Chapter 1

592 7 0
                                    


Sa isang malayong kaharian ng Amaris ay may naninirahan na isang napakagandang sanggol na sa tuwing pagmamasdan ay para bang nakatingin ka sa isang angel. Taglay nya ang tunay na kariktan na talagang pinakakaiba sa lahat. Palagi syang humahagikhik sa tuwing karga sya ng kanyang amang hari na tila ba pag-asa ang dala nya sa buong kaharian.

"Nakakatuwa talagang pagmasdan ang prinsesa ko. Natitiyak kong mas gaganda pa siya sa kanyang pagdadalaga," sabi ng hari.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto. Dahan-dahang ibinaba ng hari ang sanggol sa malambot nitong higaan na nababalutan ng gintong tela.

Lumapit sya sa pinto at sa pagbukas nya ay bumungad sa kanya ang kaniyang mayordoma. "Ah ikaw pala Philomena... Bakit mo'ko hinahanap?"

Tagasilbi si Philomena sa kaharian pero kahit ganoon ay di sya mukhang utusán dahil di pa sya ganon katanda at isa pa ay may hitsura sya. Mahaba ang kasuotan nya at ang kanyang buhok ay nakaipit pabilog sa kanyang ulo.

"Mahal na hari, mayroon po kayong bisita galing daw po sa kaharian ng Albania."

"Ganon ba. Pababa na rin ako. Hinintay ko lang makatulog si Larisa."

Nilisan nila ang kwarto habang naiwan  mag-isang natutulog ang sanggol. Sa katahimikan ng gabi ay bumukas ang bintana at pumasok ang malamig na hangin.

Sa isang iglap ay may sumulpot na mahikero na nakasuot ng itim na damit na hanggang sahig ang haba. Siya si Clint na medyo palabiro, hindi pa sya ganoon katanda at halos wala pa syang mga kulubot sa mukha.

Lumapit sya dahan-dahan sa tabi nito upang hindi nya ito magambala sa pagkakahimbing. "Siya pala ang prinsesa... Tunay ngang napakaganda nya. Ano kaya kung bigyan ko sya ng isang handog."

Kinuha nya sa kanyang bulsa ang isang kwintas na may palawit na batong hugis pabilog. Hindi ito mukhang mamahaling bato subalit may halaga naman ito sa kanya. Saka nya isinuot ito sa leeg nito. "Para sa'yo yan mahal na prinsesa. Ingatan mo sana yan."

Pagkabigay ng kwintas ay naglaho syang parang bula at muling sumara ang bintana. Ilang saglit pa ay kuminang ang palawit ng kwintas. Nagliliwanag ito na animoy isang makinang na tala.

Kinaumagahan, maagang nagpunta ang hari sa silid ng sanggol dala-dala ang isang magarang kasuotan na kulay rosas. "Sigurado akong babagay ito sa aking unika iha." Paglapit nya ay tila ba may napansin sya na noon lang nya nakita. "Aba! Paano ka biglang nagkaroon ng kwintas dyan sa leeg mo? Sino naman kaya ang nagbigay sa'yo nyan?"

Nakangiti lang ang prinsesa habang nakatingin sa kanya ang hari.

Tatanggalin sana nya ang kwintas pero biglang naman umiyak ng marahaan ang sanggol kaya hinayaan na lang nya na nakapalamuti ito. "Siguro gusto mo talaga yang kwintas na yan at ayaw mong ipahubad sa'kin." Binihisan na nya ito ng magarang kasuotan at saka nya kinarga pababa ng pasilyo.

May pagtitipon sa palasyo at engrande ito. Maraming mamahaling pagkain ang nakahain at pilí lang ang mga imbitado. Sa araw na ito ay ipapakilala ang prinsesa sa buong kaharian ng Amaris. Magagarbo ang kasuotan ng mga bisita dahil karamihan sa kanila ay mula sa maharlikang angkan.

Inihiga na nya ang sanggol sa kuna nito na gawa sa ginto saka nya nilapitan ang ibang panauhin.

Samantala palihim naman na dumalo si Clint. Nagbihis sya ng kagaya ng mga tao sa palasyo at ginamitan nya ng mahika ang kanyang imbitasyon upang papasukin sya ng nagbabantay na gwardiya. "Grabe pala talaga dito sa palasyo. Ang sarap ng mga pagkain parang gusto ko tuloy ipabalot ang mga malalaking sugpo at pusit na ito."

Nagbubulungan naman ang iba pang mga bisita at pinagti-tyismisan nila ang prinsesa dahil sa kanyang kagandahan. May mga lumapit na maharlika para saglit na masdan siya. "Naku! Buti na lang at wala syang nakuha ni anumang features mula sa hari."

Charming WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon