Kabanata 7

2.2K 79 5
                                    


Jayden's P.O.V

"Kilala mo yung bagong Prof natin sa Calcu Panget?" Tanong ko kay Alpha pero imbis na sagutin ako ng maayos ay sinamaan ako nito ng tingin. Anong problema niya?

"Uyy panget!" Tinapik ko pa ang balikat niya. Tinalikuran kasi ako ng kupal. Ilang beses ko pa siyang tinapik at tinawag pero hindi talaga lumingon.

"Bahala ka dyan." Naiinis na sabi ko sa kanya at binaling ang tingin sa harap. Bahala siya sa buhay niya. Ayaw niya mamansin edi wag.

Bakit ba ang tagal ng prof? Ke bago-bago late agad. Ano ba yan! Muli kong tinignan si Alpha pero nasa cellphone naman ang atensyon niya. Nakakabaliw naman!

"Guys! Wala daw tayong Prof! May importante daw na pinuntahan! 1hiur vacant tayo!" Malakas at biglaang sigaw ng Class President namin. Dahil sa binalita niya ay karamihan sa amin ay nagsigawan at kanya-kanyang tayo na. Tumayo na rin ako at kinuha ang cp at wallet bago lumabas ng room.

Wala na akong planong hintayin pa si Alpha. Baka mapektusan ko lang dahil sa sobrang lakas ng topak nun.

Balak ko sanang dumiretso sa cafeteria pero bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Kaya naman tinungo ko na ang palikuran.

Papasok na sana ako sa loob ng may marinig akong ingay.

"Arghh- Faster!" Boses iyon ng babae sigurado ako dun. At mukhang gumagawa siya o sila ng milagro sa public. Pota naiihi na talaga ako.

At dahil nga makapal ang mukha ko at talaga namang naiihi na ako ay naglakas-loob akong buksan ang pintuan at pumasok. Puro malalakas na ungol at pagsasalpukan lang ang naririnig ko. At mukhang nasa gitnang cubicle sila dahil nakabukas ang una at pangatlo.

Hindi ko na pinansin ang mga ingay at dumiretso na sa unang cubicle. Nang magsimula na akong umihi ay bigla na lamang natigil ang ingay sa kabilang cubicle. Mukhang alam na nilang may ibang tao dito sa loob ng bathroom maliban sa kanila.

Binilisan ko na ang pag-ihi ko kasi wala na talaga akong naririnig na ingay at mukhang umalis na sila.

Pero dahil di pa ako sigurado kung may iba pa bang tao ay dahan-dahan ko lang na binuksan ang pinto ng cubicle. Pagtingin ko sa harapan ay walang tao at napabuntong-hininga.

"Tsk!" Gulat akong napatingin sa dulo at namula nang makita ang isang lalaking nakapantalon lang at walang suot na pang-itaas. Kitang-kita ko tuloy ang matikas nitong katawan.

Halos tumulo ang laway ko habang pinagmamasdan ang kanyang matitigas na dibdib at walong pandesal sa tyan. Ohmy, Pengeng kanin mga beh! Bumaba ang tingin ko sa kanyang pantalon at napansing may nakabukol dito.

"Saan ka nakatingin?" Biglaang sabi nito dahilan para mapaangat ako ng tingin. Namula ako nang makitang nakangisi ito at nagsimula nang magsuot ng damit pang-itaas. Napakagat na lamang ako ng pang-ibaba kong labi habang pinapanood ang mga muscle niya na nababanat sa tuwing gagalaw siya.

Kung pagbabasehan ko ang itsura niya at katawan siguro ay nasa early 30s or late 20s.

"Bakit nakatayo ka pa dyan?" Matigas na tanong nito sa akin dahilan para magising ako sa katotohanang hindi na ikaw ang mahal niya. Chour! Hindi ko napansing nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal. Nakakahiya! Di ko pa naman siya kilala. Balak ko na sanang lumabas nang bigla siyang maglakad palapit sa akin.

At syempre, Habang palapit siya ng palapit sa akin ay pahakbang palayo naman ang ginagawa ko. Diretso siyang nakatingin sa akin at ganun din ako sa kanya. Hindi ko na namalayang nasa pader na pala ako at nakasandal na ako dito. Huli na rin ang lahat para umalis dahil nasa harapan ko na siya at kinorner na ako sa loob ng kanyang dalawang matitigas na braso. Sarap kurutin kaso nakatitig siya sa akin! Gosh! Feeling ko may dumi sa mukha ko ngayon.

Biglang bumaba ang mukha niya sa akin. Dahan-dahan lang ito at wala akong ibang magawa kung hindi ang mapapikit. Akala ko ay hahalikan ako nito ngunit may binulong ito sa akin.

"Alam mo bang dahil sa ginawa mo nabitin ako?" Bulong nito dahilan para matigilan ako at mapadilat. Pagkatingin ko sa kanya ay nakangisi na ito sa akin at dinilaan pa ang pang-ibaba niyang labi at kinagat pa ito.

Ako lang ba o parang uminit ang paligid? Alam kong inaakit niya ako. Kaso hindi ako marupok noh! Pero once in a lifetime lang pwedeng makakuha ng ganitong chance! At sa isa pang hot daddy! Kaso hindi ako marupok!

"A-Alis na po ako." Sabi ko at tumalikod na. Kailangan ko nang umalis at baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at mahalikan ko siya. Stop being malandi self!

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bigla na lamang niya akong hinigit at mas lalo pa akong nagulat nang isandal niya ako sa pader.

Magkapantay na lamang ang aming mga mukha at sobrang lapit talaga. Sigurado akong namumula ang mukha ko ngayon. At gusto ko nang takpan ang kaso lang ay nasa harap ko pa siya at titig na titig sa akin.

Yes mga beh! Nakatitig siya sa akin na para bang leon at gustong-gusto na akong kainin. Hindi po ako mesherep deddy~

I mentally slap my face dahil sa mga naiisip ko. Puro kalandian nalang talaga ang napasok sa utak ko.

"Alam mo bang nabitin ako dahil sa pagdating mo kanina?" Seryosong tanong niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko na napigilan pa at ilang beses lumunok. Parang may nakabara sa aking lalamunan at hindi ako makapagsalita.

Grabeng kaba rin ang aking nararamdaman at nag-uumpisa na rin akong pagpawisan. Nang hindi ko na matagalan pa ang titig niya ay binaba ko na ang ulo ko at yumuko.

Nagulat na lamang ako ng hinawakan niya ang aking baba at itinapat ang aking mukha sa kanya.

Wala na akong ibang nagawa pa kung hindi mapatingin sa kanya at mapatitig sa kanyang magagandang mga mata.

Para bang inaanyayahan ako nitong mas lalo pang lumapit at nang bumaba ang aking tingin sa kanyang mga labi ay sakto rin na dinilaan niya ito ng labi at ngumisi sa akin.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at ilang beses na napalunok. Gusto ko siyang halikan. Pero alam ko kung anong consequences ang mangyayari pagkatapos.

Dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha at dahan-dahan ang paglapit nito sa akin. Napapikit na lamang ako at hinintay ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin.

Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang malambot niyang labi sa akin at marahan akong hinalikan.

At dahil hindi ko alam ang gagawin ko at tila ba nablangko ang isipan ko. Nakatayo lamang ako na parang estatwa habang hinahalikan niya. Tuod kumbaga.

Nang siya na ang humiwalay ay dahan-dahan kong idilat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang nakangisi niyang pagmumukha.

"Your lip's tastes sweet." Nakangiti nitong sambit at dinilaan pa ang kanyang pang-ibabang labi. Hindi ko alam ang sasabihin ko at sigurado rin ako na mapula ang aking mukha dahil sa ginawa niyang paghalik at pagpuri sa akin.

"Alis na ako." Hindi ko na siya napigilan pa nang magsimula na siyang maglakad palayo at lumabas ng banyo. Doon lamang ako natauhan at napabunot pa sa sarili.

Ang tanga! Hindi ko manlang natanong ang pangalan niya! Ang hina mo self!

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

The Hot Professor | Book 1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن