13th CHAPTER

290 27 4
                                    

Amethyst's POV

Pagkatapos ng meryenda ay nauna ng umuwi si Lucas dahil may gagawin pa daw sya. Paglipas ng ilang minuto ay isa-isa na ding nagpaalam sina David, Samuel, Aaron at Manuel kaya ang mga myembo nalang ng fightun ang naiwan. Chineck muna nila kung maayos na ba ang lagay nila o kung wala bang masakit sa kanila bago sila nagpaalam na umalis.

Dapat kanina pa nila chineck up yung buong pamilya. Medj shunga.

Inaasahan kona na magpapaiwan si Mark dahil sa taglay nyang kakapalan ng mukha pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pati ang Alpha nila ay nandito pa. Pinagsawalang bahala ko nalang dahil baka hinihintay lang si Mark kaya ibinaling ko sa pamilya ang atensyon ko.

"Tapos na po ba kayo? Ihahatid ko na po kayo sa kwarto nyo para makapag-ayos at makapag-pahinga na kayo." Saad ko na tinanguan naman nila. Akmang bubuhatin ko na ang karton na kinalalagyan ng mga damit nang maunahan ako ni Mark kaya hinayaan ko nalang sya.

Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto para papasukin sila. Pumasok naman si Mark para ibaba ang karton kasunod ng buong pamilya, naiwan naman kami ng Alpha sa may pintuan.

"May sariling banyo po ang kwarto na ito pero kung gusto nyo, pwede nyo paring gamitin yung banyo sa kusina. Kung nagugutom po kayo ay pwedeng pwede nyong galawin ang kung ano mang meron sa kusina. Kung may kailangan po kayo ay nasa kanang kwarto lang ako sa itaas. Wag po kayong mahihiya, ituring nyong parang bahay nyo ito." mahabang litanya ko.

"Maraming salamat sobra sobra na ang tulong na naibigay mo. Napakabait mo, pagpalain ka sana." Sagot ni aling Cory na nginitian ko lang.

Iniwan na namin sila para makapag-ayos na sila at nagtungo sa kusina para mag-ligpit ng mga nagamit. Tinulungan naman ako ni Mark habang nanonood lang ang Alpha.

"Amethyst, for knocking down one of fightun members and entering a burning house to save someone you're something. Something brave, strong, but careless." Saad ng Alpha na englishero pala at may pangalang Hadeus Geolu Wolius.

"Are you praising me or insulting me?" tanong ko ng nakataas ang kilay. Hindi kasi ako sigurado kung iniinsulto ba ako o pinupuri eh.

"Both." Saad nya.

"Well mister Alpha..." Panimula ko na medyo ikinakunot ng noo nya dahil iguro sa itinawag ko sakanya. "your fightun member is weak and yeah, I entered a burning house to save a girl's life so I think I deserve an appreciation for that." sagot ko naman dito.

"Well, you're appreciated." saad nya bago tumalikod at naglakad palabas ng bahay.

"Jerk." Bulong ko sa hangin.

"Nosebleed ako, teka lang nasan tissue?" biglang singit ni Mark na tinatakluban ang ilong akala mo naman ninonosebleed talaga. Napairap nalang ako.

"And a crazy." saad ko.

"Ano? Tinawag mo akon crazy?! Hoy Amethyst! Hindi ako baliw hah!" litanya nya na inirapan ko nalang.

Nag-ayos lang kami ilang saglit bago sya nagpaalam na uuwi na. Umakyat na din ako sa kwarto ko para magpalit at magpahinga. Pagkatapos kong maghugas ng katawan ay nagpalit na ako bago nahiga sa kama. Nagbasa muna ako ng libro na nakastuck sa kwarto na ito pampalipas ng oras pero hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako dahil sa presenya na naramdaman ko sa may kusina ng bahay. Bumaba ako para makita na nagluluto pala si aling Cory. Nang lingunin nya ako ay ngumiti sya.

"Tulungan na po kita." Saad ko na sinagot nya ng pag-iling.

"Umupo ka nalang at malapit ng maluto ito. Kahit sa pagluluto manlang ng pagkain mo ay makabawi ako sa mga kabutihang ginawa mo para sa pamilya ko." Saad nya ng may kasamang ngiti. Ilang saglit pa ay naghain na sya, dumating na din ang asawa at mga anak nya kaya sabay sabay kaming kumain.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLDonde viven las historias. Descúbrelo ahora