Chapter Thirty

150 13 2
                                    


[Marie]


Hawak ni Marko ang bola at maglalayup na sana siya nang nagawa ni Kenji na madaplisan ng kuko niya ang bola dahilan para hindi ito pumasok. Nagawa niyang pigilan ang shot ni Marko ng walang foul.

Pero napansin kong may dugong tumutulo sa daliri ni Kenji. Napansin din niya iyon. Agad akong pumunta sa committee para tumawag ng timeout.

"Hala," napasinghap si Cara nang makita niyang bumuka ang kuko ni Kenji sa middle finger nito.

Naloko na, sa kaliwa pa siya nagkasugat. Kaliwete siya eh.

"Cara, paki lagyan nalang ng bondage. Maglalaro pa ako," sabi ni Kenji. 

"Sigurado ka, kuya? Hindi ba masakit?" 

"Kaya ko," nakangiting sabi ni Kenji.

Although I am very worried of him, I dare not not to tell him to stop playing. I know he needs this fight. Hindi ko siya aawatin.

Ang current score ngayon ay 38-40 in favor of them. Dalawa lang ang lamang nila thanks to Kenji's non stop hard work. I mean-- maganda naman din ang pinapakita ng members namin, pero alam din ng kabilang team na si Kenji ang bumubuhay sa team namin. Kung wala siya, we are done for kaya nagfofocus sila ng sobra sa kaniya. Madalas nilang idouble team si Kenji or minsan... triple team pero nagagawa ni Kenji na gawan ng paraan. 

Up until now... hindi pa rin tumitigil si Kenji sa kakalaban.

One minute nalang ang natitira para sa 2nd quarter nang bumalik si Kenji. Halata sa pagddribble niya na nasasaktan siya dahil bumuka ang kuko niya, pero nagaapoy ang mga mata niya habang lumalaban pa rin.

This is how passionate he is sa larong basketball. 


Natapos ang 2nd quarter sa score na 40-42.

Kinuha ulit ni Kenji ang records ko at saka binasa ito. Katulad kanina, doon siya nagbase ng taktika namin this 3rd quarter. Hindi ko makita sa mga mata niya ang pagod.

Pero kung wala man sa isip niya ang pagod, ang katawan niya ay umiinda na ng unti-unti. 

Nagdugo ulit ang daliri niya dahilan para palitan ni Cara ang bondage at mas higpitan pa ito. Pinayuhan siya ni Cara na magpahinga muna this 3rd quarter, but he insisted on playing. Pero nagpalit na rin kami ng players such as Red to Kian, Tyrone to Nicko and Harold to Kit. 


The third quarter starts at nagpalit din ang myembro ng kabila... pero hindi nawala si Marko. Talagang halata sa mukha niya na nageenjoy siya sa laban nila ni Kenji. Well, same lang din kay Kenji. Halatang nahihirapan siya pero nageenjoy siya sa ginagawa niya.


But you see, I can see now how and why the Golden Salamanders became the provincial champion for a number of years. Napaka bilis nilang kumilos. Kumbaga, naagaw pa lang namin ang bola, mabilis silang nakakapagadjust from offense to defense. Not to mention... ang gagaling din ng shooters nila. They have this number 9 guy na sobrang tangkad at sobrang galing mag three point shot, probably mas smooth pa sa three point shots ni Shane. Hindi rin pepetiks-petiks ang iba nilang members kung kumilos. Lahat... in unison gumalaw. Nahihirapan kaming maka fast break minsan dahil nakakaadjust sila agad sa positioning.

Malakas ang team namin... I know that! Pero ang level ng Golden Salamanders ay kakaiba! Plus they have this beast player in them which is Marko Alonzo. Kanina pa siya naglalaro... pero parang kapapasok lang niya sa game. Hindi siya nauubusan ng energy.

The Playing Coach's Manager (Redo)Where stories live. Discover now