Kabanata 20

1.5K 61 0
                                    


Jayden's P.O.V

"Bukas nalang, Mauuna na ako may gagawin pa ako eh!" Pagpapaalam ni Prince kaya naman agad akong tumango at ngumiti sa kanya. Agad naman nitong kinuha ang kanyang mga gamit at tumakbo palabas.

May date yun sigurado ako. May nabasa kasi akong text kanina sa cellphone niya at may nickname pa na "Hubby♥️" na nakalagay dun. At syempre dahil di naman ako chismoso. Slight lang, Di ko na inungkat pa dahil ayaw ko namang manghimasok sa relasyon ng iba.

Kahit kating-kati na akong malaman ang lovelife ng pakening bestfriend ko na yun ay pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka magalit o kaya naman ay hindi pa siya handang mag-kwento.

Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay agad na akong tumayo at lumabas ng room.

Mabagal lang ang aking paglalakad papunta sa parking lot, Pinapanood ko lang ang ibang mga estudyante sa kanilang gawain. Yung iba nagkwe-kwentuhan, Yung iba naman naglalandian at meron pa ngang naglalaro lang.

Unti lang ang makikita mong estudyante na may hawak na libro. Yung tipong isang tingin mo palang alam mo nang seryoso talaga sa pag-aaral.

"Jayden sandali!" Isang pamilyar na boses ang aking narinig dahilan para mapalingon ako sa aking likuran. Si Nigel pala ang tumawag sa akin.

"Ano pong kailangan niyo SIR?" Tanong ko sa kanya. Madiin ang pagbigkas ko sa salitang Sir dahil katulad ni Alpha ay hindi ko rin siya kinakausap nitong mga nakaraang araw.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong nito sa akin. Ako naman ay hindi alam ang isasagot.
Dapat ko bang pagbigyan ko siya sa kagustuhan niyang makipag-usap?

Siguro ay tama ngang mag-usap kami upang matapos na ang hindi namin pagkakaunawaan.

"Sige po." Sagot ko sa serysong tono agad naman siyang tumango at sinabing sumunod ako sa kanya. Nauuna itong maglakad habang siya ang nangunguna.

Sigurado akong sa faculty building ang aming pupuntahan dahil ang daang tinatahak namin ngayon ay ang daan patungo doon.

Hindi nagtagal ay narating na namin ang faculty building at umakyat sa 3rd floor gamit ang hagdanan. Ang faculty building ay ang building para sa mga professor. Dalawa ito at parehas na may 4 na palapag. Sa bawat palapag ay merong tatlong silid para sa bawat isang professor.

Naglakad siya papunta sa huling silid at agad na binuksan ito. Dito siguro ang silid niya, Nang pumasok siya ay agad na akong sumunod at siya pa ang nagsarado ng pinto.

"Bakit mo po ini-lock SIR?" Pagtatanong ko dahil kataka-taka ang ginawa niyang iyon. Bakit kailangan pang i-lock ang pinto kung mag-uusap lang kami?

"Usap nga lang ba talaga?" Pagsabat ng isip ko. Aba alam kong medyo mahalay ang utak ko pero para mag-isip ng ganto?

"Drop the SIR, Call me Nigel kapag tayong dalawa lang." Matigas na saad nito. Nakaramdam ako ng kaunting kaba sa sinabi niya ngunit hindi ko ito ipinahalata.

"SIR, Nasa loob po tayo ng university at napakawalang respesto at galang ko naman PO kapag iyon ang tawag ko sa inyo." May diin kong pagkakasabi sa kanya at napansin kong kumuyom ang dalawang kamao nito. Nagalit ko ba siya?

"Ano po bang pag-uusapan natin SIR?" Pagtatanong ko sa kanya at diretso siyang tinignan sa mata. Kasalukuyan siyang naka-upo sa kanyang upuan at nakapatong ang kanyang mga siko sa lamesa at nakapatong ang baba sa kanyang kamay.

Habang ako ay nakatayo sa harapan ng lamesa niya. Hindi na ako nag-abala pang umupo dahil gusto ko nang tapusin agad ang usapang ito.

"Tungkol ito sa gulong nangyari ng nakaraan." Seryosong sambit nito. Hindi muna ako nagsalita o sumagot. Hinintay ko lamang ang susunod niyang sasabihin. "Siguro sa ngayon ay naguguluhan kapa sa nangyayari, At kung bakit kami tila ba magkakilala."
Pagpapatuloy nito. Mukhang totoo nga ang hinala kong may ugnayan sila. Pero ano iyon? At bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang pagkakakilala nila sa isa't isa?

"Kaano-ano niyo po ba si Alpha? May ugnayan po ba kayo sa kanya Sir?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magtanong sa kanya at mukhang inaasahan niya na din ang tanong ko sa kanya dahil agad itong sumagot.

"Pamangkin ko siya. Nababatang kapatid ako ng kanyang Ina." Sagot nito at hindi ko na napigilan pang magulat at magtaka sa kanyang sagot. Pamangkin niya si Alpha? At nakababatang kapatid siya ni Tita Kylie?

At kung talagang pamangkin niya si Alpha at Tito siya ng matalik kong kaibigan ay bakit ganoon na lamang sila magsigawan? May away ba o gulong namumuo sa pagitan nila?

"May hindi po ba kayo pagkakaintindihan ni Alpha? Hindi po ba kayo magkasundo Sir?" Dagdag na tanong ko pa ngunit itinaas lang nito ang kamay nito na wari'y pinapatigil ako sa pagsasalita.

"I told you. Stop calling me Sir kapag tayong dalawa lang." Natulala ako saglit sa tinuran niya ngunit agad itong binaliwala.

"May samaan po ba kayo ng loob ni Alpha Sir?" Pagtatanong ko ulit ngunit nabigla ako ng bigla itong tumayo. Seryoso ang mukha nito at mariing nakatitig sa akin.

Hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa kaba. Kakaiba ang paraan ng pagtitig nito sa akin. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa akin dahilan para mas lalo akong makaramdam ng kaba.

Tila ba natuod ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa seryoso niyang mukha na nakatitig din. Ang lakas ng tibok ng puso ko at sobrang bilis ng pagtibok na tila ba nakikipag-karerahan.

Pinagpapawisan na din ako at nang ilang hakbang nalang ang layo niya sa akin ay tsaka pa ako nagkaroon ng kaunting lakas upang humakbang palayo sa kanya.

Dahil sa ginawa kong iyon ay mas lalong naging mabilis ang paghakbang niya papalapit sa akin kaya wala na rin akong ibang nagawa kung hindi ang humakbang pa palayo sa kanya.

At sa kamalas-malasan pa ay naramdaman ko na ang matigas na pintuan sa likod ko at nasa harap ko na mismo si Nigel na mariing nakatitig sa akin habang may mababakas na ngisi sa kanyang mga labi.

"S-Sir masyado kayong malapit." Kinakabahan sabi ko sa kanya at napahawak sa kanyang matigas na dibdib. Itinulak ko ito ngunit hindi manlang siya natinag sa kanyang kinatatayuan.

"Sinabi ko na sayo. Stop calling me Sir kapag tayo lang dalawa. Wifey." Tila ba nabingi ako ng marinig ko ang huling sinabi nito. Wifey? Asawa? Anong ibig niyang sabihin? May gusto ba siya sa akin? Imposible. Hindi ko alam.

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang kanyang malambot na labi sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin kung itutulak ko ba siya o tutugunan ang kanyang halik.

At dahil tumatagal na ang labi niya sa akin ay napagdesisyonan ko nalang na pumikit at dinama na lamang ang malambot niyang labi.

At lasapin ang masarap at mainit niyang halik.

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

The Hot Professor | Book 1Where stories live. Discover now