32nd CHAPTER

305 23 10
                                    

Amethyst's POV

Lumapit ako sa ref at kumuha ng chocolate na para saakin lang. Busy sila sa pagkain at pagkwekwentuhan sa may lamesa. Itong pinsan ko ay puro tanong lang habang itong si Vince ay puro sagot lang. Para syang ginigisa dahil sa ginagawa ni Cast.

"Ikaw pala yung tinutukoy ni Amethyst na bampirang tinutulungan nya." saad ni Cast na may pagtango-tango pa.

"Ikaw Calvin, why are you here?" tanong ni Vince kay Cast.

"Just delivered something to Amethyst." sagot naman ni Cast.

Napalingon lingon pa si Vince sa aming dalawa. Nakasingkit ang mga mata.

"Are you related?" tanong ni Vince.

"Yeah, she's my cousin." sagot naman ni Cast.

Tumang-tango pa si Vince at sumubo pa ng kanin. Saglit na tumahimik ang paligid bago biglang umubo ng umubo si Vince. Agad ko naman syang binigyan ng tubig na inumin. Kinuha naman nya at agarang nilagok.

Sinuntok suntok pa nya ang dibdib nya dahil hindi ata makahinga. Isang beses pa syang uminom ng tubig bago kumalma ang paghinga nya.

"You are Princess Violet??!" nawiwindang na tanong nya.

Muntik ko nang sabihin na tinawag nya akong Princess Violet the night when he attacked a girl kaso naalala kong hindi nga pala nya kontrolado ang katawan nya nang mga oras na iyon at wala syang maalala.

"Lakasan mo pa, hindi ka pa nila naririnig." sarkastikong saad ko dito.

"Sorry princess." saad nito na tumayo at yumuko pa.

"Stop it, I'm not a princess here. Umayos ka." saad ko sakanya.

Umayos naman sya ng tayo pero nakayuko parin, hindi matignan ng diretso ang mata ko.

"Look at my eyes, I'm just a normal creature here and I don't have any title in this world. Treat me like one." saad ko sakanya.

Hindi nya parin magawang tignan ang mata ko at nag-uumpisa na akong mairita.

"I'm sorry, I don't have the courage to look at you eye to eye." sagot nito saakin.

"Then just don't call me princess or Violet, just Amethyst." saad ko. Hindi ako nakikiusap kundi nag-uutos.

Tumango naman sya bilang tugon. Hinila din agad sya ni Cast at pinaupo para kumain.

"Since my cousin saved you, can I ask you a favor?" tanong ni Cast kay Vince na bumasag sa saglit na katahimikan. Napataas ang kilay ko bago umupo sa upuang nasa harapan nila. Hindi maganda ang kutob ko.

"Anything." sagot naman ni Vince.

"Can you be my cousin's sort of guard?" tanong nito.

"Cast!" "Sure." sabay na sagot namin ni Vince.

Mabilis na pumayag si Vince sa hindi ko alam na dahilan, wala man lang pagdadalawang isip. Dahil siguro ay ako ang nagpakawala sakanya sa sumpa.

"I don't need one." saad ko.

"It's my way of paying you back." sagot naman ni Vince.

"Don't bother." sagot ko dito.

"I insist." sagot naman nya na nagawa na akong titigan sa mata.

"Sundin mo ako, I am your princess." saad ko dito.

"You just said a few moments ago that you are not a princess here." sagot naman nya.

I sighed as a sign of defeat and he smiled. What a hardheaded, no wonder nagkasundo sila ni Cast.

After they ate, Cast bid his goodbye and said that he'll come back. Kapal talaga ng mukha, eat and run ang gawain ng magaling kong pinsan.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLWhere stories live. Discover now