Chapter 8

116 4 0
                                    


Ito na yata ang pinakamalungkot kong umaga dahil sa araw na ito ay mababago ang takbo ng aking buhay. Buo na ang desisyon ko na iwanan ang nakasanayan kong ama na nagpalaki sa'kin at nag-aruga.

Sa pag-alis kong ito ay handa ko ng talikuran ang karangyaan na kinasanayan ko at sisimulan ko ng hanapin ang tunay kong pinagmulan. Hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran ko subalit matibay parin ang paniniwala ko na mahahanap ko ang tunay kong mga magulang.

Alam kong hindi ko madadala lahat ng mga gamit ko lalo na ang mga magagara kong kasuotan kaya pumili na lang ako ng mga simpleng damit na magagaan na maaaring mailagay sa aking bag.

Muli akong humarap sa aking salaminan at pinagmasdan ang aking mukha dahil ito na ang huli kong pananalamin sa palasyong ito. Buo na ang loob ko at wala ng makakapagbabago ng aking desisyon.

Bago muna ako lumisan ay minabuti kong gumawa ng liham sa gayon ay malaman ng hari ang dahilan ng aking pag-alis.

'Mahal kong Amang Hari,
Alam kong sa mga sandaling binabasa ninyo ang sulat kong ito ay nakalisan na ako sa palasyo. Paumanhin at hindi na'ko nakapagpaalam ng maayos dahil mas pinili kong ilihim ito upang sa gayon ay hindi nyo ako mahadlangan. Alam kong sa oras na malaman nyo ang aking desisyon ay hindi nyo ako papahintulutan at mas gugustuhin nyo na manatili ako sa palasyo kasama nyo. Buo na ang aking pasya at aking ikakasiya kung mahahanap ko ang aking mga magulang. Ngunit hindi ko parin nakakalimutan ang mga mabubuting naitulong nyo sa'kin kaya mananatali parin kayo sa aking alaala.'

Ipinatong ko ang aking liham sa aking higaan at pagkatapos ay naglaho na ako. Malayo-layo narin ako sa palasyo at sa paglalakad ko ay tinatahak ko ang daan patungo sa bahay ni Clint. Hindi nya alam na pupuntahan ko sya at isasama sa aking paglalakbay.

Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko syang nakahiga pa sa kama nya kaya ginising ko sya. "Tanghali na, gumising ka na dyan dahil may pupuntahan tayo," sabi ko habang inaalog ang kanyang balikat.

Naalimpungatan naman sya at dahan-dahan nyang ibinukas ang kanyang mga mata. "Ay naku! Andito ka pala. Anong sadya mo at agang-aga ay napabisita ka. Magpapaturo ka ba ng salamangka?"

"Ano kasi...isasama kita sa paghahanap ko sa mga magulang ko, kung ok lang sayo."

"Ha! Lumayas ka sa palasyo. Naku! Lagot ka sa hari nyan. Saglit lang at mag-aayos lang ako ng mga dadalhin ko."

"O eto, nagdala na ko ng agahan mo. Alam kong di ka pa nakakaluto para bago tayo umalis ay may laman yang tiyan mo."

"Salamat ha. Maaalahanin ka talaga."

Nang nakagayak na sya ay umalis na kami ng bahay nya at nagsimula na kaming maglakbay.

"Teka ka lang, prinsesa. Bago ko makalimutan, wala bang iniwan sa'yo ang mga magulang mo na makakapagpatunay na anak ka nga nila?"

"Wala eh, wala namang naibigay sa'kin ang hari ni anumang bagay tungkol sa aking mga magulang."

"Hala! Para tayong naghahanap nito sa dilim ha. Ah! Alam ko na, bakit hindi kaya tayo pumunta sa aking master at magtanong. Baka may alam syang paraan para matulungan nya tayo."

"Maganda yang ideya mo. Sana nga matulungan tayo ng master mo. San ba sya nakatira?"

"Sa pagkakatanda ko ay sa kabila pang bayan sya nakatira. Siguro kung lalakarin natin ay aabutin tayo ng dalawang araw."

"Malayo din pala ang bahay nya. Pero ayos lang kasi gusto ko talagang mahanap ang mga magulang ko."

Naglakad kami ng naglakad at sa tuwing nakakaramdam kami ng pagod ay saka naman kami nagpapahinga. Inabot kami ng gabi sa daan at nag-iba na ang aking itsura.

Charming WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon