Chapter 4

247 5 0
                                    

//ALLISON POV//

"What the hell!" Singhal sa akin ni Cameron matapos nyang makita ang itsura ng kwarto namin.

Pinalitan ko lang naman ang kulay ng kama ko ah, and i put some divider sa pagitan ng kama naming dalawa para hindi ako mailang kapag nandyan sya.

"May sinabi ba akong pakialaman mo ang mga gamit dito sa apartment ko?!" Matalim ang mga titig nya sa akin.

Napaatras ako.
Nakakatakot ang aura nya!

"W-wala---"

"Yun naman pala eh. So why did you changed my room?"

Napayuko ako.
"S-s-sorry--- aray---"

Napahawak ako sa kamay nyang nakahawak sa buhok ko. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Sa susunod, hindi lang ito ang gagawin ko sayo sa oras na may galawin ka ulit sa apartment KO---"

"Natin...apartment natin, Cameron. Magiging asawa mo na ako---"

"Magiging asawa lang kita sa papel. Dont assume too much, Allison. I will never loved you..." Nilapit nya ang mukha nya sa akin sabay ngisi. "...hulog ka na ba sa akin? Kung ako sayo, kalimutan mo na yang feelings mo sa akin dahil hinding hindi ko yan masusuklian!" sabi nya sabay alis.

Napaupo ako sa kama ko dahil parang nanghina ang tuhod ko. Napahawak din ako sa pisngi ko ng maramdamang basa ito.

Why am i crying?

Napapikit ako dahil may naalala na naman ako. Isang alaala na dahilan para kamuhian ko sila.

"P-pagod na po ako---"

"HINDI KA MAGPAPAHINGA! 100 PUSHU UPS...BILIS!"

I wipe my tears bago mag push up ulit ng 100 times. Pagod na ako...pagod na pagod na ako.

"Napaka hina mo talagang bata ka! Punasan mo nga yan na mga kuha mo! Napaka hina mo!"

"Dad, tama na yan. Pagod na ang kapatid ko---"

"Wag kang mangialam dito, Redfern. Paano matututu ang batang yan kung palagi mong ini-spoil? Bahala na nga kayo dyan! Pinapainit nyo lang ang ulo ko!" Sabi ni dad sabay alis.

Pinagpatuloy ko naman ang pag push ups. Nilapitan ako ni kuya Red.

"Pahinga ka na muna, bunso. Nagdala ako ng pagkain. Kain ka na muna."

"P-p-pero---"

"Magtatampo si kuya kaoag hindi ka kumain."

I let out a deep sigh bago kunin ang pagkain na binigay nya.

"Anak ba talaga ako kuya ni dad?" Tanong ko sa kanya.

"Kumain ka na lang muna, bunso." Sabi nya sabay pahid ng luha sa mga mata ko.
"...magpalakas ka bunso. Nandito lang si kuya para bantayan ka. I am your knight in shining armor...our future queen."

Kuya Red is my knight. Nandyan sya palagi kapag nasa alanganin akong sitwasyon.

I wipe my tears tsaka tumayo at naligo. Pupuntahan ko si kuya Red. Naalala ko kasi yung text nya sa akin kagabi.

I wore maong shorts at nag jacket ako na black. Naka black subber shoes din ako. Kinuha ko ang maskara ko at nilagay sa bag. Nagsuot na lang ako ng contact lenses para hindi na ako magsuot ng eye glasses. I tied my hair in a messy bun form and then after how many minutes handa na akong umalis.

Being His Property Donde viven las historias. Descúbrelo ahora