Chapter 17

81 4 0
                                    


Naibalik na sa'king muli ang aking pulseras at mapa na kailangan ko sa paghahanap. Pagkatapos namin na magpalipas ng gabi sa bahay ni Cody ay nagpatuloy na muli kami sa aming paglalakbay.

"Base dito sa mapa, ang susunod na bayan na pupuntahan natin ay ang Zeffari City. Ano na naman kayang pagsubok ang kakaharapin natin sa lugar na'to parang kinakabahan ako?" tanong ko.

"Pagsubok? O baka naman misyon. Diba kadalasan tinutulungan natin ang mga tao dahil ayaw mo na basta na lang lisanin ang isang lugar ng wala man lang nagagawang paraan."

"Naramdaman mo ba 'yon? Parang may napakalamig na hangin ang bigla na lang umihip. Sa tingin ko malapit na tayo sa bungad ng bayan ng Zeffari dahil kanina ang init-init nung nasa Aberdeen tayo."

"Siguro mala-Baguio sa lamig sa pupuntahan natin. Mahina pa naman ang katawan ko sa lamig. Magsuot muna tayo ng cloak, buti pala nakapagdala ako."

Pagtuntong ng aming mga paa sa bungad ng Zeffari ay nangatog na agad ang mga ito at nanginig naman ang mga braso namin dahil sa sobrang lamig. Ang akala namin ay malamig lang ang panahon pero ang tumambad sa'min ay halos mala-north pole sa tindi ng lamig at kapal ng yelo sa paligid. Tuloy-tuloy parin ang pagbagsak ng niyebe na parang wala itong planong huminto.

Iginala ko ang tingin ko at nagulat ako sa mga tumambad sa'kin sa paligid. Ang mga bahay ay natatabunan na ng makakapal na nyebe. Hindi na pansin ang hubog na patusok ng mga pine trees. Ang ilog naman ay namuó na nagmistulang yelo.

"Naku! Tingnan mo. Sa tagal ng pag-snow, nanigás na ang mga tao rito. Grabe naman ang sinapit nila." saad ko habang nakaturo ang kamay ko.

"Pano kayang nagkaganito sa bayan na ito at iisa lang ang klima dito na parang di yata nagbabago?"

"Ano kaya kung ang itawag na lang natin sa bayan na ito ay Snow City tutal puro nyebe dito. Isang araw pa tayo mananatili dito. Paano naman kaya tayo mabubuhay dito ni wala nga tayong mapagkukunan ng pagkain?"

Napaisip sya dahil mukhang mahihirapan nga kami dahil sa kalagayan ng paligid. "Diba kaya mo namang lumikha ng apoy kaya tara sa ilog tumunaw ka ng maliiit na butas doon at subukan nating mangawil. Magbakasakali tayo na makahanap ng isda."

Nagtungo kami sa ilog at nangawil ng halos apat na oras subalit wala talaga kaming nakuha ni isang maliit na isda man lang.

"Kahit anong pilit talaga natin sadyang walang maligaw na isda sa pangawil mo. Subukan kaya natin libutin ang bayan na'to baka may matyempuhan tayong ibang hayop na pwedeng ihawin," sabi ko habang nangangatog ang bibig ko.

"Malapit ng magtanghalian at wala man lang tayong nakuhang isda. Nagugutom ka na ba?" Binuksan nya ang kanyang bag at saka kinapá ang laman nito. "Teka lang. Ang alam ko may tinago akong berries dito. Pasensya ka na ha kung yan lang ang maiabot ko sa'yo."

Inabot kami ng hapon hanggang sa napadaan kami malapit sa napakatarik na bangin. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang bumigay ang tinatapakan namin. Mabilis kaming nagpagulong-gulong pababa sa bangin. Hindi ko na nagawa pang lumipad. Wala na rin kasi akong lakas dahil sa gutom at pagod. Sa taas ng kinabagsakan namin ay nawalan kami pareho ng malay.

Kinaumagahan, nagkaroon na ako ng ulirat. Habang nakahiga ay napadilat ako at tumambad sa akin ang mukha ng isang binata na may mahabang buhok at makapal na balbas. "Sino ka? Teka lang, anong ginagawa namin dito?"

"Ako si Collin. Nag-iisa na lang ako dito. Ako na lang kasi ang tanging naka-survive dito. Tara, sasamahan ko kayo sa aking tirahan dahil sa tingin ko ay di pa kayo kumakain."

Lumapit ako kay Malik at ginising ko sya. Sumama kami kay Collin at dinala nya kami sa isang tagóng kweba.

"Itong kweba ang tirahan ko. Tara sa loob. Alam kong nagugutom na kayo."

Charming WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon