3.1

222 2 1
                                    


Ang huling pagkakatanda ko, solo ko ang kama ko sa pagtulog.

Pero bakit parang may nakayakap sakin ngayon?

Napadilat ang aking mga mata sa sinag ng araw, at para bang napakabigat ng mga talukap nito. Ramdam ko ang pagpintig ng ulo ko sa sakit, mukhang naparami ata talaga ako ng inom.

Ayoko nang umulit.

Hindi naman talaga ako pala-inom, napasarap lang talaga siguro dahil bihira kaming apat na magkasiyahan dito sa bahay. I have to be the responsible one, pero mukhang pati ako tinamaan ng alak at hangover.

Wala naman sanang ibang nangyari.

Though I highly doubt it, especially when it comes to my best friend and Troy.

 Akala ko dati may nangyayari nung makarinig ako ng kakaibang ingay sa kabilang kwarto.

Pft. May nangyari pala talaga, 'di lang tulad ng inaasahan ko.

Yet, there's this strange feeling of familiarity when I saw them doing the act.

Na para bang hindi unang beses na nangyari yun sa tanang-buhay ko.

Napatingin ako sa kaliwa ko.

Si Aileen lang pala ang nasa tabi ko, tsaka ko lang napansin ang kabilang kamang malinis at walang kagusot-gusot.

Kami na rin ni Aileen magkasama ng kwarto since she and Troy switched rooms. That is, after we confirmed the relationship between the two. Bakit pa ako tututol? It's not like we're still minors na dapat bantayan ang isa't isa.

"Aileen..?" Mahinahong pagtawag ko, pero hindi naman siya gumagalaw, at nanatiling nasa tiyan ko ang braso niya. Aalisin ko na sana 'to pero lalo lang humigpit ang yakap niya sakin.

"Ang liwanag.. wag ka munang umalis."

"I'll fix the curtains so you can sleep more, 'kay?" I removed her arms quickly bago pa siya tumutol, tsaka tumayo para ayusin yung kurtina at masalag ang sinag ng araw. Paglingon ko, nakatingin na siya sakin with her half-lidded eyes.

"Matulog ka pa. Maaga pa." Sabi ko nang makatapat sa kanya, pero bigla niya akong hinila pabalik sa kama, at sa kanya.

Epekto pa rin ba ng alak 'to? Bakit ambilis ng tibok ng puso ko?

"B-Bakit?" Nauutal na tanong ko, pero lalo lang humigpit ang yakap niya sakin, at dumiin ang pag unan niya sa dibdib ko. Hindi siya sumagot, but turns to ask me a question.

"Don't you remember anything from last night?"

Napakunot ang noo ko.

Is it that important to be remembered? Wala akong matandaan.

"Wala akong matandaan eh.. Bakit, may dapat ba akong maalala?"

Napatitig siya sakin nang matagal. Maya-maya'y umupo siya sa kama, at ilang segundo pa bago siya nagsalita. "Wala naman.."

"Doesn't look like it."

Totoo naman. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalinlangan, but I don't want to press anything dahil mukhang wala naman siyang balak sabihin kung ano man ang tumatakbo sa isip niya. Ayoko siyang pilitin magsalita.

"Jen-"

"Hayaan mo na." Tumayo ako bago inilahad ang kamay sa kanya. "Come? Let's cook breakfast."

I don't need to know something that won't benefit my being.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

III: RequitedWhere stories live. Discover now