31st CHAPTER

354 23 14
                                    

Amethyst's POV

Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba din kaagad ako para kumain. Tanging tsokolate palang ang nakakain ko simula pagkagising at sumabak pa ako sa labanan kanina laban kay Mark kaya't hindi na ako nagtaka ng marinig ko ang pagtunog ng tyan ko at makaramdam ako ng gutom.

Una kong inilagay sa kalan ang kanin para mauna na itong maluto bago naghanda na magluto ng ulam. Pagsasabayin ko nalang ang pagkain ko para sa breakfast at lunch dahil anong oras na din. Pagkatapos nito ay babalik ako sa mansyon para kamustahin si Vince.

Plano kong samahan nalang syang maghunting sa gubat o kung hindi nya kaya ay ako nalang ang pupunta at dadalhin nalang sa kanya ang dugo. Magiging kataka-taka kasi kung nakapakete ang ibibigay ko sakaya gayong wala namang nagtitinda ng ganoon dito at wala din akong pwedeng idahilan dahil alam nilang mangkukulam ako ngunit hindi bampira.

Nang mahiwa ko na ang mga sangkap at maihanda na ang mga rekado ay nag-umpisa na akong magluto ng ulam ko. Kaunti lang ang niluto ko, sakto lamang para saakin. Kung may matira man ay pwede kong ilagay muna sa ref at iinit nalang pag kakainin ko.

Nang matapos ang mga niluluto ay naghain na ako. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang magmuni-muni. Naaalala ko ang mga pagkakataon na kaharap kong kumain ang pamilya ko, minsan lang iyon ngunit masasabi kong masaya ako tuwing sabay sabay kaming kumakain ng mga magulang ko.

Wala akong kapatid, wala din akong masyadong tinuturing na kaibigan. Tanging ang pinsan ko lang na si Cast at ang kapareha nitong si Emerald lamang ang maituturing ko na malapit na kaibigan.

Ang iba'y masyado nang mataas ang tingin saakin at mahahalata ang paggalang saakin na nakakailang naman para saakin. Kung meron mang mga lumalapit minsan ay halata namang mga gusto lang ipagmayabang na kaibigan nila ang prinsesa.

May mga nakakausap din naman akong ibang mga tao ngunit kumpara kina Cast at Emerald ay sibil lang ako sa kanila. Kakausapin ko lang sila at makikipagkamustahan ngunit hindi nagsasabihan ng problema.

Hindi sa ayaw ko sakanila ngunit hindi ko lang din sila gusto.

Kung titignan ay nasa katamtaman lang.

Kaya ngayon ay medyo naninibago pa ako dahil medyo nasanay din ako sa presensya ng pamilya nila aling Cory at mang Eric. Lalo na ang kaingayan ni Jane na naririnig ko tuwing umuuwi ako.

Para akong nagkaroon ng pamilya dahil sa kanila, dahil sa pag-aalaga ni aling Cory at pagiging mabait nila Jane at Jade saakin.

Napabuntong hininga nalang ako ng makaramdam ng pangungulila.

Pagkatapos kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko bago dumiretso sa kabinet para kumuha ng pakete ng dugo. Di na ako nag-abala pang isalin ito sa baso at diretsong ininom nalang ito mula sa pakete nito. Nang matapos ay sinunog ko ang pakete na pinaglagyan ng dugo at tinapon ito sa may bintana.

Hinugasan ko na ang pinagkainan ko, pati na ang mga nagamit ko. Inilagay ko sa rin ref ang natira sa ulam ko dahil pwede ko pa itong ulamin mamaya. Nang matapos ay umakyat ako sa taas para magpalit at mag-ayos. Mabilis lang ang naging paggalaw ko at bumaba din kaagad ako.

Habang naglalakad papuntang mansyon ay syempre nadaanan ko ang maingay na centro. Akala ko talaga noon ay maliit lamang na bayan ang Heimta, hindi lang pala talaga ako lumalabas masyado para mamasyal. Naglakad lang ako hanggang sa makarating sa mansyon, medyo nakakapagod din pala.

Sa bungad palang ay napansin ko nang wala ang karamihan sa mga kalalakihan. Marahil nagpunta sila sa mga bahay nila at ipinagpatuloy ang paglilinis at pag-aayos. May mangilan-ngilan din akong nakitang mga miyembro na pakalat-kalat lang dito sa mansyon, baka nagsi-uwi at mga tulog.

Dumiretso ako sa opisina ng Alpha, balak kong itanong kung nasaan si Vince. Pagkatapat sa opisina nya ay kumatok muna ako bago ito binuksan, hindi na hinintay ang tugon nya.

Pagpasok ay bumungad saakin lahat ng mga pinuno, nandoon sila na animo'y nagpupulong. Lumingon silang lahat sa gawi ko ngunit ipinagsawalang bahala ko ang mga titig nila.

"Nasaan si Vince?" diretsong tanong ko.

"At the last room on the fourth floor." sagot ni Hadeus.

Lumabas kaagad ako nang walang paalam. Dumiretso ako sa fourth floor at bumungad saakin ang mahaba ulit na pasilyo. Naglakad lang ako hanggang sa makarating sa huling kwarto.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang