12

754 37 2
                                    

CHAPTER TWELVE

"Kung hindi kayo lumabas sana hindi iyon nangyari!" Napapitlag ako sa malakas na boses ni Vinn. "Hindi mo pa nagawang nagpaalam sa akin na lalabas kayo ni Brylle!" Suminghot ako. "Will you stop crying?!" Tumango-tango naman ako pero sa loob ko, gusto kong pumalahaw ng iyak. 

I was thinking if I had gone wrong and to answer my question, yes. I know it is my fault. I never wanted that incident to happen. 

Kung hindi ko sana siya iniwan sa bench mag-isa nong gabing iyon, hindi sana iyon mangyayari. Kung sana hindi nalang ako bumili ng pagkain noong gabing iyon. Kung sana ako siya nalang ang pinagbili ko ng makakain namin, ako sana iyong nakidnap.

"Bro. Huwag mo siyang pagalitan. Wala siyang kasalanan." Sabi ni Vonn kay Vinn. 

Tumingin sa akin si Vinn, puno ng luha, galit at pagkadismaya ang kanyang tingin. Napayuko ako. "H-Hindi ko gusto na maiwan siya roon mag-isa..." 

"Damnit!" Lahat kami doon ay napapitlag sa lakas ng boses ni Vinn. Except of course his dad, brother, and his guy friends. "Bakit ka pumayag na lalabas kayong dalawa lang? Carrie naman! Diba sinabi ko sa iyo na kung lalabas kayo...magpapaalam ka sa akin o kina dad para may kasama kayo?!" 

"I'm sorry..." Tumingin uli siya sa akin. "I really am sorry." Tumingin akong lahat sakanila. 

Lumapit sa akin si Vinn at saka niya hinablot ang palapulsuhan ko. "Walang magagawa iyang sorry mo! Tapos na! Nangyari na!" 

"Vinn, na-nasasaktan ako." 

Lumapit sa amin sina Mr. at Mrs. Hutton. Umiiyak si Mrs. Hutton sa dibdib ng asawa niya. "After that Vinn... Follow us in the library... And calm down, do not hurt her. She's not at fault." Pagkatapos niyon ay tahimik na umalis silang lahat kasama nila ang mga  kaibigan nila. 

Naiwan kami sa living room ng pamilyang Hutton. Mas lalo akong naluluha dahil natatakot ako sakanya. "Vinn...please?" 

He gritd his teeth. "Please what?" He laughed sarcastically. "Hinihingi mo ang paumanhin ko? Sa tingin mo, kung hindi kayo lumabas hindi iyon mangyayari!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. 

"Ma-masakit..." 

"Mas masakit ang nararamdaman ko dahil nakuha nila ang kapatid ko! Dahil lang sa mag-uusap kayo? Lumabas kayo? Hindi ba pwedeng dito nalang?" 

My tears kept on flowing. "Vinn, let me explain..."

Binitawan niya ang kamay ko saka tumalikod. "Explain then." 

"Lumapit siya sa akin kahapon at sinabing may pag-uusapan kami, Umoo ako kasi mukha siyang seryoso... Lumabas kami ng village niyo...hindi ako nagpaalam dahil tulog kayong lahat...galing ka sa meeting kaya alam kong pagod ka... tapos noong lumabas kami...iniwan ko siya sa bench malapit sa cafe pero pagkalabas ko...na-nakita ko siyang pilit na ipinapasok sa v-van... Tangka akong lalapit pero tinutukan nila ako ng b-baril..." I sobbed hardly. "Hindi ako makagalaw... Kasalanan ko... Sorry..." 

Vinn walk towards me. He held my both shoulders. Napaigik na naman ako... "Natatakot ako sa...iyo." Humikbi ako. Nakatingin lang siya sa akin. "God! Iyong Vinn na minahal ko...good guy iyon eh," Medyo niluwagan niya ang pagkakahawak sa balikat ko. "Hindi ikaw ang Vinn na minahal ko... Ibalik mo sa akin ang Vinn na minahal ko! Please!" 

Vinn Blaze Hutton (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon