6th CHAPTER

296 31 4
                                    

Amethyst's POV

"Mag-uumpisa na ang laban!" saad ng emcee at pinatunog nanaman nila ang gong na nasa gilid na sya nanamang kinainis ko.

masakit sa tenga

Nag-umpisa na nga silang magsisugod. Nagkagulo na sa gitna samantalang kami ay nandito parin sa gilid at naghihintay lang. Ako ang nasa harap at nasa magkabilang gilid ko naman sila Lucas at David samantalang sina Manuel at Samuel ay nasa likuran at pinalilibutan namin si Aaron. Nasabi nya kasi na alam nyang makipaglaban ngunit hindi sya ganoon ka bihasa kayat napagpasyahan namin na manatili nalang sya sa gitna namin at maging tagahawak ng makukulekta naming tela.

Plano naming maging buo hanggang sa dulo ng laban kayat napagpasyahan namin ang ganitong estratehiya. Hihintayin lang namin na maubos ang ibang mga kulay at makikipaglaban nalang kami sa matitirang kalaban. Napapansin kong maraming nagtataka kung bakit hindi pa kami gumagalaw gayung malapit ng makalahati ang mga kalahok na naglalaban sa gitna. Lahat ng babae ay natanggal na maliban nalang saakin.

Makakalaban ka ba kung naka high heels, palda, at croptop? sige nga?

May lalaking nagtangkang hablutin ang tela ko pero mabilis ko syang nasuntok sa panga kaya napahiga sya. Pinatungan ko sya at tinanggal ang tela sa braso nya bago kunin ang mga tela na hawak nya. Otomatikong tanggal na sya sa laban kaya't matatalim na mata ang iginawad nya saakin bago umalis at nagpunta sa sulok kung nasaan ang ibang kalahok na natangal na din. Binigay ko kay Aaron ang mga nakuha kong tela kaya nakangiti na tumango sila saakin.

Ilang saglit pa ay pinalibutan kami ng apat na tao, puro mga myembro ng kahel kung saan nagmula ang lalaking napatumba ko. Matalim ang tingin nila saakin na para bang kakatayin ako. Nagsimula silang sumugod at pinupuntirya si Aaron dahil nasa kanya ang nakolekta naming mga tela.

"Wag nyo hahayaang maabot nila si Aaron. Aaron dumipensa ka kung kinakailangan basta hindi nila makuha ang mga tela pati na ang tela mo. Kami na ang bahalang magpatumba sa kanila basta ikaw ay dedepensa." pag-uutos ko at tumango naman sila.

Dahil nga apat lang sila at anim kami, mabilis naming nakuha ang mga tela nila kaya't tanggal na din sila sa laban. Nakangiti naming ibinigay kay Aaron ang mga tela na nakuha namin. Nagulat nalang kami ng biglang may umatake saamin at natanggal ang tela ni David at Manuel. Kaya otomatikong tanggal na sila sa laban. Tinignan namin ang may kagagawan nito at nakitang mga pula ito. Hawak na nila ang tela nila David at Manuel. Pagtingin ko sa dalawa naming kasama ay nanlulumo silang naglakad paalis ng labanan.

Nilibot ko ang tingin sa kaninang pwesto kung saan naglalaban laban ang lahat at napansing wala ng natira. Tanging mga pula at kaming mga lila nalang ang nandito sa gitna.

Pinalibutan kami ng mga pula at napansin ko na lima pa silang myembro. Tanging ang babae lang sa kanila ang natanggal at puro na sila lalaki na mukhang nga barumbado at bihasa pa sa pakikipaglaban. Kumpara saamin na aapat na miyembro tatlong lalaki na may isang hindi masyado marunong sa pakikipaglaban at ako na nag-iisang babae. Kung sa ordinaryong mga tao ay dehado kami pwes mali sila. May tiwala ako sa mga kasama ko.

Pinagitnaan kami ng mga pula kaya gumawa din kami ng bilog at pinagitnaan si Aaron.

"Aaron, sa pagkakataong ito mas importante ang tela na nakakabit sa braso mo kesa sa tela na hawak hawak mo. Ayos lang na maagaw nila ang mga tela basta huwag nilang matanggal ang tela na nakakabit sayo. Naintindihan mo?" Tanong ko rito.

"Oo, naintindihan ko." Sagot nito.

"Samuel, Lucas dedepensa lang din tayo ngayon. Humanap ng tyempo para matanggal ang tela na nakakabit sa kanila." Utos ko. Hindi ko man kita dahil nakatalikod kami pero ramdam ko ang pagtango nila.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon