Obsession 28

850 57 14
                                    

Obsession 28: Fall to bits

Gray's Point of View



Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pagkakatulala sa kawalan. Isang tapik ang gumising sa akin kaya agad akong napaayos. Si Austin pala. Nasa rooftop ako ng hospital



"Nasa baba na sina Sir Eros. Sigurado ka bang mags-stay ka pa rito? Tanong niya sa akin.




Tumango ako. "Gusto ko silang makausap."




"Paano kung hindi sila makipag-usap?" Banat niya pabalik. "Paano kung ipahuli ka nila dahil alam na nilang...may relasyon kayo?"




Tinignan ko siya. "Haharapin ko sila. Hindi ako aalis hangga't hindi ako nakikipag-usap sa kanila."



Tumango siya matapos iyon.



"Ano nga palang plano mo doon sa school pagkatapos na mangyari yung kanina?" Tanong nito matapos ang ilang minutong pananahimik.



Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko pa alam. Pero siguradong tanggal na ako, pati na ang Licenes ko wala na...pero hindi na mahalaga yun, ang inaabangan ko lang ay ang balita tungkol kay Mavis."



Ilang minuto na namang kaming nanahimik bago ko marinig uli ang boses niya. "Gaano mo kamahal si Mavis?"



Kumunot ang noo ko sa tanong nito. "Gaano? Ang masasabi ko lang, mahal na mahal ko siya. Kaya kong saluhin ang bala ng baril at protektahan siya...silang tatlo ng anak at kapatid ko."



"Kaya mo bang malayo sa kanya?"



Napatayo ako dahil doon. "A-anong klaseng tanong ba yan?"




"Sa kalagayan niya ngayon, alam na naman natin kung anong mangyayari sa inyong dalawa. Kaya tinatanong kita. Kaya mo bang malayo sa kanya?"




"H-hindi! Of course hindi!"



Tinapik nito ang balikat ko matapos marinig iyon. "Kung ganoon, paano mo siya mapoprotektahan kung hindi mo kayang malayo siya sayo?"




"Protektahan?" Mas lalo akong naguluhan. Sa sitwasyon naming ito. Hirap na hirap akong sagutin iyon.



"Kung iisipin mong mabuti...malalaman mo ang ibig kong sabihin," saad niya bago tumalikod. "Wag kang mag-alala. Hindi ko siya pababayaan."



Pinanood ko lang siyang maglakad palayo. Kasama nu'n ay ang tila pakong pinupukpok at pilit na nilulubog sa utak ko dahil sa iniwan nitong tanong sa akin.



Prinoprotektahan ko nga ba si Mavis?



_______


Bumaba ako habang tinapangan ang sarili dahil sa posibleng mangyari kapag kaharap ko na ang magulang ni Mavis. Ilang saglit pa ay natanawan ko na ang mga ito.


Nakayuko lang si Mr. Eros habang mahinang kinakausap siya ng asawa. Kasama pa ng ibang kaanak ni Mavis.



Sa paglapit ko ay para akong nanghina. Hindi pa rin lumalabas ang doctor mula sa ER.



"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ng kung sino. Tinignan ko si Mr. Lim na galit na galit na nakatingin sa akin at papalapit sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na ang mabigat na kamao nito sa mukha ko.



Sinapak niya ako.



"Eros! Ano ka ba?!" Pagsaway ng asawa nito sa kanya.



Desire Series 2: Instructor's Obssession (BxB) (Revising)Where stories live. Discover now