Kabanata 10

2.1K 71 2
                                    


Jayden's P.O.V

Nakadukdok ang mukha ko sa upuan at nandito ngayon sa loob ng classroom. Medyo inaantok pa ako dahil nag movie marathon pa kami ni Kuya Eros kagabi.

Dapat ay isang movie lang ang balak naming panoorin kaso ay nag-enjoy kami at umabot kami sa tatlo.

Ngayon tuloy ay masakit ang mata ko at ulo. Medyo nahihilo din ako kaninang umaga, Dapat ay hindi ako papasok kaso nga lang ay 2nd day palang ngayong sem nakakahiyang umabsent.

"Goodmorning." Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya naman tinaas ko ang aking tingin. Si Prince pala, Siya yung kaibigan ko kaso nga lang ay absent siya kahapon. Bakit kaya?

"Goodmorning din." Bati ko sa kanya at nginitian siya. Ngumiti din siya sa akin pabalik at umupo na sa tabi ko.
Muli kong binaba ang aking ulo at ipinikit ang aking mga mata. Hays, Ang sakit talaga. Nakakapangsisi tuloy na pumayag pa akong mag movie marathon kagabi.

Kung alam ko lang na ganito sasakit ang mata at ulo ko. Buti nga si Kuya Eros hindi ganto eh! Parang ang ganda pa nang gising niya at sobrang energetic pa. How to be you po?

Ilang minuto din akong nakadukduk nang may naramdaman akong kalabit kaya naman muli kong iniaangat ang aking ulo.

Nakaturo at nakanguso si Prince sa harapan at nandoon na ang unang Professor namin. Tinignan ko ang upuan ni Alpha at napabuntong-hininga.

Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Mukhang seryoso ang problema at talagang umabsent pa siya. Matagal ko na siyang kilala at hindi niya ugaling umabsent maliban nalang kung importante o di kaya ay may sakit siya.

Siguro ay itetext ko nalang siya mamaya or tatawagan. Ibinaling ko na ang aking tingin at atensyon sa harap.

Matapos ang isang oras na pagpapaliwanag tungkol sa magiging aralin namin ay agad na itong nagpaalam at umalis. Mabuti nalang talaga at puro paliwanag lang ang ginagawa ngayon araw.

Dahil paniguradong wala akong maiintindihan kapag discussion or topic na ang pinag-uusapan, Masyadong lutang ako ngayon para makinig pa.

"Kamusta na ang bakasyon mo?" Tanong ko kay Prince dahilan para makuha ko ang atensyon niya. Nagbabasa kasi ito nang libro at sigurado akong tungkol lang iyan sa academics. Which is I understand naman dahil matalino siya at masipag at medyo grade conscious. Slight lang naman.

"Maayos naman, Kasama ko lang yung mga pinsan ko sa loob nang dalawang linggo." Ani nito at tumango-tango naman ako. Naalala niyo yung lalaking pinag-uusapan namin ni Kriza na si Ace? Isa yun sa mga pinsan nitong si Prince.

Actually kilala silang magpipinsan dito sa campus. Lahat kasi sila ay dito nag-aral at nag-aaral. Alam niya rin na kaibigan ko si Kriza, Ex nung pinsan niya. Aksidente ko ring nakwento sa kanya noon ang nangyari between Kriza and his cousin Ace.

Medyo madaldal kasi ako at hindi ko makontrol ang bibig ko pagdating sa chismis.

"Saan kayo nagbakasyon?" Tanong ko sa kanya. Habang hinihintay ko ang sagot niya ay may napansin akong kakaiba sa leeg niya. Tinitigan ko pa itong mabuti upang makompirma.

Lihim akong napangiti nang tumama nga ang hula ko. Mamaya ay magpapakwento ako sa kanya at hindi ko siya titigilan.

"Sa mansyon na pag-aari naming magpipinsan. Sa Batangas." Sabi nito at tumango-tango naman ako. Actually hindi na ako ganoong ka interesado sa sinasabi niya. Mas interesado na ako sa nasa leeg niya.

"Are you in a relationship?" Tanong ko sa kanya at napansin kong bahagya siyang natigilan. Napangiti nalang ako sa kanya at pinaningkitan siya ng mata.

The Hot Professor | Book 1Where stories live. Discover now