Chapter 23

76 4 0
                                    


Madaling lumipas ang tatlong araw. Ito ang itinakda kong panahon upang hanapin namin si Evanora. Nasa palasyo ako at nakahiga sa aking silid. Patuloy pa rin akong nag-iisip kung pano ko malalaman ang kanyang kinaroroonan.

Mamaya na ang alis namin pero wala pa rin akong ideya kung saan ba namin matatagpuan si Evanora. Anong gagawin ko?

Nagbalikwas ako sa hinihigaan ko at naisipan kong halungkatin ang mga luma kong mga gamit. Sa patuloy na pagkalkal ko ay may umagaw ng atensyon sa'kin. Nakita ko ang kasuotan ko nung ako ay sanggol pa lamang. Marangya ito kaya naisip kong ito ang isinuot sa'kin noong aking unang kaarawan.

Kinuha ko ito at itinaas malapit sa aking mukha upang mas makita ko ito ng malapitan. Sa pagtama ng mga mata ko sa gawing dibdib ng damit ay may napansin akong isang hibla ng buhok. "Kanino kayang hibla ng buhok ito?"

Natahimik ako saglit hanggang sa may sumagi sa aking isip. "Hindi kaya...ito ay buhok ni Evanora. Eto yung suot ko nung araw na isinumpa nya ako. Marahil nung nilapitan nya ako ay nahulog ang isang hibla na ito."

Muling bumalik sa aking alaala ang panahon na nakilala namin si Ginoog Remus. Tandang-tanda ko pa nang iginawa nya ako ng mapa gamit ang isang hibla ng aking buhok. Alam kong maaaring maiguhit ng hibla ang lokasyon ng sinumang tao na nagmamay-ari nito gamit ang mahika.

Kinuha ko ang buhok at nagpunta ako sa aking mesa. Kumuha rin ako ng papel at saka ako umupo. Inilapag ko ang buhok sa papel at itinapat ko ang kanang kamay ko. Lumutang ang hibla at naglabas ito ng kainamang liwanag. Kusa itong gumalaw at saka ito unti-unting gumuhit. Nagliliwanag ang bawat maisulat nito. Nang natapos na ito ay nawala rin ang liwanag at napalitan ito ng tinta. Kinuha ko ang papel at minasdan ang natapos na naiguhit nito.

Ayan, ang galing. Nakagawa ako ng sarili kong mapa. Teka lang, saan ba dito ang lugar ni Evanora. Malamang dito sa ekis na marka sya matatagpuan. Medyo malayo din pala at sa tantya ko ay aabutin ng kalahating buwan kung lalakarin lang namin ito."

Kumilos na'ko at inayos ko na ang mga dadalhin ko sa aming pag-alis. Hindi ko na kailangan pang magsabi sa hari na aalis ako dahil kagabi pa lang ay nagpaalam na'ko na hahanapin ko ang mangkukulam. Lumakad ako papalapit sa bintana at saka ko ito binuksan. Umangat ang mga paa ko at saka ako tuluyang lumipad papalabas ng bintana.

Nagpatuloy lang akong nasa ere hanggang sa bumaba ako ng dahan-dahan sa mismong tagpuan namin nina Clint. Mula sa taas ay napuna kong naghihintay na sila sa pagdating ko. "Kanina pa ba kayo dito? Pasensya na kung ngayon lang ako dumating. May nilikha pa kasi akong enkantasyon."

"Oo, marami na nga kaming napagkwentuhan ni Malik sa kahihintay sa'yo. Ano ba naman kasing salamangka ang pinaggagawa mo pa?"

Tinanggal ko sa pagkakasukbit ang aking bag at may bagay akong dinukot ako sa loob nito. "Sinuwerte tayo at may naligaw na isang hibla ng buhok nya sa dati kong kasuoutan kaya nalikha ko 'tong mapa."

"Ang galing mo naman. Talaga ngang unlimited na yang powers mo ha. Nakakainggit naman. Samantalang ako, hanggang ngayon nangangarap pa din maging great wizard."

Lumapit si Malik at marahan nyang kinuha ang mapa mula sa aking pagkakahawak. "Patingin nga nyan. Saan bang bayan natin sya makikita?" Iginala nya ang kanyang tingin sa mapa hanggang sa napansin nya ang ekis na marka. "Banda dito pala sya nakatira...sa Gilgamore City."

"Ha! Gilgamore ba kamo? Eh ang layo kaya nyan dito," saad ni Clint.

"Kaya nga ang gagawin natin ay aasa na lang tayo ulit sa mahika. Clint, mukhang ikaw ang nakakaalam ng bayan na iyon. Hawakan mo na lang ang mga kamay namin at dalhin mo kami sa lugar na iyon."

"Pwede naman yang ideya mo. Oh ano, tara na."

Naghawak-hawak kami ng kamay at saka kami pumikit. Sa isang iglap, sa pagdilat ng mga mata namin ay natunton na namin ang bayan ng Gilgamore.

Charming WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon