Obsession 37

615 44 18
                                    

Obsession 37: Goosebumps


Mavis Point of View



"Hi Mr. Mavis," ani ng asawa ni Mrs. Dahlia. Nilahad nito ang kamay sa harap ko sabay bitiw ng isang ngiti.



Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa takot ko dahil sa nakikita. Totoo ba ito o panaginip lang?




"H-hindi..." Bulong ko.




Nagkatinginan ang mag-asawa. "Mavis, are you alright?" Tanong ni Mrs. Dahlia na tila nag-aalala.



Nababaliw ako ngayon, kung ano ba dapat ang isasagot ko. Kung oo man o hindi. Kung pagtatakpan ko ba ang nararamdaman ko o hindi.




Inalis ni Jason ang kamay na tila napahiya. "I guess hindi siya makita ako," aniya sabay tawa ng mahina.




Pinilit ko ang sarili kahit para na akong naiiyak sa kinauupuan ko. "N-no...m-may naisip lang po ako," pagtanggi ko. "U-upo po kayo, Mr. Jason."




"Jason na lang," aniya sabay upo pagkatapos nitong ipaghila ng upuan ang asawa.




Tumango ako at bahagyang napayuko.




"You know what? I'm glad na nameet mo na ang asawa ko, Mavis. At least familiarize ka na sa magiging business partner mo hindi ba?" Ani Mrs. Dahlia.




Tinignan ko siya habang may pekeng ngiti. "O-oo nga po eh."





"You know what? I'm so excited sa magiging business niyong dalawa," sabat ni Jason sabay hawak sa pisngi ng asawa niya. "Maswerte na dalawa kayong magaling ang nagcollab."



Nakita ko ang matamis na pagngiti ng babae sa kasama.




Napapikit ako at napaiwas ng tingin.



"Mavis, alam mo? Hindi lahat ng tao ay alam ang love story naming dalawa, and I think na ikaw ang isa sa mga deserving na makarinig nito," biglang pag-oopen ng bagong topic nang babae.





Napahawak ako sa walker ko. "I-i think I should go to the bathroom....masakit na kasi ang pantog ko," sabi ko bigla at pinilit na tumayo.



"O-oh...ok, let me help you then," suhestyon ni  Jason.



"I-im fine, kaya ko namang mag-isa," malakas na pagtanggi ko. Hindi naman nakaimik ang lalaki dahil doon. Kahit nahihirapan ay pinilit kong bilisan ang paglayo sa kanila.



Dahil ayokong makita nila ang pagbagsak ng luha ko.



Pagpasok ko sa banyo ay kaagad kong isinara ang isa sa mga cubicle at naupo sa toilet bowl. Doon para na akong tangang humagulgol dahil sa pagtitiis kanina.



Kung siguro may kasama ako sa CR eh pinagkamalan na akong multo.




Wala akong panyo na siyang sasambot ng mga likidong lumulubas sa mata ko. Kaya pinilit kong ipahid iyon gamit ang kamay habang sumisinghot na parang bata. Isang batang inagawan ng candy.





Ilang minuto ang ginugol ko sa pagkakataong iyon. Pero parang oras din ang dumaan dahil sa bigat ng dinadala.



Gusto ko mang pigilan ang sarili ay para akong nawalan ng gana. Nanghihina ako sa nasaksihan.



Si Gray....bakit kamukha siya ni Jayson? B-bakit halos lahat ng detalye ay siyang-siya?




"Hindi pwede, p-patay na si Gray. Nakita ko ang bangkay niya..." Bulong ko sa sarili. "Inilibing siya ng mga kaibigan niya. P-paano—"



Desire Series 2: Instructor's Obssession (BxB) (Revising)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora