Kabanata 24: Part 2

1.3K 52 4
                                    


Jayden's P.O.V

It's already 10am. Nandito kami ngayon sa isang mall upang mag-grocery, Sa totoo lang ay nagtataka ako sa sarili ko.
What I mean is, Bigla nalang akong nagkalagnat then after just 1 night poof bigla nalang akong gumaling.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ako nagkalagnat, Ang naiisip ko lang na dahilan ay baka sa sobrang pagod dahil sa mga nangyayari these past few days.

Napabaling ako sa lalaking katabi ko ngayon na naglalakad. Hawak-hawak nito ang aking kamay at magkasaklop pa ito kasama ng sa kanya. Akala ko ay nagbibiro lang siya noong sinabi niyang handa siyang patunayan na mahal niya ako at handa niyang ipagsigawan sa mundo na minamahal niya ako.

Pero ngayon, Magkasaklop ang aming mga kamay sa harap ng maraming tao. Sa tuwing may nakakasalubong kami ay agad kaming pinagtitinginan ang aming kamay na magkadikit.

Karamihan pa sa kanila ay tila ba gulat na gulat sa kanilang nakikita. Bakit ba gulat na gulat silang makakita ng dalawang nagmamahalan na parehas ang kasarian? Nagmamahalan talaga self?

Hindi ko naman na itinatanggi na nahulog na ako sa kanya kaya sa tingin ko ay ayos lang na gamitin ko ang salitang nagmamahalan.

Bakit kaya kontrang-kontra ang mga tao sa same sex- relationship or same sex- marriage? Ang dahilan pa nila ay labag daw ito sa utos ng Diyos.

Hindi ba't labag rin naman sa patakaran ng Diyos ang pagpatay? Pero bakit gusto nilang ipasa ang Death Penalty? Nakakatawa hindi ba?

At kung talagang labag ito sa panginoon ay bakit pa natin ito nararamdaman? Sa orihinal na bibliya ay may nakasulat rin tungkol sa dalawang lalaking nagmamahalan. Ngunit sa paglipas ng panahon at nang binago ang iba sa nilalaman nito, Binago na rin ang pananaw tungkol sa mga usaping ito. Marami ring discrimination ang nagaganap hindi lang dito kung hindi sa iba't ibang panig ng mundo.

Kakaunti na lamang at bilang na lamang sa daliri ang mga lugar na tanggap ang mga katulad ko. O ang mga kasapi ng LGBTQIA Community. Pero kahit ganun ay masaya pa rin ako dahil meron pa ring mga taong tanggap ang mga katulad namin.

Kaya naman kung isa kang Bisexual, Gay, Lesbian, Asexual, Pansexual etc. Don't be afraid for who you are. Love and embrace yourself. Cause baby we are born this way.

"Hey ang lalim ng iniisip mo." Nakakunot na sambit ni Nigel. Agad na lamang akong napailing dahil mukhang nalunod na naman ako sa aking iniisip.

"Pasensya na, May sumagi lang sa isipan ko. Tara na." Sabi ko na lamang. Ngayon ko lang din napansin na nandito na kami sa harapan ng grocery store kaya naman agad ko siyang hinila papasok.

Ako na rin ang kumuha ng push cart na gagamitin namin. Itutulak ko na sana iyon kaso agad itong inagaw ni Nigel at siya na daw ang magbibitbit hindi na rin naman ako umangal at agad itong ibinigay sa kanya.

Wala kaming listahan na dinala o ginawa. Parehas kami kaming dalawa na hindi na nagpaplano kung ano ang bibilhin, At kung ano nalang ang maisipan at alam naming kakailanganin namin ay ayon na lamang ang aming kukuhanin.

Una kaming nagpunta sa mga frozen foods. Mostly sa mga kinuha niya ay pangprito lang at isang kilong isda at isang kilong karne ng baboy ang kinuha niya. Pagkatapos doon ay agad kaming lumapit sa mga gulay, Hinayaan ko na lamang siya sa pagpili doon dahil wala naman akong alam sa mga lulutuin niya.

"Saan naman tayo?" Pagtatanong ko sa kanya matapos niyang makuha lahat ng gulay na kailangan niyang bilhin. Agad niya namang itinuro ang mga lagayan ng mga seasonings na ginagamit rin sa pagluluto. Magic sarap, sinigang mix etc.

"Snacks gusto mo?" Pagtatanong nito sa akin. Agad naman akong tumango sa kanya kaya naman agad kaming nagtungo sa stalls na pinaglalagyan ng mga snacks.

Kumuha lang ako ng dalawang sprinkles at isang balot ng biscuit. Nag ikot-ikot pa kaming dalawa, Habang nag-iikot kami ay patuloy pa rin kaming tinitignan ng mga tao. Paano ba naman kasi, Hanggang ngayon ay holding hands pa rin kaming dalawa.

Isang kamay ang hawak niya sa aking kamay habang ang kabila naman ang ginagamit niya sa pagtulak ng push cart na pinaglalagyan ng mga bibilhin namin.

"Alam mo kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao." Seryoso kong sambit dahilan para mapabaling ang tingin nito sa akin.

"Huh? Pabayaan mo nalang sila. Wala silang magandang idudulot sa atin. Mas mabuting wag nalang natin silang pansinin." Tumango na lamang ako sa sinabi niyang iyon. Sinabi ko lang naman iyon dahil akala ko ay hindi niya napapansin ang mga mapanghusgang mga tingin na ipinupukol sa amin sa tuwing may makakasalubong kami.

Unti lamang ang mga tao kong nakita na nakatingin sa amin ng may ngiti sa kanilang labi, Mga taong masaya na makita kaming dalawa na masayang magkasama na hindi pinapansin ang sinasabi ng ibang tao. Well ako pinapansin ko.

Sa totoo lang wala naman talaga akong paki sa mga sasabihin nila. Ang sa akin lang, Wag silang mangialam sa buhay ng iba. At wag nilang husgahan ang mga taong hindi naman nila kilala pero kung magsalita ay akala mo alam na nila ang buong kwento ng pagkatao mo.

"Tara na." Pagyayaya ko sa kanya. Nakuha na kasi namin lahat ng bibilhin namin at magbabayad na lamang sa counter. Mabuti na lamang pagdating namin ay maikli lamang ang pila at wala pang limang minuto ay kami na agad ang nakasalang.

"That's 2, 307 pesos po in total." Nakangiting saad ng cashier. Agad namang nagbayad si Nigel at hinintay na matapos ang pagbabalot nila.

"Sir bagay po kayong dalawa. Kitang-kita ko po na mahal na mahal ninyo ang isa't isa." Natigilan kaming dalawa ng marinig ang sinabi ng lalaking nagbabalot ng aming mga pinamili. Nagkatinginan kami ni Nigel at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti.

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

The Hot Professor | Book 1Where stories live. Discover now