikmurain ka pa."

Kinurot naman ako nito sa bewang, pero hindi naman ganun kasakit kaya 'di na ako nagreklamo. "Ikaw ha, pa-fall ka talaga." Bulong nito.

Bigla naman nagsalita si Klang na nasa harap namin, at nagpalipat-lipat ang turo saming dalawa. "Kayo ha? Anong meron tonight, ba't ang sweet niyo?"

"Wala. Para namang 'di ka ganto sakin minsan." Sabi ko. Wala namang bago, mas lamang lang talaga si Aileen nang mga ilang pulgada.

"Sa bagay.." Nagtango-tango ang ulo niya bilang pagsang-ayon, pero mabilis niya ulit binaling ang tingin sakin. "Hoy hindi! Gago ka ba? Edi nagselos na si Troy sa'yo? Gusto mo picturan ko kayo para pakita ko sa inyo na mukha kayong mag-jowa?"

"Say cheese!" Narinig kong sabi ni Aileen, at hinapit pa ang braso ko lalo papalapit sa kanya, bago nag-peace sign sa harap ni Klang.

Napailing na lang ako sa kalokohan nitong katabi ko. Kahit kailan rin talaga ang lakas mang-asar, asar tuloy si Klang ngayon. Irap-irap na lang samin.

"Tara na?" Aya ni Troy pagkalabas ng pinto, bago napatingin kay Klang. Umakbay siya rito, at nakita ang nakabusangot nitong mukha. "Oh, anong ginawa niyo rito? Lukot-lukot mukha."

Pagkasabi niya non ay nakatanggap naman siya ng hampas kay Klang. "Ikaw! Isa ka pa!" Isang hampas ulit bago siya tawanan ni Troy. "Napaka niyo talaga eh 'no."

"Napakaganda!" Isa pang hirit ni Aileen, na nagpa-irap lang kay Klang.

My chaotic friends, as always.

Nasa likod kami ni Aileen, sinusundan yung dalawa, habang bitbit ko yung isang plastic na binili ni Troy. Medyo marami rin kasi siyang binili.

"Nakakainggit." Sambit ni Aileen, at naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa braso ko.

Napakunot ako ng noo. "Ang alin?"

"Yung dalawa." Sagot nito, bago pumadausdos ang kamay niya pababa sa kamay ko, na para bang natural na lang sa kanya 'to. "Kailan kaya ako magkakajowa? Para naman may aakbay rin sakin, tapos yayakap, ganon."

Napa-iling ako sa sinabi niya.

"Sus. Yun lang pala hanap mo." Inalis ko ang pagkakakapit niya sakin, bago siya inakbayan. Wala naman sigurong kaso 'to. "Okay ka na? 'Di mo na kailangan mag-jowa."

Hinila niya ang kamay ko na nasa balikat niya, at niyapos ako sa bewang. "Much better."

Namiss ko yung ganito. Namiss ko si Julia.

III: RequitedWhere stories live. Discover now