Chapter 9

158 4 0
                                    

//ALLISON POV//


"Mauna na ako sa inyo.. Kuya, Nia kayo na muna bahala dito ah," nagmamadali kong sabi.

"Ok na ba ang mga gamit mo?" Tanong ni kuya sa akin.

"Opo.. mauna na ako..bye!"

"Bye! Ingat ka!" Pahabol ni Nia.

Madali akong umangkas sa motor ko. Si Cameron, kanina pang alas sinco ng umaga sya umalis. Hindi ko alam kung bakit ganun kaaga.

Pagdating ko sa campus, agad kong pinark ang motor ko.

"Let me help you," ani ng boses galing sa likuran ko.

"Salamat Timothy," nakangiti kong ani habang inaabot sa kanya ang iba kong gamit.

"You are always welcome, Ally," Nakangiting sabi nya sa akin habang naglalakad kami papunta sa venue.

"Nasaan nga pala ang mga gamit mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nandun na sa locker room..nga pala may itatanong ako sayo."

"Ano yun?" Tanong ko.

"Uhm..last night---"

"The trash has already arrived!" Biglang sulpot ni Stacey.

Tinitigan ko lang sya bago binalingan si Timothy.

"Ano nga ulit yung sinasabi mo, Jerome?" Baling na tanong ko sa kanya.

"Ah, last night I saw you---"

"Now you have a guts to ignore me," tila asar na ani nito.

Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami kung saan naroon ang ibang candidates.

Nilapag ni Timothy ang gamit ko katabi ng mga gamit nya. Nilibot nya ang paningin nya sabay iling.

"Buti hindi na sumunod si Stacey," ani nito.

"Buti nga...Nakakapagod na rin kasing makipagsagutan sa kanya," ani ko habang inaayos ang mga gagamitin ko.

"Restroom lang ako.." paalam nito habang hawak ang cellphone nya.

Simpleng tango lang ang naisagot ko sa kanya.

Nang matapos na ako sa pag-aayos, napagpasyahan ko na maglakad lakad na muna. Tutal, alas sais pa lang ng umaga.
At isa pa, gusto ko mairelax ang sarili ko. Kinakabahan kasi ako. Remember first time kong sumali sa ganito.

Napatigil ako bigla sa paglalakad ng makita ang dalawang pamilyar na tao na naghahalikan.

Si C-Cameron at Stacey...

Napahawak ako sa may bandang puso ko. Bakit.. masakit?

Nang matapos na silang magtukaan, nakangising tumingin sa gawi ko Stacey. Nang tignan ko si Cameron, halata sa mukha nya ang gulat.

Caught in the act. Hahaha..masakit talaga..

Tinalikuran ko na sila at naglakad palayo. Hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko pero hinahayaan ko lang ito. 

Hindi dapat ako nakakaramdam ng sakit..Hindi dapat dahil wala namang matatawag na 'kami'.

Habang naglalakad ako, may biglang humila sa akin.

"Ano ba---"

"Shh..iiyak mo lang," ani ng pamilyar na boses.

Nang iangat ko ang ulo ko.. I saw Timothy.

Being His Property Where stories live. Discover now