Chapter 7

230 5 0
                                    

//ALLISON POV//


"Saan ka galing?" Tanong na bungad sa akin ni Cameron pagkapasok ko sa condo nya.

"Gumala lang," simpleng sagot ko. Pumasok ako sa kwarto namin.

"As far as I  remember wala ka sa mood kaninang umaga."

Binuksan ko ang closet at naghanap ng pwedeng masuot.

"Sinira mo na yung araw ko..." Sabi ko sabay pasok sa cr.

Nag suot lang ako ng maong na short tsaka loose shirt. Paglabas ko ng cr, nakita ko syang nakahiga sa kama nya. May sarili rin akong kama eh.

"Dun daw tayo mag dinner bukas sa bahay namin." Biglang sabi nya.

"Bakit daw?" Tanong ko dito.

Kinuha ko ang mga notes ko tsaka ito ini-scan.

"Malay ko. Siguro pag-uusapan ang tungkol sa kasal." I let out a sigh.

"Bakit ako?" Tanong ko dito.

"Huh?" Takang tanong nito.

Sinara ko ang notebook ko tsaka sya hinarap.

"Bakit ako pa ng napili ng parents mo na ipakasal sayo? Para saan ba ang kasal nato? Hindi naman pabagsak ang company nyo. Hindi din naman kami ganun kayaman. Hindi din naman ako maganda. May iba pa nga dyan na babae na deserving na maging asawa ka pero bakit ako? Bakit ako pa na isa sa mga binubully mo?" Diretsyong tanong ko dito.

"Wala akong idea. Sila na lang ang tanungin mo." Ani nito.

Tumayo sya at nagtungo sa pinto.
"Kumain ka na ba? May pagkain pa dyan."

"Anong klaseng pagkain?" Tanong ko.

"Adobo...yung paborito mo." Ani nya sabay labas.

Paano nyang nalaman na paborito ko ang adobo? Eh, wala naman ako sinabi sa kanya.

K I N A U M A G A H A N

"Sasabay ka ba sa akin?" Tanong ni Cameron sa akin.

Umiling ako sabay sukbit ng bag ko.

"Magmo-motor ako."

"Nakapalda ka---"

"Ayos lang yun---"

"Baka masilipan ka---"

"Wag kang mag-alala hanggang tingin lang ang magagawa nila." Ngising sabi ko.

"...mauuna na ako sayo future husband!" Sabi ko pa bago umalis.

Umangkas na ako sa motor ko sabay paharurot dito.

//CAMERON POV//


Kahapon lang wala sya sa mood pumasok tapos ngayon paranf excited sya. Ganyan ba talaga ang mga babae?

Mga abnormal!

Sumakay na ako sa kotse ko sabay paandar dito.

I turned on the radio dahil sobrang tahimik.

'Can we go back to the days our love was strong?
Can you tell me how a perfect loves goes wrong?'

On bended knees...

"Bakit ka aalis? Sabi mo walang iwanan... Madaya ka!"

"It's good for the both of us... Babalik ako..at pagbalik ko..papakasalan na kita."

Being His Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon